NOTE 7.0 #HerPersonalNurse

279 17 0
                                    

KASALUKUYAN silang umaakyat ng hagdan tungong ikalawang palapag ng gusali ng bigla s'yang makaramdam ng pagkahilo. Bigla na lang nagdilim ang paningin n'ya.Ni pagbagsak n'ya, 'di nga niya naramdaman.

Pagkagising n'ya kanina ay gwapong mukha ni Akerue ang unang nakita n'ya.Pero gusto man n'yang ngitian ito ay di n'ya magawa. Masakit ang buong katawan n'ya!Kumakalam pa ang sikmura n'ya! May 'ulcer' pa naman siya. Sinabi n'ya ritong gutom s'ya.

Maya-maya lang ay nagpaalam itong umalis para bilhan s'ya ng pagkain.Pagbalik nito ay may dala na itong dalawang supot ng pagkain. Napaisip tuloy s'ya kung bakit ang dami ng binili nitong pagkain. Gan'on na ba s'ya katakaw sa paningin nito?'Di naman s'ya mataba,ah.=__=

"Bakit?"Tanong nito.Nahalata 'ata ang pagtataka sa kanyang mukha.

"Mukha ba akong si Majim Buu sa paningin mo?"

"Medyo." He smirked.

=_= Bwisit! Inirapan nya na lamang ito.

Napangiwi naman siya nang subukan n'yang umupo ng tuwid. Damn!

"Bakit ba ang sakit ng likod ko? Leche."Reklamo niya.

Napatingin s'ya kay Akerue nang marinig n'ya ang mahinang tawa nito. Tinaasan nya lamang ito ng kilay. Kanina ginawa siyan Majim Buu, ngayon naman ay CLOWN?!

"Nakakarami ka na ah! Gusto mong balatan kita ng buhay dyan?!"Iritadong sabi niya.

"Kumain ka na nga. Hinang-hina ka, eh."Sa halip ay sagot nito suppressing his smile.

Isa-isa nitong inilabas ang laman ng paper bags. May 2 crispy fried chicken legs, spaghetti, hamburger, ulam na karneng baboy, kanin at... ewan.

Iniabot nito sa kanya 'yun nga ang ewan food. Kinuha naman n'ya gamit ang kaliwang kamay.

"Heh. Wag mo nga akong ini-small! Kaya pa rin kitang pagbuhol-buhulin dyan kung gusto ko! Teka. Ano ba 'to?"kunot-noong tanong n'ya. Hindi kasi pamilyar sa kanya. Poor kasi kami!

"Lasagna."Maikling sagot nito.

"What's lasagna?Lasaw na?Sabi ko na nga ba lalasunin mo ko eh!" aniya.

Hindi ako OA , okay? I know lasagna. Kunyari lang yun. -_- I watched Garfield movie and lasagna's the fev food of my fev character which is Garfield.

Pero sa halip na sagutin s'ya ay ngumiti ito at pinisil ang pisngi n'ya. Nagpang-abot ang kilay niya dahil sa gesture nito.

"Ang FC mo talaga no? May papisil-pisil ka pang nalalaman."Angil niya rito sabay irap.

"Pogi naman. Ang kulit mo kasi. Don't worry, harmless 'yan. Okay?"At binigyan s'ya nito ng plastic spoon.

"Malay ko ba... Mukha mo palang kawangis ng delubyo eh."

Tumawa ito ng malakas sa sinabi niya.

"Buti nalang delubyo 'kala ko demonyo sasabihin mo, eh."

"Magkalapit lang yun. Magkatunog eh."

Magsisimula na sana s'yang kumain dahil gutom na talaga s'ya. Pero may benda ang kanang braso niya. Right-handed pa naman s'ya. Baka matapon lang ang pagkain. Pero ma-try nga. Nakakatawa s'ya. Sobra. -_- Para s'yang batang nag-aaral pa lang humawak ng kutsara.

"Carry ko naman pala, eh" nangingiting sabi n'ya. 😊😅

Ayaw niya kasing magmukhang kaawa-awa sa harap ni Akerue.

Campus Beat: Game Of Hearts (Bestfriends Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon