Broken Promise

56 1 0
                                    

Pasukan na naman. Ito na yung panahong sobrang mapapagod ako dahil tatapusin ko na ang aking thesis.

"Uy Migz, Happy New Year! Nasaan na regalo ko?" Umagang umaga si Jheck agad ang sumalubong sa akin. Wala akong naihandang regalo para sa kanila. Dati rati naman kasi ay hindi kami nagbibigayan ng regalo. Pero nakita ko siya na may hawak hawak na regalo.

"Hay naku, ang kuripot mo naman Migz. O eto, buti pa ako galante at nagbibigay ng regalo." Iniabot sa akin ni Jheck ang hawak hawak nyang regalo. Nang binuksan ko ito ay nakita ko ang key chain na may nakalagay na Singapore. Mukhang nagbakasyon sila ng pamilya niya doon.

"Salamat Jheck. Mukhang masaya ang bakasyon mo ah." Sabi ko sa kanya.

"Aba oo." Naputol sa pagsasalita si Jheck dahil bigla niyang nilapitan si Kiro na noon ay kapapasok lang sa room namin.

"Happy New Year Kiro! I have a gift for you!" Mukhang super excited si Jheck na makita itong si Kiro ah. Sabagay ganun naman talaga siya sa aming lahat.

"Salamat Jheck." Mahinang sagot ni Kiro. Nagulat ako ng hindi siya umupo sa tabi namin. Pumunta siya sa bandang likod ng classroom. Sinundan siya ni Jheck. Kinuha niya ang gamit niya sa tabi ko at sinabing dun na lang siya tabi ni Kiro uupo. Inaya din niya ako lumipat. Tinignan ko si Kiro. Nakita ko siyang nakatingin sa akin. Halata kong malungkot siya. Nahiya akong lumapit sa kanya kaya nagpaiwan na lang ako.

Wala pa rin yung prof namin kaya ang ginawa ko na lang ay nakinig ako sa MP3 player ko, nang nagtext si Carlo.

Carlo - Miguel, nasa school ka na ba? Mamaya pang 1 pm yung class ko kaya andito muna ako sa dance studio, practice kami ng org.mates ko.

Yup. Nandito na ko sa room pero wala pa prof namin. Ang aga niyo naman magpractice. May dala ka bang extra shirt?

Carlo - May dala ako sa kotse. Kita tayo ng lunch? Nagluto ako.

Sure. Puntahan na lang kita sa studio?

Carlo - Ok. See you later. I love you.

I love you too.

Makalipas ang ilang minuto ay pumasok na ang department secretary namin at sinabing hindi na dadating ang prof namin. Nagkaayaan na pumunta daw sa Tri Noma dahil 1 pm pa naman next class namin lahat. Nagsabi akong hindi sasama dahil may importanteng pupuntahan ako.

Nilapitan ako ni Kiro. "Ano yang pupuntahan mo Migz?"

"Alam mo na yun Kiro." Tugon ko.

Hindi na sumagot si Kiro at inaya na lang sina Jheck at Vince na umalis na. Pumunta na ko sa gym kung saan andun ang dance studio. Nahiya akong pumasok dahil nagpapractice sila nang dumating ako at hindi ko naman talaga nakakasalamuha mga kasama niya sa org. Nakita niya ata ako dahil sa salamin na nakapalibot sa kwarto kaya nilapitan niya ako.

"Bakit andito ka na? Wala ka na bang class?"

"Hindi dumating prof namin eh. Punta na lang muna ako sa lib. Mukhang hindi pa kayo tapos magpractice." Tugon ko.

"Ano ka ba, andito ka na eh. Manood ka na lang ng practice namin." Hinawakan ni Carlo yung kamay ko at hinila papasok ng studio. Medyo nahiya ako sa mga org.mates niya dahil nakita nila kaming naghihilahan.

"Guys, si Miguel nga pala. Manonood lang siya sa atin ah." Nagulat ako sa ginawa ni Carlo. Mabuti na lang ay hindi niya sinabi na kami dahil hindi pa ako handa na may ibang makaalam sa school.

"Sure captain." Tugon ng isa nyang kasamahan nya.

"Captain?" Tanong ko kay Carlo.

The Best Friend (BoyXBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon