NOTE 1.0 #NewBeginnings

1K 23 0
  • Dedicated kay everyone and for me!!
                                    

6 years later...

JUNIOR YEAR.🎉

"...Life is like a fairytale

I met a dazzling prince

Who doesn't even know

my name..."

Inulit ni Adoni ang linya kasabay sa pagtugtog ng kanyang gitara. Ilang taon na rin siyang nagku-compose ng kanta. Iyon nalang kasi ang kasiyahan niya.

Ang totoo niyan tinatamad na siyang pumasok. Junior student na siya ngayon pero ganoon pa rin ang takbo ng buhay niya.

Wala naman kasing nangyayaring "exciting" sa school nila. Puro tsismis lang ang alam. Mga lampa rin ata sa sports ang mga tao doon eh. Walang binatbat!

Eh paano siya mag-eenjoy at gaganahang mag-aral? Magdadalawang taon na pero ganoon pa rin, walang ipinagbago simula ng ma-expelled siya sa dati niyang school.

Oo, expelled. Don't judge. Rules are meant to be broken. Hah! Fight me.

May mabuting naidulot naman ang record na yun sa bago niyang school. Dahil dun siya ang PINAKAsikat. Pinag-uusapan, pinagtsitsismisan ng lahat!

Oh diba? Ang saya lang. Kilala siya ng lahat. Daig pa niya ang artista.

Sana may dumating. Sana...

SANA TALAGA.

I don't want this life to go on like this way any longer.

Bumuntong hininga siya. Enough na sa mga malulungkot na isipin. Nakakabagot yun. Nakakadagdag stress pa! Nagpatuloy nalang siya sa paglikha ng awitin. Ilang minuto makalipas ay malapit na sana siyang matapos, nang biglang...

Bumalibag pabukas ang pintuan ng kanyang kwarto.

"Kanina ka pang alas kwatro dyan ah!"Malakas na wika ng kanyang kapatid.

Hinila bigla ng kapatid niya ang comforter na ginawa niyang bed sheet kung saan siya prenteng nakaupo. Nahulog pa siya mula sa higaan dala ng pagmamadali. Pahamak talaga itong kapatid niya pero mahal na mahal niya naman. Kaya sa huli, puro "OO" at "tango" lang ang naitutugon niya sa nag-iisang kapatid.

"Aray! Shit... Ang sakit ng tuhod ko." Sinilip niya ang napuruhang parte ng katawan at binigyan ng nakakamatay na tingin ang kapatid."Ano bang problema mo bakla ka?!"

Imbes na sagutin siya ay ngumuso ito sa may pintuan.At hayun! Andoon pala ang poging super strict na papa niya.

For the record, her brother isn't gay.

"Papa!"Bulalas niya sabay tago ng kwaderno sa ilalim ng comforter. Pero huli ng lahat dahil nasilip na nito kung ano iyon.

"Hindi ka ba talaga tutulong sa mga gawaing bahay, Meme?Tutugtog ka nalang ba palagi?"

Eww. Andyan na naman yang tawag nila saken ehh!

"Ehh 'Pa kasi---"

"Tayo na. May klase ka pa."

Tumayo na siya ng dahan-dahan.

"Opo, 'Pa."

"Another thing is, gusto kung mag-focus ka sa pag-aaral at hindi sa pagsusulat ng kanta."He said in an authorative voice.

Kumirot bahagya ang dibdib niya. Nuon pa man ay hindi na sya suportado ng ama sa kinahiligan niyang pagsusulat ng kanta.

Umalis na ang papa niya habang ang kapatid niya ang ngisi-ngising pinapanood ang nakabusangot niyang mukha.

Campus Beat: Game Of Hearts (Bestfriends Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon