Christmas vacation na namin. Si Jheck ay bumalik sa La Union. Si Vince naman ay sa boarding house lang daw magpaPasko. Ako naman ay umuwi ng Cavite.
Madalas pa rin kaming magkatext ni Carlo. Kung minsan ay nagkikita kami sa Greenbelt. Yun ang favorite naming puntahan na mall. Tahimik kasi tsaka ang sarap maglakad-lakad. Walang araw na hindi kami magkatext ni Carlo. Aminado akong namimiss ko siya kaya lagi akong nagpapaload para makatext siya.
Si Kiro naman, tinetext ko din pero hindi nagrereply. Nag-aalala na ko at nalulungkot sa nangyayari sa amin ng best friend ko. Hindi ko alam kung bakit bigla siyang nanlamig sa amin.
December 24 na. Busy ako sa pagtulong kanila Mama at Papa sa pagluluto. Si Carlo naman, sabi niya siya daw ang nagluluto ng handa nila pero wala daw ang daddy niya sa bahay nila. Nag-out of town daw kaya sila Manang lang ang kasama niya. Naawa ako ng malaman ko yun pero sabi niya ay sana'y na daw siya dahil lagi naman daw ganun ang nangyayari. Kaya ang ginawa ko na lang ay tinawagan ko siya ng 11 pm. Nahirapan nga ko tawagan siya nun eh. Ganun naman lagi pag Pasko, palpak mga telecom companies. Nagload ako ng 500 para siguradong aabot ng midnight yung tawag ko.
Hinahanda na daw niya sa table nila yung mga niluto niya. Sila Manang daw inaayos na yung mga regalo nila sa isa't isa. Ako naman ay naghahain na din ng mga niluto ni Papa.
Midnight na kaya binati ko na siya ng Merry Christmas.
"Merry Christmas din Miguel." Bati sa akin ni Carlo.
"Ano Christmas wish mo Carlo? Sana ibigay sa'yo yun ni Santa. Haha."
"Nabigay na niya."
"Oh talaga? Ano yun?"
"Ikaw."
As usual, kinilig na naman ako. Lagi na lang ako pinapakilig nito ni Carlo.
"Nambobola ka na naman."
"Hindi bola iyon. Grabe ka!" Nagtatampong sabi ni Carlo.
"Joke lang. Naniniwala naman ako eh."
"Ikaw Miguel, ano wish mo?"
"Wala. Sobra sobra na na ibinigay ka sa akin. Ang selfish ko naman kung maghangad pa ko."
"Uy bumabanat ka na din ah. Kinilig naman ako dun. I love you Miguel."
"I love you too Carlo. Kakain na daw kami. Text na lang kita later ah."
"Sige kakain na din kami. Thank you nga pala sa pagtawag. Sobrang naappreciate ko. At alam kong gumastos ka eh ang kuripot mo." Pang-aasar niya.
"Eh kasi nga malakas ka sa akin. At least parang kasama mo na rin ako. O sige ba-bye na."
"Bye. Merry Christmas ulit Miguel."
Matapos naming kumain ay natulog na kami. Ganun din ang ginawa nila Carlo. Sa umaga pa namin bubuksan ang mga regalo.
Pagkagising ko ay naka tatlong text na si Carlo.
Carlo - Good morning Miguel! Merry Christmas ulit!
Carlo - Mukhang puyat ah? Hindi pa rin gising. :(
Carlo - Hey Miguel. If ever, pupunta ako dyan sa inyo. Paano kaya?
Mga 10 am na nung mabasa ko yung mga text niya, kaya siguro nangungulit na itong si Carlo. Naghilamos lang ako at nagtoothbrush tapos ay nireplyan ko na siya.
Good morning. Kakagising ko lang eh.
Pupunta ka ba dito sa amin?
BINABASA MO ANG
The Best Friend (BoyXBoy)
Teen FictionSa panahon ngayon mahirap na talagang mag hanap ng tunay na pagibig, dahil literal nang mapaglaro ang karamihan sa atin, aminin man natin o hindi. Sa panahon din ngayon napakarami ng mga BINATILYO at TEENAGERS ang na aakit sa M2M SEXUAL ACTIVITIES...