Glossary

489 13 2
                                    

Terms listed below are sorted based on occurrence

~•○●° BOOK 1 °●○•~

Grid - Tawag sa mundo ng Virtual World. Bagong mundo ng mga tao.

Summoner - Mga nilalang sa loob ng Grid na may kakayahang tawagin ang kanilang Avatar sa pamamagitan ng Summoning Gear. May iba't-ibang antas at klasipikasyon base sa kanilang kakayahan.

Summoning Gear - Maliit na mekanismong ginagamit ng isang summoner upang tawagin ang kaniyang avatar. Isinusuot ito sa braso at mayroong maliit na monitor.

Avatar - Mga makapangyarihang nilalang na may iba't-ibang anyo at kakayahan na katuwang ng mga summoner sa kanilang pakikibaka sa loob ng Grid.

Taong 2038 - Nabuo ang Virtual World.

Taong 2054 - Kasalukuyang taon. Labing anim na taon makalipas ang pagkakabuo ng Grid. Kasalukuyang kaganapan ng istorya.

Bayan ng Garu - Bayan malapit sa Uryu.

Bayan ng Uryu - Bayang pinamumunuan ng isa sa apat na siyentipiko-si Edward Shen. Tawag din bilang isa sa mga pangunahing lalawigan sa Grid.

Lungsod ng Argalon - Imperyo na pinamumunuan ng isa sa apat na siyentipiko-si Saifer Cross. Tawag din bilang isa sa mga pangunahing lalawigan sa Grid.

Bayan ng Shizu - Bayang pinamumunuan ng isa sa apat na siyentipiko-si Albert Han. Tawag din bilang isa sa mga pangunahing lalawigan sa Grid.

Bayan ng Haruku - Tribo na pinamumunuan ng isa sa apat na siyentipikong pumanaw-si Yohan Grey. Tawag din bilang isa sa mga pangunahing lalawigan sa Grid.

Mga Manunubos - Bounty Hunters. Mga bayarang summoner na nanghuhuli ng mga bandido o pirata, kapalit ng malaking halaga.

Balanse ng Grid - Isang maliit na chip. Makapangyarihang bagay na nagpapanatili ng kaayusan at balanse ng sistema sa loob ng Grid.

Itim na Lobo - Pangkat ng mga bandido na pinamumunuan ni Wulong.

Bayan ng Gorgunta - Lungsod / bayan ng mga bandido. Matatagpuan sa lalawigan ng Uryu.

Bayan ng Sagaru - Bayang matatagpuan sa hangganan ng lalawigan ng Uryu. Matatagpuan dito ang isang lagusan na tanging daan upang marating ang kabilang bahagi ng Grid kung saan matatagpuan ang iba pang mga lalawigan, tulad ng Argalon, Shizu at Haruku.

Program - Mga nilalang na anyong tao sa loob ng Grid. Nilikha sila upang gampanan ang mga tungkuling iniatas sa kanila.

Soul Fusion - Isang espesyal na kakayahan kung saan ang summoner at ang kaniyang avatar ay magsasanib sa iisang katawan. Dahil sa pagiging kaisa ng summoner at avatar, nailalabas ng Soul Fussion ang sandaang porseyentong kakayahan ng avatar.

Lucile - Artificial Intelligence na nilikha ng isa sa apat na siyentipikong pantas-si Saifer Cross. Nilikha niya si Lucile mula sa imahe ng kaniyang yumaong asawa. Si Lucile ang naatasang lumikha ng isang perpektong sistema sa loob ng Grid.

White Program - Mga program na nilikha ni Lucile bilang kaniyang mga kawal. Nilikha upang pagsilbihan si Lucile at panatilihin ang kaasyusan sa loob ng Grid. Mga Nakasuot ng puting baluti, may hawak na mahahabang mga baril at naka-helmet.

Black Program - Mga program na nilikha ni Saifer Cross bilang mga kawal ng Argalon. Nilikha upang paglingkuran si Saifer Cross. Mga Nakasuot ng itim na baluti, may hawak na mahahabang mga baril at naka-helmet.

Summoner's Grid 2: Ascent of the MessiahTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon