NOTE 15 #DazedAndConfused

116 8 0
                                    

Hindi pa rin maka-get over si Chemy sa nalaman. Wow, life is full of surprises. Indeed. Akalain mo, ang kuya ng bestfriend ng kapatid ko ay fiancee ng bestfriend ko? Ang liit nga naman ng mundo.

Iyon ang mga isiping naglalaro sa isipan niya habang nakaupo sila sa buhangin ng pabilog sa bonfire.

Nakatitig lamang siya sa apoy. Lingid sa kanyang kaalaman ay may taong pasulyap-sulyap sa kanya. Maya-maya pa'y dumating na sina Xi at Gypsy with the alcoholic drinks.

"Guys! Let's get filling up!"

"Alright!"Masaya namang tugon ni Dominique.

Nagsalin ang mga ito sa shot glass. May lemon din na nakahanda.

"Cheers!"Malakas na sabi ni Xi.

"Cheeers!"Magkapanabay naman na sagot namin.

Napangiwi ako sa lasa. Pati na rin si Yori. Si Dominique mukhang sanay na sanay ng uminom ng alak. Si Everune hindi pinayagan ni Akerue uminom. Pati na rin ang kapatid ko't mga kaibigan nito. Naku! Lalong-lalo na tung si DK. Nakakatakot ang kuya eh.

"First time mo no?"Tanong saken ni Clifex.

"Obvious ba?"Asik ko rito.

"Oh, kayo Augustus, Quin, Everune, DK, Cameron, Clifex... Off limits muna kayo. May softdrinks at chuckie kami rito. Mga bata pa kayo. Saka na pag sixteen na kayo. It's too early to start drinking alcoholic drinks. Baka masanay kayo. Mahirap na."Natatawang sabi ni Kuya Zirgo.

"Eh si Ate Yori, di pa naman sixteen ah? Diba sabi mo fifteen ka pa, ate?"Si Dk.

Eh? Anong trip ni Yori? Sinong fifteen?! Patawa. Eh mas matanda pa saken 'yan ng isang taon eh!

Nasabi ko nalang sa isip.

Tumikhim si Yori.

"She lied to you."Si Yuan ang sumagot. Napatingin kaming lahat dito.

Wow, masyadong maalam.😏

"Huh? Bakit naman?"Naguguluhang tanong ni DK.

"Panu mo alam?"Manghang tanong ni Yori.

Napakagat labi pa ito. Mukhang nagsisisi sa tanong. Hmm, parang alam ko kung bakit. Kasi pag sinagot yun ni Yuan. Naku! Secret revealed!

"Simple.You're not a good liar."Walang emosyong sagot ni Yuan.

"Eh bakit ka nga nagsinungaling, ate?"Singit naman ni DK. Di talaga maka-get over eh.

"Sorry, Dee. Ang kulit nyo kasing dalawa about me having my own car."

Tumango lamang si DK. But he's visibly hurt. Alam kong napansin din yun ni Yori. Nilagok nito ang alak at nagsalin pa ng isang shot.

"I'm really sorry, Dee... Are you mad?"

"Stop saying sorry to my brother. It's just a simple matter. And stop drinking."Pigil ni Yuan sa aktong pag-inom na naman ni Yori.

"But it feels good..."

"Yeah, it feels good. Because you're getting drunk with just one shot."

Hindi na ako nagkomento. Sadyang mahina ang alcohol tolerance ni Yori. Punch lang nga ang ininom namin nung sweet sixteen nito. Akalain mo nahilo agad? Ngayon pa na tequila diba?

"Guys! Alam ko na!"Itinaas ni Dominique ang kamay."Let's play truth or dare! Spin the bottle!"Excited na mungkahi nito.

"That's too risky for secrets."Tutol na naman ni Kuya Zirgo.

Campus Beat: Game Of Hearts (Bestfriends Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon