Node 003: Clash of the Deathly Triad (part 2)

440 20 2
                                    

Tatlong hindi kilalang nilalang ang nagpakita sa Base ng mga Resistance. Hindi malinaw ang kanilang pakay, subalit, balot ng negatibong ora ang kanilang presensya.

Ilang mga ordinaryong miyembro ng Resistance ang sumubok na labanan ang tatlo, ngunit, lahat sila'y bigo't natagpuang nakahandusay sa paligid ng liwasan. Maging si Atomo ay sinubukan silang harapin, subalit, simula pa lamang ng laban ay nagpamalas na ng lakas ang mga ito't madali lamang siyang napabagsak.

Ang liwasan ngayon ay balot ng matinding tensyon...

Nasaan na nga kaya si Karen sa mga oras na ito?

***

Humahangos na nilapitan ni Zeus ang walang malay na kapatid, "Athena! Athena!" Yugyog niya rito.

Lumapit sina Bosyo, Harold at Gregory. "Athena!" sabay-sabay na pag-aalala ng tatlo.

Hinawakan ni Zeus ang kaliwang pulso ni Athena. "Buhay pa siya," tila nabuhayan niyang reaksyon.

Ngumiti ang matandang babae. "Namnamin n'yo na ang bawat sandali ng inyong mga buhay. Ilang sandali na lang at mamamaalam na kayo sa mundong ito," mapait niyang sambit.

Napapaling si Margo ng tingin kay Atomo na kasalukuyang nakalugmok sa kaniyang tabi. "Paano nilang nabasag ang Soul Fusion ni Atomo sa normal na estado lamang?" bulong ni Margo sa kaniyang isipan.

Soul Fusion lamang ang maaaring makatapat sa lakas ng Soul Fusion, kung kaya't malaking palaisipan para kay Margo ang taglay na lakas ng tatlo.

"Sino ba talaga kayo?!" bulalas ni Margo habang kaharap ang tatlo.

Ngumisi ang payat na laking may bakal na piring sa mata. "Kami ang tatlo sa labing isang miyembro ng Banal na Konseho."

"B-Banal na Konseho??" pagtataka ng dalaga.

Noon lamang narinig narinig ng lahat ang tungkol sa Banal na Konseho. Maging sina Wulong, Saifer at Zeus ay walang alam dito.

Pilit na tumayo si Atomo. "Anong... kailangan n'yo rito!?"

Ngumiti ang matandang babae. "Ang aming obhektibo ay ang linisin ang mundong ito sa pamamagitan ng nag-aalab na apoy ng kabanalan."

"Kukunin namin ang buhay ng lahat ng naririto. Iyon ang aming misyon," ani naman ng matikas na lalaki.

"Ano?!" balikwas ni Atomo.

Halos pumutok sa galit si Margo. "Wala akong pakialam kung sino pa kayo!!" tahasang niyang saad.

Sandaling natigilan ang tatlo sa naging reaksyon ni Margo.

Nagpaling si Margo ng tingin sa mga nakahandusay na tao't program sa paligid. "Ang mga nilalang na ito ay may buhay! Wala kayong karapatang humusga kung sino ang mabubuhay at mamamatay nang gano'n-gano'n lang!!"

Naghalukipkip ang matikas na lalaki. "Ang buhay at kamatayan ay natural na proseso ng pag-iral. At ang malalakas ang magdidikta kung sino ang mabubuhay at mamamatay."

Nagkiskisan ang mga ngipin ni Margo sa galit. "Kung gayon, humanda kayo! Ipakikita ko sa inyo kung sino ang mas malakas!! Greiger--Soul Fusion!!" Nagsanib sina Margo at ang malaki niyang avatar na si Greiger.

Walang pag-aatubiling sinugod ni Margo ang matikas na lalaki. Nabalot ng nag-uumapaw na kapangyarihan ng kalupaan ang kaiyang kamao, bago nagpakawala ng isang malakas na suntok. "Earthly Strike!!"

Hindi kumilos ang makisig na lalaki sa kaniyang kinatatayuan. Inilabas niya ang isang maliit na kapsula na may ineksyon mula sa kaniyang baluti at itinarak sa kaniyang leeg.

Summoner's Grid 2: Ascent of the MessiahTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon