Node 005: Baleful Covenant (part 1)

480 19 5
                                    

Dahan-dahang uminulat ni Karen ang kaniyang mga mata. Natagpuan niya ang kaniyang sariling nakahiga sa isang matigas na higaan, sa loob ng isang maliit na silid. Iisang bintanang de rehas, walang halos gamit sa silid na may dalawang magkatapat na higaan--sa kabilang higaan, nakaupo si Margo.

"M-Margo??"

"Gising ka na rin pala," seryosong bungad ni Margo habang tila nagmamasid sa paligid.

Napasapo sa kaniyang ulo si Karen. "A-anong nangyari?"

"Mabuti naman at gising ka na," tila aligagang usap ni Margo habang ngayon ay inaamoy-amoy na ang isang bahagi ng dingding ng silid.

Tahimik lamang siyang pinagmasdan ni Karen.

"Nawalan tayo ng malay doon sa latian," muling usap ni Margo habang ngayon naman ay pasilip-silip sa ilalim ng higaan. "Kakagising ko lang din," aniya.

Napakunot ang noo ni Karen. "Teka, ako bang ginagawa mo?"

Hinimas ni Margo ang sahig at dinilaan. "Hindi mo pa rin ba na nauunawaan, Karen?"

"Ang ano?"

"Tintraidor tayo ni Grim. Binigyan niya tayo ng prutas na may lason!"

Napatayo si Karen. "Ano? T-teka, sigurado ka ba?"

Tumango si Margo. "Oo naman! Narito tayo ngayon sa loob ng isang bilangguan!"

"Ha?" Iniikot ni Karen ang kaniyang paningin sa paligid ng silid. "E, parang nasa hotel lang tayo, e."

"Psshh! Siyempre! Sinadya nilang gawing parang hotel ito!"

"Para??"

"Malay ko. Basta. Sigurado ako. Isa itong pagsubok! Pinag-aaralan nila ang mga kilos natin! Pero, 'wag kang mag-alala! Akong bahala! Tatakas tayo rito!"

"Sandali nga lang, Margo--"

Biglang iniabot ni Margo ang isang basang salawal kay Karen. "Heto!"

Napaiwas ng mukha si Karen. "Eww! Ano 'yan?!"

"Amuyin mo! Palagay ko naihian ko ito habang tulog!" Hinawi ni Karen ang kamay ni Margo at napailing. "Tama na 'yan, Margo. Nasa hotel tayo, okay?"

Tumalikod si Karen kay Margo at ambang bubuksan ang pihitan ng pinto.

"Sandali, Karen!" Pigil ni Margo."Huwag mong hawakan 'yan!"

"B-Bakit?"

"Ano ka ba!? Baka nilagyan ng Grim na 'yon ng bomba 'yang pinto!"

Naningkit ng tingin si Karen. "Margo, nasa hotel lang tayo."

"Tsk! Siyempre! Cover up nga lang ito para utuin tayo! Teka. Akong bahala. Tinuruan ako ni Ama na magbukas ng mga delikadong pinto." Inilapit ni Margo ang mukha niya sa pinto, nang bigla itong bumukas at humampas sa kaniyang mukha. Napatihaya ang dalaga sa sahig.

Pumasok si Grim sa silid at nagulat nang makitang nakatihaya si Margo sa sahig. "Anong ginagawa n'yo??" pagtataka niya.

Bumalikwas ng tayo si Margo sabay duro kay Grim. "Hoy!! Ikaw ang nagdala sa amin sa bilangguang ito!"

"Ah. Oo," nakangisi't kamot-ulo pang reaksyon ni Grim. Nalason kasi kayo ng mga ligaw na ubas. Nawalan kayo ng malay kaya dinala kayo rito para gamutin--tska, hindi ito bilangguan. Isa itong HOTEL."

Natigilan si Margo at nagtaas ng isang kilay. "Hotel?"

Nagbuntunghininga si Karen. "Sinabi ko na sa 'yo e. Hotel 'to, teh."

***

Kasalukuyang nasa loob ng isang maliit na kainan, sa ibaba ng hotel sina Karen, Margo at Grim. Sa harap ng isang maliit na hapag nakaupo ang tatlo't kumakain ng tanghalian.

Summoner's Grid 2: Ascent of the MessiahTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon