Node 002: Glacial Paradox

456 21 3
                                    

Upang mabawi ang mga avatar mula sa isang pasilidad na pag-aari ng Bagong Imperyo sa gitna ng malawak na disyerto, isang misyon ang isinagawa ng grupo ng Resistance kung saan isang hindi inaasahang pananambang ang naganap. Ilang mga Mecha ang kanilang naka-engkwentro...

Nahuli ang buong pwersa ng mga Resistance na sumama sa misyong iyon. Tanging ang dalagang si Athena, at si Bosyo lamang ang nakatakas.

Habang papalayo sa pasilidad na iyon lulan ng isang sasakyang panlupa, hinarang sina Athena at Bosyo ng isang lalaki... isang miyembro ng Resistance--si Rufus na kalaunan ay kanilang nadiskubre bilang isang espiya at traydor sa Resistance.

Labis ang pagkabigla nina Athena at Bosyo nang makita sa kanilang harapan si Rufus.

"Ikaw?" balikwas ni Bosyo.

Isang malakas na tawa ang umalingawngaw sa buong disyerto. "Hindi ko alam kung magaling lang akong magtago o masyado lang mahihina ang mga kokote ninyo," panunuya ni Rufus.

Hindi na nakapagpigil si Athena. Mabilis niyang sinugod si Rufus. "Traydor ka!!" Iwinasiwas ni Athena ang malaki niyang maso at inihampas kay Rufus. Sinalubong ni Rufus ang papalapit na maso at sinalo ito ng kaniyang ulo.

Ngumisi si Rufus.

Nagulat sina Athena at Bosyo.

"S-sinalo niya??" balikwas ni Bosyo.

"Imposible!" hindi makapaniwalang sambit ni Athena.

Ngumisi pang lalo si Rufus na tila ba nagpipigil ng tawa. "Ito ang tunay kong lakas!" Hinablot ni Rufus ang kaniyang damit sa bandang dibdib. "Ang katawan ko ay--" bigla niyang pinunit ang suot na pang-itaas. "AY YARI SA BAKAAAL!!" bulalas niya na sinundan pa ng malakas na halakhak.

"A-ano!?" Bahagyang napaatras sina Athena at Bosyo.

Napanga si Bosyo habang nakatingin sa bakal na dibdb ni Rufus. "H-hindi ako makapaniwala!"

"Gwahahaha! Ano nagulat ka ba, Bosyo?!"

Napalunok si Bosyo. "Imposible! Nasa'n ang mga nipples mo?!"

"Bwahaha---ha?" Tagilan sa pagtawa si Rufus, napakunot ng noo at napatingin sa kaniyang dibdib.

"Oo nga," bulong ni Athena. "W-wala siyang--"

Lumapit si Bosyo kay Athena at bumulong. "Ang weird, 'di ba?"

"Tumahimik kayo!!" Halos pumutok ang ugat ni Rufus sa sentido. "Eh, ano kung walang akong nipples?! Grr!!" Mabilis na sinugod ni Rufus si Bosyo. Inihampas niya ang malaki niyang baril rito.

Napatilapon si Bosyo sa buhanginan at nagpagulong-gulong.

Nakakita si Athena ng magandang pagkakataon nang mga sandaling iyon. Bumuwelo ang dalaga at buong lakas na hinampas ng malaking baso si Rufus sa likuran nito...

Subalit, hindi man lang natinag si Rufus sa kaniyang kinatatayuan. Hindi man lang niya ininda ang malakas na pag-atake ng dalaga.

Dahan-dahang lumingon si Rufus at tinapunan ng matalim na ngisi si Athena. "Bale wala 'yan," aniya. Mabilis niyang dinakot sa balikat si Athena.

Pilit na nagpumiglas si Athena. "Bitiwan mo ako!"

"Sabi mo, e." Buong lakas na inihampas ni Rufus si Athena sa sahig. Nawasak at nagliparan ang mga bahagi ng buhangin sa lakas ng pagtama roon ni Athena.

"Athena!" bulalas ni Bosyo.

Ini-angat ni Rufus ang kaniyang malaking baril. "Oras na para ilantad mo ang 'yong tunay na anyo--Gatling!!"

Summoner's Grid 2: Ascent of the MessiahTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon