Monthsary

68 1 0
                                    

After 8th months.

"Kamusta na kaya sya? Sobrang bilis ng panahon. Makikilala pa kaya nya ako? Magkikita pa kaya kami? Sana magkita ulit kami. Sobrang miss ko na sya."


Good morning Carlo.

Carlo - Good morning din sayo Migz

Happy 8th months Carlo. May pasok ka ba ngayon?

Carlo - Happy 8th months din. I love you.

Carlo - Meron Migz pero salit lang ako. Ikaw? May pasok ka ba ngayon?

I love you too.

Okay. Nakipagpalit ako sa katrabaho ko ng off, para naman makita kita ngayon monthsary natin.

Carlo sorry talaga kung busy ako sa work ko ah. :(

Carlo - Ganon ba. Sige kita na lang tayo sa Tri Noma. Dun pa din sa dati.

Carlo - Okay lang Migz, na iintindihan naman kita. Ligo na ako. I love you.

Thank you Carlo. Kaya mahal na mahal kita eh. Hehe. I love you too.

Habang nakahiga ako. Binasa ko ulit ang mga text sa akin ni Carlo. Na pansin ko na bakit Migz ang tawag nya sa akin? First time ko na tinawag nya ako ng ganon. Ang tumatawag lang sa akin ng Migz ay sina Jheck, Vince at Kiro. Bigla akong na nibago sa kanya. Ano ba itong na iisip ko. Monthsary namin ngayon kaya kailangan happy ako kasi magkikita na ulit kami. Excited na ako makita si Carlo. Sobrang miss na miss ko na sya. Marami kaming pag uuspan na ikatutuwa nya. Alam ko matagal nya itong huling sa akin kaya ibibigay ko na sa kanya. Nang biglang tumunog ang cellphone ko.

Carlo - Migz mga 3 pm na tayo magkita. May practice pala kami ngayon.

Ganon ba. Sige, basta text mo ako kapag tapos ka na magpractice ah.

Carlo - I love you. See you soon.

I love you too. See you.

OMG 1:45 pm na. Nakatulog pala ako ng di ko na mamalayan. Siguro sobrang pagod ko sa trabaho. Tinignan ko yung cellphone ko baka may text si Carlo ngunit wala na man kaya agad na akong nag ayos ng isusuot ko at na ligo na ako. Gutom na ako kaya dun na lang ako maglulunch sa Tri Noma at aantyin ko na lang din si Carlo.

Nang makarating na ako ay agad akong kumain. 3:20 pm na, wala pang text si Carlo. Iniisip ko na lang na baka nag meeting pa sila ng mga kadancer nya kaya naglibot na lang muna ako. May na kita akong damit. Sobrang ganda ng damit, bagay na bagay ito kay Carlo. Bibilhin ko mamaya pagdating ni Carlo. Alam kong magugustuhan nya to. Ang sakit na ng paa ko kakalibot kaya nagpasya ako na magpahinga muna. Na hirapan pa ako maghanap ng mauupuan dahil sa sobrang dami ng tao. Nang makahanap na ako ng mauupuan ay agad na akong umupo at nag sound trip na lamang. Lumipas ang ilang oras ngunit wala pa ring text si Carlo.

Carlo na saan ka na?

Carlo???

Carlo tapos na ba kayo?

Carlo na saan ka ba?

The Best Friend (BoyXBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon