Jealous

93 1 0
                                    

Nagtake-out kami at doon kami sa kotse niya kumain. Puro lokohan at tawanan lang kami. Pero kung paminsan ay naging seryoso din ang usapan namin. Kung titingnan mo nga kami ay parang kaming dalawa na. Siguro nga ang sitwasyon namin ay parang may relasyon na pero hindi lang namin ito nilalagyan ng label. Ang importante sa amin ay panatag kaming mahal namin ang isa't isa.

Habang kumakain kami ay paulit-ulit na tumutugtog sa player niya ang kantang ginamit namin sa exam. Naging espesyal na iyon sa amin dahil dun kami nag-umpisang magkasundo.

"Carlo, bumalik ka na sa bahay niyo ah. Mag-sorry ka na sa Dad mo." Sabi ko sa kanya.

"Sige Miguel, mamaya. Ayoko lang kasi na pinapakialaman pa niya ako."

"Magulang mo pa rin siya kahit anong mangyari."

"Eh bakit hindi ko maramdaman na mahal niya ako?"

"Hay Carlo, hindi ko din alam? Pero gawin mo na lang ito para sa Mama mo. Sigurado akong ayaw niya na nagkakaganito kayo ng Daddy mo."

"Sige." Tugon ni Carlo. "Miguel, pwede ba subuan mo ulit ako ng fries?"

"Oh bakit? Hindi ka naman nagmamaneho ah?"

"Sige na please?" Mukhang naglalambing itong si Carlo. Natuwa naman ako kahit papaano, kaya ginawa ko na din ang gusto niya. Natatawa ako habang sinusubuan ko si Carlo ay nakangiti lang.

Nagtext sa akin si Jheck, punta daw kaming mall. Inaya ko si Carlo na sumama sa amin.

"Ok lang ba sa mga kaibigan mo?"

"Bakit naman hindi? Naku, tiyak matutuwa si Jheck." Patawa kong sabi.

"Paano kapag nagtaka sila?"

"Sasabihin kong mag kaibigan lang tayo. Wala namang masama dun, diba?"

"O sige pero wag mo akong iiwanan mag-isa dun ah. Baka ma-OP kasi ako."

"Aba, hindi ko alam na na-o-OP ka din pala." Pang-asar ko sa kanya.

"Miguel naman eh. Ikaw na nga lang pumunta dun!" Pikon na sagot ni Carlo.

"Oh tingnan mo to. Kapag siya nang-aasar hindi naman ako napipikon. Sorry na Carlo. Akong bahala sayo." Sabi ko, sabay kindat na halata kong ikinatuwa naman niya.

"Miguel favor ulit. Kung ok lang?"

"Magpapasubo ka ba ulit Carlo?"

"Hindi."

"Eh ano?"

"Pwede bang payakap ulit? Parang namiss ko agad eh." Naglalambing na sabi ni Carlo.

Hindi ko pinahalata sa kanya pero kinilig ako sa gusto niya, kaya lumapit ako sa kanya at niyakap siya ng mahigpit. Niyakap din naman niya ako. Mga isang minuto din kaming magkayakap. Ang sarap sa pakiramdam. Parang tamang tama lang ang katawan niya sa mga bisig ko. Sana lagi na lang kaming ganito.

"Miguel, sana pwede kitang yakapin kahit saang lugar." Si Carlo parang nagpaparinig.

"Ok lang ba sa iyo yun Carlo? Baka mapag-usapan tayo sa school."

"Ok lang, wala naman akong pakialam sa sasabihin nila eh."

"Pero Carlo, diba nga hindi pa tayo? Parang hindi pa maganda na magyakapan tayo sa harap ng kung sinu-sino. Tsaka hindi ko alam kung ok sa akin yung ganun." Sabi ko sa kanya.

"Ok. Sorry Miguel, gusto ko lang kasi na lagi kitang mayakap."

"Sorry din Carlo kung hindi pa ako handa sa ganun." Siguro di lang ako sana'y at na iilang pa ako."

The Best Friend (BoyXBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon