NOTE 23 #Vice

108 8 0
                                    

Nakatanggap ako ng tawag mula sa isang miyembro ng school council. Magkakaroon na naman kami ng meeting. Late akong dumating dahil hindi naman ako necessary masyado dun. They do all the talking.

Ngunit laking gulat ko nang sa aking pagpasok ay di pa nagsisimula ang meeting. Pagtingin ko sa gitnang upuan ay wala doon si Akerue.

Tahimik akong umupo sa bakanteng upuan. Lahat ng mata'y nakatutok sa akin.

"Where's pres?"tanong ko nalang.

"Di sya makakarating. Sabi nagkasakit daw."Si Matomi ang sumagot.

Yeah, isa din siya sa mga nakalusot. Beauty with no brains group of council to eh. Pssh. Nga pala. Speaking of GMA...puno ng pasa ang mukha nun!

"Ah, okay."

"He didn't text or call you?"

"I did not give him my number."

Nagulat ang ilan sa aking sagot. Yung mga iba na kilala na ang ugali ko ay nagkibit-balikat na lamang.

Naiinis talaga ako sa babaeng 'to. Alam mo yung feeling na kapag hate ng bestfriend mo, mas hate mo rin?

"Wait. Ikaw ang vice president sa school pero wala kang contact sa president?!"

"May problema ka dun, Matomi?"

"Gosh, bakit ba ikaw pa ang vice?"Mataray na sabi nito sabay hilot sa sentido.

"Natanong ko nga rin 'yan. So, ano?Ano bang agenda sa araw na ito? Simulan na natin ng matapos na ang kaartehang ito."

Since wala nga ang lampang Akerue, ako muna magrerepresent ngayon. Napag-usapan namin ang tungkol sa budget proposal for the upcoming school trip.

Sa totoo lang wala akong ideya na may ganito. Wala naman talaga akong pake. Natapos naman agad ang naturang meeting.

"Wala ka talagang kwentang vp. You didn't even put an effort checking my proposals!"Inis na wika ni Matomi habang papalabas kami.

"Alam ko kasing puro kaartehan lang ang laman nyan."Sagot ko naman.

Parang batang nagmartsa ito paalis. Nailing at natawa na lamang ang ilan sa miyembro.

Pagkatapos ng aking huling klase ay dumiretsyo na ako sa klasrum ni Everune.

Halos kilala ako ng lahat kaya madali lang matunton ang seksyon nito kahit di ko alam.

Ngunit pagkarating ko sa sinabing klasrum ay wala ito doon. Maaga daw umuwi upang magpraktis kasama ng banda.Guess where? Sa mismong bahay nito!

Ipagpabukas ko nalang kaya 'to? Eh, kaso deadline na sa susunod na araw! Ang dami pa nitong irereview sa mga naging proposals. Ang oa naman kasi ng school na 'to!

Nag-aabang ako ng taxi ng may humintong kotse sa mismong harapan ko. Ano 'to? Ang luwag-luwag ng space, dito talaga bababa?!

Ipamukha daw ba sa akin na wala akong kotse! Bwisit 'to ah.

Salubong ang kilay ko habang hinihintay ang tuluyang pagbaba ng bintana.

"Hi!"

Parang nabuhusan ako ng isang baldeng yelo nang makita ang mukha ni Yori. Naalala ko kasi si Yuan bigla.

"Yori?!"Bulalas ko sabay pinasadahan ng tingin ang kotse.

"Maganda ba? Regalo sa akin nina mom and dad. Pauwi ka na? Hatid ka na namin!!"Excited na alok nito.

Sinilip ko ang kasama nito. Kung di ako nagkakamali ay si Kuya Mackenzey iyon.

"Ah, ha ha! Di pa. May pupuntahan ako. Ba't absent ka today?"

Campus Beat: Game Of Hearts (Bestfriends Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon