Fading

16 1 0
                                    

Kiro's POV

Isang malakas na sigaw ng pangalan ko, ang na rinig ko mula sa pintuan ng aming silid.

"Kiro!"

Si Migz pala. Kumaway kaway muna siya bago lumapit sa akin. As usual. Sobrang tagal na namin mag best friend, hindi kami na uubusan ng pagkukwentuhan sa isa't isa. Kahit wala ng katuturan ang aming pinag pag-usapan at napag-kwentuhan. Hanggang sa naging topic na namin ang love life.

"Wala ka bang ikukwento saking bago? Malapit na mag-pasko ah! Dapat may bago ka ng chikababes."

Pang-asar na tanong niya sa akin, na agad naman akong sumagot.

"Saka na pagka-graduate natin. Hindi naman ako nagmamadali at sa tingin ko, hindi pa na re-realize ng taong yun na mahal niya ako!"

Na pahugot ako dun ah. Sana nga, ganon lang kadali na sabihin sa isang tao yung na raramdaman ko para sa kanya. Sambit ng utak ko.

"Ang drama naman ng best friend ko."

"Ikaw migz. Wala ka bang pakilalang girlfriend or boyfriend sa akin?"

Bigla siyang na gulat sa tanong ko. Halatang halata ko sa kanyang mukha.

"Gago! Boyfriend ka dyan! Tigilan mo nga ako!

Alam ko medyo na inis siya sa tanong ko. Kaya binawi ko kagad.

"Joke lang. Ito naman, malay ko ba? Basta pag meron, kahit sino pa yan. Pakilala mo sa akin ah. Para mahusgahan natin."

Sabay tawa, na may halong pang iinis.

"Bakit bigla kang naging defensive?"

Pero di pa rin niya ako kinibo. Mukhang galit na nga yata siya sa akin at muli akong nag tanong sa kanya.

"Pag ako ba nagka-boyfriend, magugulat ka?"

Nanlaki ang kanyang mga mata. Na may halong pagtataka? Halos gulat na gulat siya, sa sinabi ko.

"Bakit Kiro? Are you gay?"

"Of course not. Alam mo naman na Playboy ako. Pero kung sa akin lang, kung lalaki talaga ang para sa akin. Hahayaan ko na lang. I'm not closing my door. Hahaha."

Grabe yung mga titig niya, na para bang na guguluhan. Hindi yata siya makapaniwala sa mga sinasabi ko. Kaya nagpatuloy pa rin ako sa pagpapaliwanag.

"Baka kasi love na pala, tapos nag enarte pa ako. Edi ako pa mawawalan kung ganon."

Sabay tawa ng malakas, na tila ba kaming dalawa lang ang tao rito sa loob ng silid.

"Hahaha. Pero so far. Mukha namang straight pa ako."

"Hahahahahahahahahaha."

Mas lumakas pa ang tawa ko. Hindi ko na malayan. Na naka tingin na pala ang mga kaklase namin sa amin. Wala akong pake kung na ririnig ba nila o hindi ang mga sinasabi ko kay Migz pero na pansin ko, di na siya na kikinig sa mga sinasabi ko. Busy na siya kanyang cellphone.

Nang matapos na ang aming klase, inaya ko siya at buong tropa kumain sa fishbolan. Habang papalit na kami sa fishbolan, na pansin ko na gulat na gulat yung mukha niya. Na para bang naka kita ng multo. Sabay may sumigaw ng pangalan niya.

"Hoy Miguel!"

Paglingon ko. Si hambog pala, habang sinisenyasan si Migz na pumasok sa kanyang kotse.

"Halika na, magpapractice pa tayo!"

Medyo na banas ako sa asta niya. Na para bang alila si Migz. Kung tawagin niya ay ganon ganon na lang. Paglapit namin kay hambog. Ipinakilala kagad siya sa amin ni Migz. Di ako kumibo, dahil di pa rin na wawala sa isip ko yung ginawa niya kay Migz na pangbubully.

"Hi guys. Alis na kami ni Miguel. Ang hirap kasi turuan ng kaibigan nyo eh."

