Assuming

408 20 14
                                    

JULIAS POV

Nung tumakbo Ako palabas ng opisina ni sir Enrique ay Dumiretso Ako sa Cr para hilamusan yung mukha ko. Di bale ng mabura makeup!

Binuksan ko yung gripo at sinimulan ng maghilamos.

"Ano bang nangyayare sa'yo Julia?" Tanong ko sa sarili ko nang tinitignan ang aking mukha sa salamin.

Nakakainis Kasi na Nakakahiya na ewan! Basta Hindi ko alam Kung saan Ako magagalet. Kung sakanya ba o sa sarili ko. Kasi naman mabilis akong naakit ng tukso nang dahil lang sa mga mata nyang yon. Tapos may parang Hindi Ako maexplain na feeling kapag hinahalikan nya ko.

And nahawakan nya pa ang aking BARE BUTT.

Nakakahiya.

Nakakahiya.

Nakakahiya.

Nakakahiya.

Yan lang ang masasabi ko sa nararamdaman ko ngayon. Masyado akong natempt at Hindi naisip ang mga consequences ng aking actions.

Biruin mo empleyado nakikipaghalikan sa boss nya? Tangina, Kung Hindi lang si sir Daniel yung nakakita malamang sa malamang talk of the town Kame. At Hindi Ako magtataka Kung bukas o sa makalawa ay matanggal na Ako sa trabaho huhuhu T T

May part na nandidiri Ako na Hindi. Hindi dahil NAGUSTUHAN KO SYA. Oo nagustuhan ko sya, alangan namang magsinungaling pa'ko eh Halata naman sa galaw ko kanina na I'm enjoying it eh! Tapos nandidiri dahil, obviously nahalikan nya na yung babaeng prosti na yun!

YUCCCKK!!

Tapos naghalikan Kame ibig sabihin parang hinalikan ko na rin yon! Eeeeewww lang talaga! At Hindi naten alam baka Marami rami naren yung nahalikan nya. Hayssss.

Binasa ko uli ang kamay ko at inihilamos sa mukha ko. I didn't even bother drying it up Kase wala yung towel ko kaya lumabas na Ako ng banyo at naglakad Papunta sa cubicle ko.

Nakikita kong tinitignan Ako ng mga kasama ko sa trabaho at Hindi ko nalang pinansin ang mga Ito. Sino ba naman ang Hindi mapapalingon sa Ganda kong 'to? De joke! tumutulo Kasi yung tubig sa mukha ko eh.

Nang makarating Ako sa workstation ko. Hinanap ko yung towel at ipinunas sa mukha ko. Pagkatapos ay nagpowder at naglagay uli ng onting lipstick na bigay ni Kath and balik na uli Ako sa trabaho.

>>>>>>>>

This past few weeks napapansin ko na onti onti nang nagiging cold sina sir. Hindi naman sa nagaassume Ako or anything Pero lang talaga ibang iba sila. As in super strict na and Kung makatingin kala mo Hindi Tao dahil WALANG EMOSYON ANG KANILANG MGA MUKHA.

Lagi kasing poker face at nakabusangot yung mga mukha Nila eh. Ewan ko ba Kung baket ganyan parin sila kagagwapo tsk.

Sa Totoo lang Hindi Ako sanay. Ibang iba Kasi sila nung nakilala ko sila compared sa ngayon. Mas Lalo silang naging seryoso at Hindi ko na rin nakikita yung dalawang bruhilda na pakalat kalat sa office. Siguro sobrang stressed out sila ngayon?

Naglalakad Ako ngayon Papunta sa office ni Sir Enrique. May pinapahatid kasing file sakanya. I knocked three times nung bago Ako pumasok sa office nya. Nakaharap sya sa monitor, not even taking a small glance at me.

Naglakad Ako papalapit sakanya Kaso parang Hindi nya ata Ramdam yung prisensya ko kaya I faked cough at napatingin sya saken with that same cold expression he gives to everyone. Nakakapangilabot, sobrang lamig ng tingin nya premis!! I coughed again before handing him the papers.

"S-sir, eto na po yung papers na pinapaabot ni Mr. Yap"

Kinuha nya saken Iyon at inilapag sa gilid nya at humarap na naman sa monitor. Yun lang? Walang thank you or anything? Hindi manlang ba sya maiilang saken about what happened before? And the fact na it happened here, at the very right spot where he's sitting right now.

TWO is better than ONETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon