Node 008: The City of Sands (part 1)

296 19 1
                                    

Isang lumang senaryo na kumupas na sa alaala ang patuloy na nagbabalik at hindi kailan man malilimot.

Malakas ang ulan nang gabing iyon. Mga taong nagdaraan, sukob ng kani-kanilang payong, yakap ng magagarang kasuotan. Abala sa kani-kanilang mga gawain. Tila hindi alintana ang isang matandang babae sa gilid ng bangketa na halos mabuwal na sa gutom, uhaw at pagkahapo.

Wala ni isa ang pumansin sa matanda...

Sa gitna ng mga taong nagdaraan at walang pakialam, isang binatang may hawak na payong ang huminto at naglahad ng kaniyang kamay sa kaniya...

***

Kasalukuyang nagpapatuloy ang laban sa ibabaw ng ikalawang bagon ng Skyline.

Mayroong anim na bagon ang Skyline, lulan ang halos animnapung pasahero. Apat na bagon na ang nawasak at ngayon, mayroon pang dalawang natitira. Ito ang larawan ng Skyline at ang puwesto nina Karen, Margo, Hara-i, Quo at Azalous sa mga bagon ng Skyline.

Skyline
[x]-[x]-[x]-[x]-[o]-[o]
[x]-[x]-[x]-[x]-[H,K,M]-[Q,A]

"Karen, ano bang sinasabi mo kanina na alam mo na kung paano siya matatalo?" pagkalito ni Margo.

"Matatalo natin siya. Sigurado 'yon. Kailangan lang nating hintayin ang susunod na pagsabog," kumpiyansa ni Karen. "Mayroon pa tayong limampung segundo."

Ngumisi si Hara-i. Nagliwanag ang mahaba niyang buhok at tila lalo pang lumakas ang kapangyarihang dumadaloy sa bawat hibla nito.

Nagsipag-angatan ang mga bungkos ng buhok ni Hara-i na pawang mga galamay sa sumasayaw sa hangin. "Ipakita n'yo sa akin ang inyong kakayahan!!" aniya.

Bahagyang napaatras sina Karen at Margo.

Sunod-sunod at malalakas na hampas ang pinakawalan ni Hara-i na halos dumurog sa itaas ng ikalawang bagon. Pilit naman iyong inilagan nina Karen at Margo.

Sandaling inipon ni Margo ang kaniyang kapangyarihan sa kaniyang mga guwantes at saka pinakawalan sa mga bumubulusok na galamay ng buhok---subalit, hindi man lang napinsala ang mga ito.

"Imposible?" pagkabigla ni Margo.

"Margo, hindi basta-basta napuputol ang buhok niya. Alam mo ba ang ibig sabihin no'n?"

"Magandang klase ang Shampoo niya?"

"Hindi!!"

"Leading brand ang conditioner niya??"

"Hindi! URGH!!" inis na iling ni Karen. "Matibay ang mga hibla buhok kapag magkakasama. Kahit na suntukin mo 'yan, hindi mo 'yan masisira. Kailangan natin ng malatalas na bagay para putulin ang buhok niya."

"Kung ganon, gamitin natin ang yelo mo! Kaya mong gumawa ng matatalas na yelo, hindi ba?"

"Imposible 'yon." Ipinakita ni Karen ang kaniyang putol na punyal. "Nabasag na ang Medium ko."

"Waaah! A-anong gagawin nating ngayon?!" sabunot ni Margo sa sarili.

Huminga ng malalim si Karen. "Tipirin mo ang lakas ng mo. Hihintayin natin ang susunod na pagsabog---mayroon pa tayong tatlumpung segundo."

"Oo," tango ni Margo.

Inilabas ni Hara-i ang magkabila niyang kamay mula sa loob ng kaniyang roba. Dahan-dahang nabalutan ng buhok ang mga braso at kamay ng matanda. Inilahad niya ang magkabila niyang palad. Doon, unti-unting nabubuo ang isang kakaibang pigurang nagliliwanag at mabilis na umiikot.

"N-nararamdan ko ang ora ni Grim!" balikwas ni Margo.

"Isa 'yang bomba!" pag-alarma ni Karen. "Ginagamit n'ya ang kapangyarihan ni Grim!"

Summoner's Grid 2: Ascent of the MessiahTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon