Sorry

109 1 0
                                    

"Thank you Lord. Ang bait mo talaga sa akin."


Hindi ko na talaga na hanap ang cellphone ko. Hindi ko din alam ang plate number nung taxi? Bibili na lang ako ng bago.

Pagmulat pa lang ng mga mata ko ay agad na kagad bumangon ng kama. Nag toothbrush, naligo at nag asikaso ng mga gamit. Maaga ako gumising para pumunta ng mall. Kailangan makabili kagad ako ng cellphone. Nag aalala na kasi ako, na baka marami ng text sa akin si Carlo.

Pagdating ko sa mall. Nagtungo kagad ako sa cellphone shop. Biglang may nagsalita.

"Anong ginagawa mo dito?" Paglingon ko, si Kiro pala.

"Bumibili ako ng cellphone. Ikaw?" Tugon ko sa kanya.

"Bakit? Para kanino? Diba nga sabi ko sayo malapit lang ang work ko dito." Wika ni Kiro

"Oo nga pala. Hehehe. Na iwan ko kagabi sa taxi yung cellphone ko."

"Kaya pala di kita ma-contact kaninang umaga."

Nang makabili na ako ng cellphone, ay nagyaya si Kiro na kumain kami. Gusto ko man tanggihan si Kiro dahil nagmamadali din ako pero na hihiya na ako sa kanya. Minsan na nga lang kami nagkita aalis na kagad ako. Habang naglalakad kami ni Kiro papuntang McDonalds. Hindi ko mapigilan pag masdan angmukha niya. Ang laki talaga ng pinagbago niya. Ibang iba na talaga siya ngayon. Yung pormahan niya. Yung tindig niya pati pagsasalita niya.

Nang makarating na kami sa McDonalds. Naghanap na kagad ako ng mauupuan namin. Samantalang siya naman ay umorder na ng pagkain namin. Hindi pa din mawala sa isip ko ang sobrang pag aalala kay Carlo. Alam ko sa mga oras ngayon ay marami na siyang text sa akin. Na tatakot ako na baka magalit siya sa akin pero alam ko maiintindihan ako ni Carlo.

Pagbalik ni Kiro, na tuwa ako sa order niya. Hindi pa rin niya nakakalimutan kung ano ang favorite ko. Ang burger at fries.

"Alam na alam mo pa rin talaga ang favorite ko ah." Wika ko.

"Syempre na naman. Bestfriend kaya kita." Tugon ni Kiro.

"Kamusta ka na pala? Siguro mas maraming nagkakagusto sayo ngayon?" Pabirong sabi ko.

"Okay naman ako Migz." Marami. Kaso ayoko, kasi may tao akong gusto at hanggang ngayon nag-aantay pa rin sa kanya." Seryosong sabi ni Kiro

"Sino naman yan? Kilala ko ba yan Kiro? Bakit ayaw mo sabihin sa kanya?"

"Hindi. Basta. Ipapakilala ko din siya sayo pag naging kami na." Sabay tawa.

"Okay. Naniniwala akong sasagutin ka kagad nun. Ikaw pa ba."

"Sana nga Migz."

Sobrang na miss namin ang isa't isa. Ang dami namin na pag-kwentuhan ni Kiro kaya di ko na na malayan ang oras. 1:00 pm na pala. Kaya nagpaalam na ako sa kanya na aalis na ako. Inaalok niya ako ulit na sumabay na lang ako sa kanya pero tinanggihan ko siya. Ayoko kasi malaman niya kung saan ako pupunta at ayoko ko din magalit sa akin si Carlo pag na laman niya na hinatid ako ni Kiro. Binigay ko na lang sa kanya ang bago kong number at muling nagpaalam sa kanya.

Pagsakay ko ng taxi. Bigla akong kinabahan. Siguro nag aalala na sa akin si Carlo. Kung bakit di niya ako ma-contact. For sure galit yun sa akin pero maiintindihan niya naman ako, pagpinaliwanag ko sa kanya ang nan yari sa akin. Excited na ako makita siya. Miss na miss ko na si Carlo pero bakit ganon? Bakit habang papalapit ng papalapit akosa bahay nila ay lalong bumibilis ang aking kaba. Nagyon ko lang na ramdaman ito. Nang makarating ako sa bahay nila Carlo ay agad ako nag doorbell.

The Best Friend (BoyXBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon