Broken Glass

63 0 3
                                    

"Sobrang saya ko ng magkita ulit kami. Na miss ko bigla."

Isang malakas na sigaw ng pangalan ko, ang aking na rinig. Galing sa labas ng bahay namin. Pag-silip ko, na kita ko kagad si Carlo nasa labas ng gate.

"Miguel mag-usap tayo!"

"Ayusin natin to Miguel!"

"Please Miguel.

"Please Miguel, kausapin mo naman ako!"

"Miguel."

"Miguel."

"Miguel."

Patuloy pa rin siya sa pag sigaw ng pangalan ko. Palabas na sana ako nang pigilan ako ni Mama at Papa.

"Mama!"

"Miguel hindi ka lalabas! Wala na kayong dapat pang pag usapan pa!" Tugon ni Mama.

"Mama kahit salit lang po. Please."

Hanggang sa niyakap na lang ako ni Mama ng mahigpit. Ramdam ko na sasaktan din si Mama sa nang yayari sa akin ngayon. Hindi ko na pansin na lumabas na pala si Papa para kausapin si Carlo.

"Tito palabasin nyo naman po si Miguel, gusto po magpaliwag sa kanya."

"Carlo tinuring ka na din naming pangalawang anak ngunit yung saktan mo si Miguel hindi na kami papayag pa"

"Tito gusto lang po magpaliwanag sa kanya! Please tito, hayaan nyo po kami makapag usap ni Miguel!"

"Please Tito!"

"Wala na dapat kayong pag usapan pa Carlo. Hayaan mo muna aking anak na makapag isip kung dapat ka ba niyang kausapin. Sana ay na iintindihan mo ako Carlo."

Hindi na nakapagsalita pa si Carlo at agad na siyang umalis. Patuloy pa rin ako sa pag iyak habang kayakap ko si Mama. Nung pumasok na si Papa ay agad niya akong kinausap.

"Anak. Hindi ka na man namin pinagbabawalan mag boyfriend pero sana wag mong hayaan na nasasaktan ka ng ganyan dahil na sasaktan din kami ng Mama mo, pag nakikita ka naming umiiyak."

"Sorry po Papa."

"Sorry po Mama."

Pa-ulit ulit akong humihingi ng sorry sa aking mga magulang. Alam ko na labis din silang na sasaktan sa mga nanyayari sa akin ngayon. Hindi ko pa rin mapigilan umiiyak. Sobrang sakit pa din. Para akong tinulak sa bangin, na hindi ko alam kung paano ako makakalistas sa pagkalaglag. Paulit ulit ko tinatanong sa aking isipan kung anong pagkukulang ko? Bakit niya ako niloko. Hindi pa ba sapat na mahalin ko siya ng lubusan? Ano bang mas matimbang pag dating sa isang relasyon, love or sex?

Hindi ko alam kung kaya ko pang patawarin si Carlo sa ginawa niya sa akin. Hindi pa siguro ito ang tamang panahon para kausapin ko siya pero gusto ko din malaman kung bakit na gawa niya yun?

O baka mapatawad ko pa siya, kapag na rinig ko yung paliwanag niya pero parang hindi na ako maniniwala sa mga sasabihin niya, pagkatapos ng mga na kita ko.

"Bakit?!"

"Bakit?!"

"Bakit?!"

Ang tanging naging tanong sa aking sarili. Habang paakyat ako sa aking kwarto.

Bigla na lang ako bumagsak sa aking kama. Na para bang na may nakapatong na mabigat na bagay sa aking katawan.

The Best Friend (BoyXBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon