Node 010: Rage of the Prime (part 1)

279 18 5
                                    

Nakaupo si Karen sa likod-bahay. Habang pinagmamasdan ang punyal na ibinigay ni Justine, isang pagyanig ang kaniyang naramdaman. Agad na nagtungo si Karen sa liwasan upang alamin ang nangyayari. Doon ay naabutan niya sina Justine, Quo at Hepe Kayek, kaharap sina Margo at Alena na hawak naman ang isang gintong pana.

"Anong ginawa n'yo!?" galit na tanong ni Hepe Kayek kina Margo at Alena.

"Kukunin ko ang Ginintuang Pana!" seryosong ani Alena.

"Oo nga!" sabat ni Margo. "Matagal nang hinahanap ni Alena ang panang 'yan!"

Iwinasiwas ni Kayek ang kahoy niyang tungkod. "Mga engot! Ang Ginintuang Pana ang nagpapanatili ng buhawi ng buhangin na nagkukubli sa tribong ito! Ngayong wala na ang buhawi, para na lamang tayong mga naka-tungangang pato!"

Nagpalundag-lundag sa inis si Margo. "Hindi ako pato! And I hate pagtunganga!"

Lumapit si Karen sa grupo. "Anong nangyayari?"

"Nakuha na nila Ate Margo at Ate Alena ang Gintong Pana, pero nawala ang proteksyong buhawi ng tribo," paliwanag ni Quo.

Pumagitna si Karen sa pagitan nina Kayek at Alena. "Sandali lang po. Baka pwede po natin itong pag-usapan ng maayos."

"Hepe, siya po si Karen Shen. Siya po ang Messiah," pakilala naman sa kaniya ni Justine.

"Ikaw ang Messiah?"

"Hindi. Pato," bulong ni Margo.

Tumango si Karen. "Opo..."

Bahagyang humupa ang emosyon ng magkabilang panig.

"Hepe Kayek, p'wede ba nating gamitin na lang muli ang Gintong Pana para ibalik ang buhawi ng buhangin?" suhestyon ni Justine.

Umiling si Kayek. "Aabutin pa ng ilang oras bago muling ma-ibalik ang buhawi sa pamamagitan ng Gintong Pana."

"Teka, hindi ko ibabalik sa inyo ang Gintong Pana!" mahigpit na hawak ni Alena sa Gintong Pana.

"Alena," malumanay na saway ni Karen.

Umiling si Alena. "Ang Panang ito ay mula pa sa aming angkan! Hindi ko hahayaang mapunta itong muli sa kamay ng mga Narkurian."

Nagpaling si Kayek ng tingin kay Alena. "Mali ang iniisip mo tungkol sa Gintong Pana," ani ng matanda. Tumalikod siya sa grupo. "Sumunod kayo sa akin," aniya bago naglakad palayo.

Nagtungo ang lahat sa templo sa ilalim ng liwasan kung saan kinuha nina Margo at Alena ang Ginintuang Pana. Makikitang nakaukit sa bawat sulok ng templo ang mga kakaibang imahe---mga imahe ng mga taong may mahahabang tainga at berdeng mga mata---ang mga Narkurian.

Sa loob ng maliit na silid, sa harap ng sagradong altar, ikinuwento ni Kayek ang nakaraan.

Maayos ang samahan ng mga tao noon at ng mga Program na Narkurian sa Sektor E haggang sa dumating ang banta ni Lucile, dalawang taon na ang nakalilipas. Isang sigalot ang sumibol sa pagitan mg mga tao at mga Narkurian. Natakot ang mga tao na pumanig ang mga Narkurian kay Lucile kung kaya't nilusob nila ang mga ito.

Binuo ng mga Narkurian Gintong Pana upang protektahan ang kanilang templo at ihiwalay ang kanilang pamumuhay mula sa mga tao. Isang buhawi ng buhangin, gamit ang Ginintuang Pana upang ikubli ang kanilang templo para mamuhay ng payapa at malayo sa gulo ng mga program at tao.

Makalipas ang dalawang buwan, isang grupo ng mga sugatang manunubos ang natagpuan ng mga kabataang Narkurian at dinala sa templo. Tinulungan ng mga mongheng Narkurian ang mga manunubos na magpagaling---Isa si Kayek sa mga manunubos na 'yon.

Summoner's Grid 2: Ascent of the MessiahTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon