Dear: Mama
Kakauwi ko lang po. Hinatid ko po siya sa bahay nila. Mabait na po ako sa kanya ngayon Mama. Ikaw po kasi eh, kinausap mo pa ako sa panaginip ko. Mabait pala siya Mama pag hindi ko siya iniinis. Mukha ngang magkakasundo kami Mama, Gustong gusto ko talaga siya. Nagpaalam na ako sayo Mama ah. Alam ko naman po na papayag ka Mama. Malakas ako sayo eh. Sige po ma, good night po. I love you Mama.
Nakatulog na pala ako kagabi. 8:00 am pala, 11:30 am pa ang first class ko. Kaya nagbreakfast muna ako at nagreview ng mga lesson. Nang biglang may nagtext sa cell phone ko.
Kiro - Good morning. Musta best friend ko?
Ito kakagising lang. Napagod ako sa practice namin kagabi ni Carlo. Meron na naman mamaya. Kakapagod talaga.
Kiro - Araw-araw ba dapat talaga practice niyo? Hindi ka na nakakasama sa amin magdinner ah.
Oo, kailangan kasi Kiro eh. Hayaan nyo, pagkatapos ng midterm namin, balik na ko sa normal. Hehe .
Kiro - Sana na nga.
Oo naman. Syempre naman, miss ko na kayo makasama.
Kiro - Oh sige, kita tayo mamaya after ng class mo ah.
Oh sige. :)
Nagreview na ulit ako kaso tumunog ulit ang cell phone ko. Akala ko si Kiro na naman.
Carlo - Good morning, nasaulo mo na ba steps natin? Hahaha. :D
Pinanood ko kagabi, nagpractice din ako. Medyo kaya ko na. Konting tiis pa.
Carlo - May magagawa ba ako? Haha. Joke lang. Hindi nga pala ako makakapasok ngayon so text mo na lang ako kung anong oras tapos ng class mo para masundo kita.
Bakit hindi ka papasok? Ang layo naman pag sinundo mo pa ko. Magcocommute na lang ako, text mo na lang sa kin directions papunta sa inyo.
Carlo - Sunduin na kita. Ako naman magdadrive eh, bakit ka pa nag-aalala kung malayo? Oh siya sige, tulog na muna ulit ako. Haha. Basta magtext ka lang.
Tapos na ang kaisa-isang class ko kapag Friday. Pumunta agad ako sa may fishbolan sa tapat ng college namin at nadatnan ko doon sina Kiro. "Hi guys" Sabi ko sa kanila. "Migz, labas tayo ngayon. Timezone tayo, manlilibre daw si Jheck. Haha." Patawang sabi ni Kiro. "Hindi ako pwede eh, may practice ulit kami ni Carlo eh."
"Hoy Migz, gwapo yung Carlo na yun ah. Pumapatol ba? Pakilala mo ako dali. Nagsasawa na ko dito kay Kiro eh." Si Jheck ay ang kaisa-isa naming kaibigan sa tropa na out. Nakilala na namin siyang ganun at masaya kami dahil kaibigan namin siya. Vocal din siya sa pagsasabing type niya si Kiro. Sinasakyan lang din ni Kiro ang kalokohan niya dahil alam din naman nilang dalawa na walang mangyayari sa kanila. "Sa itsurang nun ni Carlo, mukhang nambubugbog pa yun. Haha. Joke lang. Bigla ngang bumait sa akin eh. Naalala niyo yung kwento kong nang-aasar sa akin sa PE. Siya yun eh."
"Oh siya. Sige na Migz, sumama ka na, alis na tayo ngayon. Sagot na kita." Paanyaya pa rin Kiro na biglang iniba ng usapan. "Oh sige sama ako pero hanggang 4pm lang ako ah. Kelangan talagang magpractice eh." Nagtaxi na kami papuntang Tri Noma. Ako, si Kiro, Jheck at Vince. Madalas talaga kami sa Timezone. Dun naming inuubos allowance namin. Ang nilalaro lang naman naming dun ay basketball, air hockey at dance revo. Si Kiro ang gumastos sa akin ngayon. Medyo nakonsensya nga ako dahil alam ko namang gusto niyang makasama ako sa lakad ng magkakaibigan.
BINABASA MO ANG
The Best Friend (BoyXBoy)
Novela JuvenilSa panahon ngayon mahirap na talagang mag hanap ng tunay na pagibig, dahil literal nang mapaglaro ang karamihan sa atin, aminin man natin o hindi. Sa panahon din ngayon napakarami ng mga BINATILYO at TEENAGERS ang na aakit sa M2M SEXUAL ACTIVITIES...