"Kuya bangon na!" Paulit-ulit na sigaw ni Gerald, nakababatang kapatid ni Enzo na mahal na mahal niya. Tumagal pa ang pangungulit ni Gerald na palundag-lundag pa sa kama ng kuya niya na dumadaing sa sobrang antok.
Naupo na si Enzo na hinagkan naman ng sampung taong kapatid. "Kuya, kain na tayo...nakahanda na ang pagkain sa baba." Hinila na niya ng buong lakas niya ang kuya niyang ayaw pang mawalay sa kama.
Pababa pa lamang silang dalawa ay binati na kaagad sila ng amang nagbabasa ng dyaryo at nagkakape sa mahabang lamesang kayang okupahin ng dose katao. "Good morning." Malakas niyang pagbati na sinabayan niya ng matipid na pag-ngiti.
"Bilisan mo kuya!" Masigla niyang pagsabi habang nagmadali bumaba at iniwan niya ang kuya niyang makupad gumalaw.
Pagkaupo pa lang ay halata na ni Enzo na may sasabihin ang ama niya ngunit nagkibit balikat lang ito at hinayaan lang. Naging tahimik lang si Enzo sa umagahan na kabaliktaran naman ng madaldal niyang kapatid na palatanong at palakwento sa ama. Nagpapakiramdaman lang ang mag-ama hanggang sa hindi nakatiis ang ama niya't kinausap din siya.
"Ginabi ka ata ng uwi. Pag-uwi ko wala ka pa." Tanong ni Rodrigo, ang ama ni Enzo, Prinsipal at ang tanging natitirang magulang nila na kasama nila.
Wala na ang Ina nila na namatay sa isang aksidente pero maituturing pa din na swerte dahil sa nakaligtas ang ama nila na hindi napuruhan ngunit gaya ni Enzo, naging miserable din ang buhay ni mang Rodrigo na ikinalungkot ang nangyari at hiniling na sana siya nalang ang kinuha noon o sana man lang isinama na lang siya.
Si Gerald na syete anyos pa lamang noon ng mawala ang kinagisnang ina ay hindi nakapagsalita ng isang linggo dahil sa sobrang pangungulila sa ina. Ang kuya naman niyang si Enzo na labing-anim na taong gulang ng mga panahong iyon ay graduating sa high school at hindi naman nakapasok ng mahigit kumulang dalawang linggo. Nagkukulong sa kwarto, hindi makakain, palaging balisa at umiiyak... paulit-ulit lamang ang mga ginagawa niya sa mga panahong iyon dahil sa pagkawala ng ina. Tatlong lalaki ang iniwan ng ilaw ng tahanan sa bahay na binalot ng kalungkutan.
"Opo Pa, nagkakayayaan lang kami nila Bryan." Nagsinungaling si Enzo na tinago ang katotohanang nagpunta lang siyang mag-isa sa isang bar.
Tumango lang ang ama niyang naniwala sa sinabi ng anak. "So, kamusta ang first day?"
"Ok naman Pa, dumaan din pala ako kahapon kay Danica." Pagtatapat ni Enzo habang nakatngin sa malayo.
"Kuya, Sure ako masaya si ate nang makita ka." Singit ni Gerald na may hawak na tinidor at may nakatusok na hotdog.
Nginitian naman ito ni Enzo. "Sana nga... Sana nga." Mga salitang gusto niyang paniwalaan na sana nga naging masaya ang kasintahan niyang namayapa pero sa likod ng pag-asang iyon ay ang namuong galit ni Enzo sa sarili niya. Nawalan ng gana si Enzo kahit sinubukang ubusin ang natitirang pagkain ay hindi niya na maatim na kumain pa dahil sa bumabalik na mga alaala. Tumayo na siya at di na inubos pa ang natitirang pagkain.
Tinawag siya ng amang nabigla sa pagtayo niya. "Enzo, anak... Ano oras uwi mo mamaya?"
Nagtakang nag-isip si Enzo ngunit wala ding ikabubuti kung hindi siya magsasabi ng totoo kaya pinili nalang niyang maging tapat sa ama. "Alas syete po."
"Sige. Tatawagan na lang kita." Mabilis na responde ng amang inubos na ang lamang kape ng baso. Pinagmadali na din ang bunsong anak para hindi sila mahuli ng pasok.
Prinsipal si Mang Rodrigo sa Manila Christian High school, ang paaralan na pinapasukan ni Gerald mula ng siya'y maliit pa lamang na siyang paaralan din ni Enzo ng halos kabuuhan ng kabataan niya.
BINABASA MO ANG
Tadhana't Musika
RomanceSa hindi inaasahang pagkakataon ay pagtatagpuin ang dalawang tao. Si Enzo, Isang lalaking may mapait na nakaraan na dala-dala pa din hanggang sa kasalukuyan. At Si Geraldine, Isang babaeng handang tumulong at magpasaya kahit na may tinatagong nakara...