"Shit! Ang yabang nito ah! Kala mo na paka perpekto mo nitong hambog na to!" Binubulong ng isip.

Na inis ako bigla, sa sinabi niyang yun. Tungkol kay Miguel.
Magsasalita dapat ako pero pinigilan ako ni Vince.

"Bye guys."

Hanggang sa makalis na nga sila.

"Bakit mo ako pinigilan Vince!? Sasapakin ko na talaga yung hambog na yun eh!"

"Bro. Kalma ka lang. Baka pag ginawa mo yun. Lalo niya bullyhin si Migz."

"Subukan niya lang na gawin yun ulit kay Migz dahil manghihiram siya ng mukha sa aso!"

"Remember bro. Ayaw lang ni Migz na bumagsak siya sa P.E class. Kaya wala. No choice siya. Kung di, kailangan niyang pakisamahan yung mokong na yun."

"Halika na at bumili na lang tayo ng fishball. Gutom na ako eh." pag-anyaya ni Jheck sa amin.

"Kayo na lang! Wala na akong gana kumain!"

Habang nag ty-type sa cellphone ko para itext si Migz.

   Ingat ka. Kita-kits na lang bukas.

Di siya nagreply sa text ko. Nag antay pa ako ng konting oras. Baka nag uusap pa sila ni hambog, kaya di siya kagad nakapag reply pero wala pa rin siyang reply. Medyo naka-ramdam ako nang lungkot at selos.
Lungkot, dahil di na ba kami magiging tulad ng dati. Selos, na baka ipapalit na ako ng best friend ko kay hambog. Huminga ako ng malalim para mawala yung mga iniisip ko. Sabay may tumapik sa balikat ko.

"Are you okay bro?" Tulala ka!"

Mungiti lang ako kay Vince. Sinyales na, okay lang ako. Pero sa utak at puso ko, sobrang gulo. Kaya nag paalam na lang ako sa kanila, na uuwi na ako dahil may kailangan pa ako tapusin sa dorm, pero ang totoo na sasaktan ako sa mga nang yayari.

"Ingat Kiro."

"Ingat bro."

"Thanks."

Nang makauwi na ako sa dorm. Na ligo muna ako para ma-refresh ang utak ko. Pag katapos ko maligo ay nagpatuyo muna ako ng buhok habang binabantayan ko ang akin cellphone kung magrereply ba si Migz.
Ngunit na bigo ako sa kakahintay nang reply niya. 8:45 pm na. Di ako mapakali. Di ko siya matiis, kaya ako na nagtext sa kanya.

       Migz. Asan ka? Medyo gabi na baka mahirapan ka na umuwi.

Migz - Kakauwi ko lang Kiro. Hindi naman ako na hirapan umuwi. Hinatid naman ako ni Carlo eh.

Bakit hindi ko magalaw mga kamay ko? Bakit parang di ko siya kayang replyan?

"Bakit?"
"Bakit?"
"Bakit?"
"Bakit?"
"Bakit?"

Ang tanging tanong sa aking isipan. Hanggang sa.

Message sent...

Ah okay. :)

Yan ang tanging reply ko sa kanya. Habang unti unting tumulo ang luha ko. Naka ngiti man ako sa message ko sa kanya, pero deep in side. Ang sakit nang na raramdaman ko ngayon. Pakiramdama ko, parang tinutusok ng maraming karayum ang puso ko.

Nung una. Unti uti lang ang pagpatak ng mga luha, pero ngayon. Hindi nagtagal ay dumami na ito. Pinilit ko punasan, ngunit hindi talaga kayang pigilan ng palad ko ang pag-agos ng mga tubig galing sa aking mga mata. Parang isang gripo, na hinayaang naka bukas. Na tila ba, wala ng pakealam sa tubig na umaagos at di na binalikan.

Magkahalong takot at pangangamba ang na raramdaman ko. Na baka isang araw mawala na ang taong sobrang iningatan ko, sa loob nang apat na taon. Na baka mabura na lahat nang masasayang alala at pinagsamahan naming dalawa. Nang dahil lang sa bago niyang kaibigan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 26, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Best Friend (BoyXBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon