Midterm

64 2 0
                                    

Araw na ng exam namin para sa P.E pero wala pa rin akong balita mula kay Carlo. Ilang araw na siyang hindi pumapasok at hindi nagtetext sa akin. Medyo nag-alala na ako para sa exam namin, pero higit dun, mas inisip ko kung kamusta na siya?

Na halata ni Kiro ang pagkabalisa ko ng mga nagdaang araw at sinabi ko naman sa kanya ang dahilan kung bakit. Nagtataka siya kung bakit ganun na lang ang pag-aalala ko sa taong dati akong inapi at inaasar. Sinabi ko na lang na nag-aalala ako para sa exam namin.

Pagdating pa lang ng prof naming sa P.E ay sinabi ko na sa kanya na wala si Carlo at mukhang hindi makakapasok. Alam na daw ito ni Sir at kahit ganun daw ay mag-eexam pa rin ako, kahit ako na lang mag-isa. Kinabahan ako sa narinig kong iyon. Magsasayaw ako ng walang kasabay habang pinapanood ng mga matang hindi ko naman kilala. Umupo muna ako sa isang bench habang iniisip yung mga steps na ginawa ni Carlo nang biglang may umakbay sa akin mula sa likod.

"Best friend, kaya mo yan. Hayaan mo, panonoorin at susuportahan kita." Nakangiting sabi ni Kiro.

Natuwa ako sa pagdating ni Kiro. Alam kong may isang taong manonood na hindi ako huhusgahan. Pero kahit ganun ay hindi ko pa rin maalis ang kaba sa dibdib.

Tinawag na ni Sir ang pangalan ko. Ako na ang magsasayaw.

Iniabot ko kay Sir ang cd ng kantang pinili ni Carlo na sayawin namin. Tumayo ako sa gitna, habang nakatitig ang mga kaklase ko sa gilid. Ang tanging nakakapagpalubag ng loob ko ay tuwing titingin ako kay Kiro at magthuthumbs up siya tanda ng kanyang suporta.

Nag-umpisa na yung kanta. Mas lalo akong kinabahan. Parang nakakalimutan ko na lahat ng steps. Pinipilit kong alalahanin pero wala na talaga akong maalala. Nakakailang Segundo nang tumtugtog yung kanta pero hindi pa rin ako makagalaw. "Bagsak. Bagsak na ako sa exam"

"Sir wait, pwede pong paulit ng kanta? Hahabol po sana ako, please." Sigaw ni Carlo habang tumatakbo papalapit sa akin.

"Bakit ngayon ka lang Carlo? Nagstart na si Miguel." Tugon ni Sir.

"Sorry Sir, nagkafamily problem lang po talaga ako. Please Sir payagan niyo na ako." Pakiusap ni Carlo kay Sir.

"Oh sige, pagbibigyan kita pero may deductions ka na dahil late ka."

"Salamat po Sir." Nakangiting sabi ni Carlo. Hingal na hingal siya habang nakatayo katabi ko. Humarap siya sa akin.

"Bakit para kang tuod kanina? Naririnig kong tumutugtog na yung kanta pero hindi ka pa rin sumasayaw?" Tanong niya sa akin.

"Nakalimutan ko bigla yung mga steps. Tsaka bakit ngayon ka lang nagpakita? Ni-hindi ka man lang nagparamdam sa akin." Mahina ngunit pagalit kong sabi.

"Sorry. Mamaya na ako magpapaliwanag, alalahanin mo lang yung video na ginawa ko. Alalahanin mo lang yun Miguel." Bulong sa akin ni Carlo.

Tumugtog na ulit yung kanta. Inisip ko yung video ni Carlo na sinasayaw yung routine namin. Unti-unting nawala sa paningin ko ang mga kaklase naming nanonood. Maging si Kiro ay unti-unting nawawala sa paningin ko. Ang tanging nakikita ko na lang ay si Carlo na nasa tabi ko at ang video ni Carlo na nagsasayaw.

Unti-unti akong sumayaw. Ginagaya ko ang bawat galaw ni Carlo sa video. Sige lang, sayaw lang ako. Unti-unti kong nararamdaman yung beat ng kanta hanggang sa hindi ko na nakikita yung video ni Carlo. Nakikita ko na ulit si Sir at yung mga kaklase ko na nakatitig sa amin.

Pero nagsasayaw pa rin ako. Naaalala ko pa rin yung mga steps na tinuro niya sa akin kahit hindi ko na naiisip yung video. Sumulyap ako kay Carlo at nakita ko ang saya niya habang nagsasayaw kami. Sabay na sabay ang galaw naming dalawa. Nakikita ko na ulit lahat ng tao, maliban sa isa. Hindi na bumalik sa paningin ko si Kiro. Tiningnan ko yung inuupuan niya kanina pero bakante na yun.

Natapos ang sayaw namin ng walang mali. Nagpalakpakan ang mga kaklase ko at maging si Sir. Pagkatapos ng kanta ay bigla akong niyakap ni Carlo. Nagulat ako pero hinayaan ko na lang. Marahil sadyang masaya lang siya dahil nasayaw namin ng maayos yung inensayo din namin ng ilang araw. Masayang masaya din ako dahil nakapagsayaw ako ng maayos at dahil nakita ko na ulit si Carlo.

Binigay na sa amin ni Sir ang grade namin. Nakakuha ako ng 1.25 samantalang si Carlo ay 1.50 dahil sa deduction na binigay sa kanya ni Sir.

Hingal na hingal kaming umupo sa bench na kaninang inuupuan ni Kiro.

"Care to explain?" Tanong ko kay Carlo.

"I'll tell you everything later. Ok lang ba kung huwag ka na munang pumasok sa next class mo. May kailangan akong sabihin sayo." Sagot ni Carlo.

"Hindi ba pwedeng ngayon na?"

"Hindi pwede. Gusto ko tayong dalawa lang."

"Oh sige. Sabihin mo sa akin lahat mamaya ah."

The Best Friend (BoyXBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon