Kabanata 2

17 0 0
                                    


Nagkayayaan si Geraldine at ang tatlo na kumain sa labas para magkakilala pa at makapagkwentuhan. Palagay ang loob ni Geraldine sa tatlo at interesado siya sa kuwento ni Enzo. Hindi niya maitatago sa sarili niya na may koneksyon na tumatawag sa kanya simula pa lamang nang una silang magkatinginan. Mga matang nakita na niya noon ngunit di niya matandaan kung saan o kung kailan; matang nakakulong sa isang matinding kalungkutan.

Niyaya niya ang tatlo sa alam niyang kainan na malapit lang sa bahay nila. Sumabay na sila kay Bryan na may dala ding sasakyan at ginabayan nalang sa daan papunta sa kainan.

Sa huling kanto na lilikuan nila ay nagsalita si Bryan. "Din!" Tawag ni Bryan sa palayaw na hiniling ni Geraldine na itawag nila sa kanya.

"Bakit?"

"Tungkol pala sa kung bakit hindi ka pwede dito sa harapan umupo--" Nautal si Bryan na napatingin muna kay Erik bago pinagpatuloy ang sinasabi. "May trauma kasi kami pag babae nakaupo sa harapan eh."

"Naintindihan ko." Masiglang ngiti ang kasama ng pagsagot ni Geraldine.

Nakarating na sila sa Resto Osmedo. Nagpark sila sa nag-iisang bakante sa harapan ng resto. Punuan pero may naihanda na palang pwesto para sa kanila si Geraldine. Sinalubong sila ng payat na waiter na may hawak na bilog na tray.

"Ma'am, tara po sa upuan niyo." Sinamahan na sila ng lalaki papunta sa lamesa nila at binigyan ng menu isa-isa.

Sinenyasan lang ni Geraldine ang lalaki at umalis muna ito saglit sabay tuon ng atensyon sa tatlo na tinitingnan na ang menu. "Pili lang kayo sagot ko."

Nabigla ang tatlo na napatingin kaagad kay Geraldine.

"Huwag na Din." Tutol ni Erik na tinitingnan ang dalawa para makakuha ng suporta.

"Oo nga... Kakakilala mo palang sa amin eh tapos libre agad." Sumuporta naman kaagad si Bryan na medyo nahihiya din sa sinabi ni Geraldine.

"Din!" Tapik naman ni Alex sa kanya dahil hindi sila nito pinapansin. Nakuha naman ni Alex ang atensyon niya dahil siya ang katabi.

"Okay lang... Bawi nalang kayo sakin next time at tska kekwentuhan niyo naman ako di ba... sapat na yun." Ayaw patalo ni Geraldine at tinuon uli ang atensyon sa cellphone niya.

"Sabi mo yan ah...Waiter!" Pabirong sabi ni Alex na inawat naman kaagad ng dalawa.

Nilapitan naman kaagad sila ng lalaking sumalubong sa kanila kanina na di sinasadyang napatingin pala ng nagtawag ng pabiro si Alex. Naglabas siya ng order slip para kunin na ang order ng mga kustomer.

Umorder na sila at sinabihan si Geraldine na siya naman pero ngumiti lang ito at nagsabing nakaorder na siya.

Aalis na sana ang waiter nang biglang tawagin ito ni Bryan. "Teka, kulang pa yan." Nilingon siya naman nito at sumagot. "Alam ko na order ni Boss."

"Boss?!" Napakunot ng noo si Erik habang nakatingin kay Alex, na napatingin naman kay Geraldine na busy pa din sa pagkalikot ng cellphone niya. "Din, wag mong sabihin na--"

"Shh!! atin-atin lang ah." Sumenyas siya at ngumisi na parang batang may nagawang kapilyahan.

Gulat ang tatlo pero pagkadating ng pagkain ay lalo silang nagulat dahil kakaiba ang sarap ng pagkain sa resto nila Geraldine. Sobrang na-enjoy nila ang pagkain at nangako pang babalik-balikan nila ang resto niya.

"So, pwede na ba tayo magsimula?" Tanong ni Geraldine na tinanguan naman ng tatlo kaya pinagpatuloy na niya. "Paano kayo naging magkakaibigan at paano nawala ang girlfriend niya."

Tadhana't MusikaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon