Node 004: The Scorching Axe

383 18 7
                                    

Muling nagkita sina Karen at Margo matapos ang mahabang panahon. Tinalo ni Karen ang isa sa miyembro ng Banal na Konseho na si Grim, ngunit, nakatakas naman ang isa pa nitong miyembro na si Hara-i, bihag ang kanilang mga kaibigan.

"Ang tunay naming pakay ay si Saifer Cross," pag-amin ni Grim na gumulantang kina Karen at Margo.

"Anong kailangan n'yo kay Saifer?!" pabulalas na tanong ni Margo sa kaniya.

"Gagagamitin namin si Saifer Cross upang lumantad si Justine Cross."

Napasapo si Karen sa kaniyang dibdib. "S-Si Justine??"

Dito na inilahad ni Grim ang tunay na layunin ng Banal na Konseho.

Ang Bahal na Konseho ay may labing isang pinakamalalakas na miyembro--kabilang na sina Rufus at ang lalaking nakasakay sa pilak na dragon. Ang kanilang misyon ay ang likhaing muli ang tunay na mundo, sa pamamagitan ng Tore ni Babel--subalit, upang makalikha ng isang bagong planeta, kinakailangan ng napakalakas na purong enerhiya--ang kapangyarihan ng Alpha Gnome... ang kapangyarihang taglay ni Justine Cross.

Inilatag ni Karen ang isang lumang mapa sa isang malaking tipak ng bato sa liwasan ng base. "Tignan mo, Margo. Kung babaybayin natin ang lambak na ito tungo sa hilaga, mararating natin ang Bayan ng Palgria. Baka hindi pa sila nakakalayo."

"Hmm. Tama ka, Karen."

"Ngayong nasabi ko na sa inyo ang aming tunay na pakay, maaari n'yo na akong pakawalan," pagpupumiglas ni Grim habang nakatali.

Naghalukipkip si Margo. "Hindi natin siya maaaring pakawalan," aniya kay Karen. "Malalaman ng mga kasama niyang may alam na tayo tungkol sa plano nila--malalagay lalo sa panganib ang iba nating mga kasama."

"Iniwan na siya ng kasama niya," saad ni Karen. "Nakita ko kung paano tinapos ng lalaking nakasakay sa pilak na dragon si Rufus. Mas mabuti kung isasama na muna natin siya."

"Teka!" protesta ni Grim. "Hindi ako iniwan nina Orca at Hara-i! Mga kaibigan ko sila!"

Nagpaling sa kaniya ng tingin si Karen. "Kung gayon, nasaan na sila?"

"H-ha? Ah--eh--"

Nagbuntunghininga si Karen. "Hindi gawain ng mga totoong kaibigan ang mang-iwan."

Bahagyang nalito si Grim sa sinabi ng dalaga. "M-mas m-mhalaga ang misyon--" nauutal pa niyang sambit.

"Manahimik ka. Sasama ka sa amin bilang bihag," masungit na saad ni Margo.

Napatayo si Grim at nagpapapalag mula sa pagkakatali. "Ayokong maging bihag n'yo!! Ayokong sumama sa inyo!!"

Hinablot ni Margo si Grim sa magkabilang pisngi at hinila palapit sa kaniya. "Bakit, may problema ka ba?!"

Natahimik si Grim at napalunok. "Wala naman, tara lets."

Pansamantalang naubos ang lakas ni Grim dahil sa paggamit niya sa pinakamalakas niyang kapangyarihan kung kaya't wala na itong nagawa kundi pumayag na maging bihag ng dalawang dalaga.

Nilisan nina Karen at Margo ang Base ng Resistance, kasama ang nakatali pang si Grim, sakay ng isang maliit na karabanang de makina...

***

Ilang oras ang lumipas, kasalukuyan binabaybay ng tatlo ang mahabang lambak, tungo sa hilaga.

Minamaneho ni Margo ang karabana, sa kaniyang tabi naman nakaupo si Karen.

Napansin ni Margo ang pagiging tahimik ni Karen.

"May problema, Karen?" tanong niya rito.

Huminga ng malalim si Karen. "Hindi mawala sa isip ko ang Tore ni Babel... Bakit ako ang napili upang--"

Summoner's Grid 2: Ascent of the MessiahTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon