Note 27: #Skipbeat (Updated Chapter)

176 6 1
                                    

Nagtungo si Chemy sa isang tindahan. Nakiusap na makitawag. Syempre nag-alok siya ng bayad. Buti nalang mabait yung may-ari. Di na siya pinagbayad ng sinabi niya ang kanyang sitwasyon.

Tinawagan niya si Yori.

Galit na galit ito matapos na ikwento niya ang nangyari. Sinabi niyang wag nalang sabihin sa kanyang pamilya at baka mag-alala. Pauwi na rin naman siya.

Pagkaraan ng ilang oras na mahabang byahe ay sa wakas natapos rin. Nagtaka si Chemy nang makarating sa bahay nila. Bukas kasi lahat ng ilaw kahit pasado alas dyes na ng gabi. Dahan-dahan niyang binuksan ang front door.

Nagulat siya nang makitang maraming tao sa sala. Nag-isip siya ng mabuti. Wala namang okasyon sa araw na yun. Mga mukhang namatayan.

"Ate?"

"Hi guys! I'm back... May nangyari ba? Bakit ba mukha kayong namatayan?"

"Buhay ka ate!"

"Ha? Oo naman."

Tiningnan siya ng mga ito ng may labis na kasiyahan sa mga mata. Napaatras siya nang biglang tumayo ang lahat at niyakap siya. Group hug kumbaga.

Teka... anong drama 'to?

Kumawala siya sa mahigpit na yakap at isa-isang tinulak ang mga ito.

"Ano ba? Di ako makahinga mga litse kayo. Two days lang ako nawala ah. Ang oa nyo."

"Akala naman isa ka sa mga nadisgrasya."

"Huh?Saan?"

"Yung bus na nahulog sa bangin."

"Na-snatch ang bag ko. Ayun sumakay sa bus. Kinarma yata yung lalake. Pero kawawa yung iba nadamay pa."

"Thank God buhay ka, anak! Yung papa mo nagpumilit na uuwi na!"

Nais niyang matawa sa naging tinuran ng ina.

"Ang oa po, ma. Syempre buhay. Nakikita nyo pa eh."Pabirong sabi niya.

Tatlong magkakasunod na hampas sa braso ang napala nya mula sa ina.

"Ikaw na bata ka! Wag kang nagsasalita ng ganyan! Nag-alala kami sayo ng husto!"

"Oo na, oo na! Sorry! Ma, awat na. Masakit! Aray!"

Buti't nakinig naman ang mama niya at tumigil sa masasakit na hampas nito. Ang bigat ng kamay eh!

Napansin niyang kulang ng isang pamilyar na bulto sa grupong nandoon.

"Si Akerue?"tanong ko. Kompleto kasi lahat maliban kay Troll.

"Ayun agad na pinaharurot ang kanyang motorsiklo papuntang Batangas. Alalang-alala yun."Sagot naman ni Xi.

"Tatawagan ko"

"SANDALI!"Piningot siya sa tenga ng ina,"Bakit hindi ka man lang tumawag at nagsabing okay ka lang?"

"Maaaa! Masakit."

"Talagang masasaktan ka! Oh wala kang balak sagutin ako?"

"Sinabi ko naman kay Yori eh. Pero di ko pinaalam sa inyo kasi baka mag-alala kayo--"

"Talagang nag-alala kami leche ka! Muntik na akong himatayin ng biglang magflash mukha mo sa TV!"

"Eh hindi ko naman alam na may ganung nangyari..."

"Hindi? Saang kalsada ka ba dumaan kung ganon? Sa langit?"

"Natulog ako eh. Aray!"

Binatukan kasi siya ng ina.

Campus Beat: Game Of Hearts (Bestfriends Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon