True Colors

99 2 0
                                    

Dear: Mama

Kakauwi lang niya. Ang cute niya talaga magsayaw habang pinagmamasdan ko siya Mama. Parang siyang bata. Pero as usual Mama, natakot na naman ako pag-uwi ni Daddy kanina. Iba yung titig ni Daddy kay Miguel, baka kasi may sabihin si Daddy kay Miguel na hindi maganda. Kaya bigla akong kinabahan at kinausap ko kagad si Daddy. Sana hindi ka na lang na wala Mama pero alam ko binabantayan mo ko. Sobrang miss na miss kita Mama. I love you so much Mama.

Pagpasok ko sa P.E class namin ay medyo nanibago ako. Wala kasing nang-aasar sa akin eh. Andun si Carlo pero hindi niya ako pinapansin kaya umupo na lang ako. Mas ok na siguro yung ganito kesa naman pagtripan ako ng mokong na'yan. Natapos ng mapayapa ang P.E class ko. Nireview lang sa amin ni Sir yung tinuro niya.

Nagkita ulit kami ni Kiro. As usual, kwentuhan lang tungkol sa mga bagay-bagay. Madalas ko siyang binibiro tungkol sa love life niya. Halos isang taon na kasi siyang walang girlfriend. Yung huli niyang nakwento sa akin ay yung kaklase nya nung high school at nagbreak sila dahil nagmigrate na sa U.S yung pamilya nung babae.

"Kiro, wala ka pa bang ikukwento saking bago? Malapit na magpasko ah. Dapat may bago ka ng chikababes." Pang-aasar ko kay Kiro. "Tsaka na pagkagraduate natin. Hindi naman ako nagmamadali at sa tingin ko, hindi pa narerealize ng taong yun na mahal nya ako." Tugon ni Kiro. Ang drama ng best friend ko ah. Sabagay, mahirap din yung ngayon ka pa magkakagirlfriend. Gagraduate na tayo eh, mahihirapan kayo pag nagtatrabaho ka na." Totoo naman kasing mahirap pagkasyahin ang oras mo sa trabaho at sa karelasyon mo. Hindi ko pa naman iyon nararanasan. Feeling ko lang naman. Nagulat ako sa susunod na tinanong ni Kiro. "Ikaw Migz, wala ka bang ipapakilalang girlfriend o boyfriend sa akin?"

"Gago, boyfriend ka dyan. Tigil-tigilan mo nga ko!" Painis kong sabi. Hindi ko alam kung nagloloko lang siya o nahalata na niya kung ano ako. "Joke lang. Ito naman, Malay ko ba? Basta pag meron, kahit sino pa yan. Pakilala mo sa akin ah. Para mahusgahan natin. Hehehe. Bakit bigla ka naging defensive? Pag ako ba nagkaboyfriend, magugulat ka?" Nagulat ako sa sinabi niya. Nanlaki mata ko. "Bakit Kiro, are you gay?"

"Of course not. Alam mo namang playboy ako. Pero ang sa akin lang, kung lalaki talaga para sa akin, edi hahayaan ko na lang. I'm not closing my doors. Hahaha. Baka kasi love na pala tapos nag-inarte pa ako. Edi ako pa mawawalan kung ganon. Hahaha. Pero so far, mukha namang straight pa ko." Ang lakas ng tawa ni Kiro nung sabihin niya yun. Pinagtinginan nga kami ng mga classmates namin. Hindi ko lang alam kung narinig nila yung sinabi ni Kiro?

Gwapo kung sa gwapo si Kiro. Isa siya sa pinakahabulin sa college namin. Isa din siya dun sa iilang lalaki na taga CMC na hindi pinagkamalang bading ng mga chismosang babae. Syempre, pangarap din nilang mapasakanila si Kiro. Pero bigo sila. Nang magbreak si Kiro at yung huli niyang girlfriend, parang nawalan na siya ng interes na pumasok sa isang relasyon. Madalas ay nag-aaral na lang siya o gumigimik kasama mga kaibigian niya. Madalas kami magkasama, kumakain kasama ng mga friends namin sa organization.

Isang beses may nagbigay kay Kiro ng isang box ng chocolates. Pinaabot lang sa guard. Nang tanungin niya kung sino, hindi sinabi ng guard. Makalipas ang ilang araw, nagpakilala na yung nagbigay sa kanya ng chocolates. Isang lalaki na taga College of Music. Magkatabi lang ang building namin. Nagulat kami sa ginawa nung lalaki. Tinanong niya si Kiro sa harap naming lahat kung pwede siyang manligaw. Inabangan namin yung sasabihin ni Kiro. Alam naming hindi siya magagalit kaya hindi kami natatakot na magkaron ng eskandalo. "I'm sorry pero hindi kasi ok for me yung ganito. I'm very flattered pero hindi talaga ako interested. It's better na sabihin ko sayo ngayon na. ayaw din kasi kita paasahin."

Mabuti na lang at naintindihan nung lalaki at umalis na lamang siya. Kung hindi ko lang talaga kaibigan itong si Kiro, nagkagusto na rin ako sa kanya. Pero masyado kong pinapahalagahan yung pagkakaibigan namin para dungisan lang ng pagkagusto sa kanya. And besides, masayang masaya ako sa kung anong meron kami ngayon.

The Best Friend (BoyXBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon