NOTE 9.0 #TheKiss

245 18 0
  • Dedicated kay Maria Cristina Orac
                                    

"EVERUNE! Did you~"

Hindi naituloy ni Akerue ang sasabihin dahil sa taong nadatnan niya sa sala.

Lahat nakatingin sa kanya maliban sa taong palaging laman ng kanyang isip. Nang lumingon ito ay 'di man lang nagulat o kung ano man. Bagkus ay mukhang 'inis' pa ito.

Binalingan niya ang kapatid. Tsk. Ayaw niya namang mapahiya ito sa harap ng maraming tao. Pero di ibig sabihin nun na palalampasin niya ang ginawa nito. Pagagalitan niya ito pero gamit ang lengwahe nila.

Para walang maintindihan ang mga kasama nila sa sala. Depende nalang kung may marunong o nakakaintindi ng "French" sa kanila.

Nagsagutan sila ng kanyang kapatid. Matigas kasi ang ulo't napaka-suplada. Napag-alaman rin niyang ginamit nito ang perang kinuha sa "savings" niya sa pag-audition. Musically inclined kaming pamilya. Kaya wala akong tutol roon.

"Ano 'to, 'forum'?"Walang kangiti-ngiting tanong ko sa mga ito.

Matapos ang diskuson namin ni Everune.

"KUYA RUE!"Tawag ng kung sino.

Pagtingin niya ay ang kapatid pala ni Chemy.

"Sensya kung 'di mo alam.'Di ko kasi nasabihan si Everune na pupunta kami ngayon dito."

"It's fine. Kuya Zirgo, let's go. Naghihintay na sila Kia dun."Aniya na 'di man lang pinansin si Chemy.

Badtrip 'ata ito, eh.Pero nakakaawa naman ito nakatayo lang.

"O, ikaw, ba't nakatayo ka lang d'yan?Umupo ka nga"Wika niya rito.

"Nag-aalok ka ba sa lagay na 'yan?"Nakataas ang kilay na tanong nito sa kanya.

Napabuga siya ng hangin. Na-miss din niya ang katarayan nito.

"Ako na nga itong nagmamagandang loob, ikaw naman tung nakakasama ng loob."

"Tss."

Naagaw ang atensyon nila sa nagsisigawan.

"O, ano?Naniniwala ka na?Magkamukha kami 'diba?"

Ano bang problema ng mga batang 'to at pinagtatalunan ang isang napakasimpleng bagay?

"Sus!Asa ka!Mas maganda ate mo!Mas cool at astig!"

"Alangan namang maging maganda rin ako?Lalake ako, no!Tawag dun, gwapo!"

"Duh!As if naman..."

"Anong gusto mo palabasin?"

"Bakla ka!Aminin mo na kasi!"

"Hoy!Hindi ah!Patunayan ko pa sayo!"

"Pa'no?Sige nga!"

"Huwag na pagsisihan mo lang..."

"Try me!"

Nanlaki ang mga mata nila nang halikan ni Clifex ang bunso niya.Sa pisngi lang naman.Ang kapatid niya natigilan at biglang tumakbo.Nilapitan naman ni Chemy ang kapatid nito at binatukan ng kadalawang beses.

"Aray!Aray!"

"Bakit mo ginawa yun!?"

"Eh, ate...I'm just being obedient.Sabi niya try me."

"Ah ganun? Pag sinabi ko bang halikan mo ang pwet ng kalabaw gagawin mo?"

"Depende kung walang tae syempre."

Narinig kog naghagikhikan ang mga nakapaligid sa amin. Binatukan ko nga ulit.

"Nakita mong ginawa mo?Galit sa'yo si Everune."

Campus Beat: Game Of Hearts (Bestfriends Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon