NOTE 24 #DramaQueen

133 8 0
                                    

"Fvck. Ang init-init!"Reklamo ng katabi kong lalake.

Panay ang paypay nito sa sarili. Nakabantay kami sa station 4. Pinadaan sa bunot-bunot ang pagpili ng babantayang station para fair.

"Tumahimik ka. Ang arte mo. Kalalake mong tao. Ito hawakan mo!"Utos ko rito sabay lahad ng trivia cards na nagamit na.

"Ilan pa ba ang hihintayin natin? Tsaka ba't mo ko dinadamay dito eh ikaw nakaisip ng larong 'to! Tangna."

"May apat na pares pa ang hindi nakakarating! Wag kang reklamo ng reklamo dahil in the first place ikaw ang nanghingi ng advice!"

"Ba't kasi ang tagal ng mga unggoy na contestants na 'yan?!"

Hinampas ko ito ng malakas sa braso.

"Sabi ng tumahimik ka eh!"

"Aray! Oo na! Tatahimik na. Sadistang babae 'to..."

Naghintay pa kami ng ilang sandali. Kaso wala pa rin. Pati ako naiinip na!

"Kapag may nawala na participants sa loob ng gubat lagot ka sa parents nila."Pananakot pa nito.

"Tanga lang ang maliligaw sa maliit na gubat na 'to."

"Narinig kong haunted daw dito..."Mahinang usal nito malapit sa aking tenga.

"Tse! Mas haunted 'yang pagmumukha mo!"

Nabura ang mapaglarong ngiti nito sa labi.

"Akin na 'yang tubig! Nauuhaw ako."Anito.

I stuck my tongue out at him.

"Magtiis kang reklamador ka."

"Akin na."

Inabot nito ang water bottle sa kamay ko. Inilayo ko naman. Ang ending, nag-aagawan kami sa naturang bagay. Takbo dito, takbo doon. Tago sa puno, balik sa station. Tawa ako ng tawa dahil badtrip na ang mukha nito.

"Uhm, excuse me. Station 4?"

Natigil kaming dalawa ni Rue pagkarinig sa nagsalita.

"Uhm, yes."Inayos ko ang damit at suot na sombrero.

Binigay ko sa mga bagong dating ang isang trivia question. Nasagot naman nito ng tama.

"Ang cute nila kanina."Narinig ko pa bago tuluyang nakalayo ang mga ito.

Naghagikhikan pa ang dalawang babae. Wala kasi kaming piniling pares talaga. Nanghingi lang kami ng representative sa bawat seksyon. Sila na ang bahala sa magiging partner nila. Kaya ayun. May pares na boy and girl. Meron din babae lahat.

"Pagod ka na?"Nangingiting tanong ko kay Troll.

"Tinatanong pa ba?"Supladong tanong nito.

"Oh tubig."I tossed him the bottle of water.

"Tch."

Habang umiinom ito ay naisip niyang guluhin ang buhok nito. Dahilan upang tumapon ang tubig sa shirt nito.

"Tch, stop it! I'm drinking!"

"Yeah, I can see that."Natatawa kong sabi.

"And I'm thirsty! Please just go away."

Natigil ako pagkarinig sa sinabi nito. May konting kirot ang mga katagang iyon sa aking puso.

"Okay!"

Naglakad na ako palayo rito.

"Wait, where are you going?"Salubong ang kilay na tanong nito.

"Diba pinapalayas mo ko?"Tinaasan ko ito ng kilay.

"I did not mean it like that. I just want you to stop messing with my hair because I cant drink properly."

Lihim akong napangiti.

Marami din kaming activities na ginawa. Natapos din ang tatlong araw namin na pamamalagi doon. Medyo magulo kasi itong presidente naman mukhang distracted. Ewan ba. Di ko nalang pinansin.

Maya-maya lang ay susunduin na kami ng school bus na maghahatid sa amin pabalik. Nakamasid lang ako sa mga kikay at pabibong estudyante na ilang metro lamang ang layo mula sa aking kinauupuan.

Di nakaligtas sa mga mata ko ang pagmamaldita ng brat na si Seraphina. Hashtag the bully witch. Si Troll ay abala sa pag-aayos ng ilang bagay. Syempre presidente yan eh! Me? Well, pahinga muna ako. Ngayon lang nga yata ako nakaupo simula ng dumating kami dito. Siraulo kasi ang presidente namin.😑

Imbes na maging good role model, naging role model naman sa kagaguhan!

Balik tayo sa Seraphinang maldita. Ayan pinandilatan na nito ang inaaway na babae. Akalain mo yun, kabago-bago lang nito may mga alipores na agad? Iba!

Di tuloy makalaban ang pobreng babae. Dinuro pa ito sa noo ng Sera-ulo.

Hindi na ako nakatiis kaya nilapitan ko ang mga ito. Pero nahinto ako dahil biglang bumagsak ito sa lupa eh wala namang tumulak rito. Di ko rin naman siya nakitang natapilok. Clearly, binagsak niya lang ang sarili sa lupa. Sera-ulo talaga.

Doon ko lang napagtanto lahat nang dumating ang siraulong Troll at tinulungan ang kapwa Sera-ulo. Bagay talaga.

I crossed my arms on my chest.

Kunyari naiiyak pa ang leche drama queen. Nakita kong pinagalitan ni Troll ang pobreng babaeng napagbintangan na tumulak sa Sera-ulo.

Sa wakas, nakalapit na ako sa kanila.

Bida-bidahan ka ngayon ha? Oh sige, ako muna ang kontrabida sa buhay mo ngayon maldita ka! Ani ko sa isip.

"Oh, anong nangyayari dito?"Nakataas ang kilay na tanong ko.

"Ate Chem..."Anang pobreng babae. Ops, freshman.

Matalim na tinignan ko si Sera-ulo.

"Oh, anong pag-iinarte yan Sera?"

"I'm not being arte! That bitch pushed me—"

Binalingan ko ang freshman. Yumuko na lamang ito. Nakita ko ang pagyugyog ng mga balikat.

"Oh? Well, I think you need to apologize drama queen."Ani ko sa naiinis na boses.

"S-Sorry."Agad namang sagot ng freshman. Akmang tatalikod na ito ng pinigilan ko.

"Hey! Not you. I'm not referring to you. But this drama queen here."

"Are you talking about me?! Drama queen?! How dare you! I'm the one who's hurt!"

"Well, you clearly know what you deserve. Cut the drama. You did that to yourself."

"Gabriel, what's wrong with your vice? She's accusing me of everything. Making me look like a fool..."Humikbi ito.

God, ang drama ng bruha! Leche. Sarap ibaon sa lupa.

"Chem, stop this. Ano ba? Kung bored ka—"

"I'm not bored, okay? At hindi ko hobby ang mangbully. Kagaya ng isa dyan. Tinulak ng hangin!"

"Shut up!"Sigaw ni Sera-ulo.

"Alright, that's enough!"Tinignan ako ni Troll na magkasalubong ang kilay. Tinaasan ko lang rin ito ng kilay.

Sakto naman na dumating ang bus kaya natigil ang aming eksena.

"Ouch, Gab... I sprained my ankle."Pag-iinarte ng bruha.

Inalalayan naman agad ito ni Troll. Syempre, inilingkis agad ng ahas ang sarili sa huli.

"Eh sino ba naman kasing tanga ang magsusuot ng heels during camping?"Parinig ko.

Naramdaman ko ang matalim na titig sa akin ni Sera. Si Troll naman ay nagpakawala ng malalim na hininga. Wala silang naging komento.

Losers.😈

"Ops, natamaan ka?"Hirit ko pa dahil di ako nilulubayan ng matalim na titig ni Sera.

Doon na nagsalita si Troll.

"Chemy, please? No more talking."

Kibit-balikat lamang ang naging tugon ko.







Campus Beat: Game Of Hearts (Bestfriends Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon