Note 21 #HisBadSide

146 6 0
                                    

Adoni's Pov.

MONDAY. 7AM.

Ilang araw ang lumipas at balik na ulit sa normal ang takbo ng aming buhay. May slight changes pala. Kaklase na namin ang fiancee ni Troll. Reyna-reynahan ang bruha. Sa unang tingin akala mo mabait... Two-faced pala. Sobrang plastik.Pasalamat siya ang ganda niya. You know boys easily get blinded with beautiful girls.

Di ko mapigilang umirap sa naisip.

Kasalukuyan kaming naghihintay sa aming adviser.Yun ang weird sa mga estudyante dito. Maaga kung pumasok! Kami lang yata ni Yori ang nagpauso sa salitang "late" eh.

Naglalaro ako sa aking phone ng Can You Escape nang may narinig akong nabasag. Napairap ako. Iba na talaga 'pag anak don at donya. Walang pakialam at basta nalang sinisira mga gamit ng eskwelahan kung kailan nila gusto.

"How could you?!"

Sinulyapan ko ang gawi ni Seraphina. Kaharap nito ngayon si Akerue na may matigas na anyo.

"Ano na naman bang drama 'to, Sera? Can't you stop? Para kang bata."Pabalewalang wika ni Akerue sa fiancee kuno nito.

Nilampasan nito ang huli.

"You listen to me, Gab! Don't turn your back on me!"Sigaw ni Seraphina.

Huminto si Akerue sa paglalakad at tamad na nilingon ang fiancee.

"What? What do you want to say?"He shot back in a cold tone.

Ang mga kaklase namin ay napasinghap sa naging tugon ni Akerue. Sino ba namang hindi? Fiancee mo pero walang pake sayo? Sakit kaya nun.😂 Kawawang Seraphina.

"No matter how much you love her... You can never have her!"Seraphina said desperately.

I heard him chuckled.

"Can you tell me why?"Panghahamon pa ni Akerue.

Boy, he's so cruel.

"I'm your fiancee!"

"Well, we're not engaged yet."

Wow! So, anong pinaglalaban ng Seraphina na 'to? Kaya pala naging dakilang "walk out queen" nang dumating ang true love ni Troll... kasi walang laban.

Hindi nakasagot agad si Seraphina bagkus ay umiyak ito at tumakbo paalis.

"I HATE YOU! I HATE YOU SO MUCH, GAB!"Sigaw pa nito.

Umupo sa katabing upuan ko ang magaling na lalake.

"Grabe, expertise mo ba ang magpaiyak ng babae?"Di ko mapigilang itanong.

"Why? Have I made you cry?"

No.You broke my heart. I'm a tough one to be able to hold back my tears while hurting, you know. You can't make me cry just like that. Not so easily.

"Hah! Ako iiyak sayo? In your freaking dreams!"Kunyari'y natatawang wika ko.

Tumaas ang gilid ng labi nito at tinitigan ako.

"Uh-huh?"Anito habang nakatingin sa mga mata ko.

Iniwasan ko naman ang mga titig nito. Di ko kaya.

"Yeah. Baka ikaw nga dyan ang mapaiyak ko eh."

"You already did."

"Huh?"Awtomatikong napatingin ako rito.

Campus Beat: Game Of Hearts (Bestfriends Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon