Kabanata 10

33 0 0
                                    


Dalawang taon ang lumipas at nagiging matagumpay na sila sa mga pinasok nila. Maganda ang takbo ng bakeshop na naitayo noong grumaduate sila Enzo at mga kaibigan niya. Si Geraldine naman at ang banda ay unti-unting nakikilala sa indie scene sa isang city sa U.S. Sa loob ng dalawang taon ay walang nabuong komunikasyon sa dalawa pero hindi nila nalimutan ang isa't isa. Parehong umaasa na isang araw muli silang pagtatagpuin ng hindi sinasadya ng tadhana, muling mayakap at mahalikan ang sinisinta.

Ilang buwan pa ang lumipas at mag-iisang taon na ang bakeshop nila Enzo. Nagpaplano sila kung paano nila gagawing agaw-atensyon ang first year anniversary ng negosyo nilang pumatok ng dahil sa dedikasyon at sipag nilang apat.

"Ano? May naisip na ba kayo?" Usisa ni Enzo habang hinahalo ang kape gamit ang kutsarita.

"Free bread on Wed?" Nagpipigil ng emosyon si Alex na hindi alam ang magiging reaksyon ng mga kaibigan.

"Puwede sana, kaso Thursday yun eh." Seryosong komento ni Bryan.

Marami na ang nabago sa mahigit na dalawang taon na lumipas. Mas naging mature sila, sineseryoso na ang buhay dahil hindi na ito pwede ituring na biro di tulad ng nasa kolehiyo pa sila pero kahit na nagbago sila para sa ikabubuti nila ay nanatili pa din silang barkada na hindi nagiiwanan at palaging maaasahan pag kailangan.

Isa sa mga simpleng pangarap ni Enzo na hindi kailanman matitinag.

"Paano kaya kung tumugtog tayo? Dagdag gimik?" Tinitingnan ni Enzo isa-isa ang mga kaibigan para makakuha ng pagsang-ayon.

"Pwede. Pero kailangan natin asikasuhin lahat kaya parang Malabo na tayo ang tutugtog." Sumang-ayon si Bryan pero kinontra din ito sa sariling dahilan.

"Eh di kumuha tayo ng tutugtog para sa anniversary." Sabat ni Alex na mabilis sinuportahan ng lahat.

"Yung ARCA band! Kasabayan natin dati sa mga gig. Sikat na sila ngayon at may contact ako sa gitarista nila. Gusto niyo ba?" Excited na tinatanong ni Alex ang mga kaibigan.

"Pwede din ba kahit solo lang? solo artist?" Nakisawsaw na din Erik na may iniisip na ideya.

"May iniisip ka?" Nakatingin lahat sila kay Erik.

"Kilala kasi ng gf ko yung anak ni Ka-Freddie kaya... Baka... Sana pwede siya?" Medyo natagalan pa si Erik sa pagsabi dahil medyo alangan din siya sa iniisip na ideya.

"Kilala ka namin. Mayroon ka pang malalim na iniisip di ba?" Nagtinginan ang tatlo bago muling ibinalik lahat ng atensyon at mga mata kay Erik.

"Ok, ok! Medyo corny pero ito talaga dahilan ba't siya gusto ko." Humingi ng kapirasong order slip sa waiter nila, may isinulat at ipinakita sa tatlo.

Tawang tawa yung tatlo na halos tumagal ng isang minute dahil medyo nakornihan nga sila sa naisip ni Erik. Napapailing nalang si Erik na sinasabihan ang tatlo na ihinto na ang pang-aasar sa kanya at mag-isip na lang ulit sila ng iba.

Nang matapos ang maikling tawanan ay naging seryoso na si Enzo pero nakangiti pa din. "Sorry pare pero ayos yon!"

"Ayos na ayos!" Sinang-ayunan ni Alex na naka two thumbs up pa.

"Ayos talaga pre! Tang ina! KA-FREDDIE SA KA-BREADY! HAHAHAHAH!" Nawala ang pagkamature ni Bryan na pinagtinginan pa ng mga kustomer nila.

"Hello. Ma. Baka magbakasyon ako diyan next week ah. Tawagan kita ulit Ma kapag sure na sure na." Nakangiting bunyag ni Geraldine habang kausap ang ina sa kabilang linya.

Matinding kasiyahan para kay Geraldine kapag natuloy ang bakasyon dahil mahigit dalawang taon na din silang hindi nagkakasama ng ina. Naisip din niya si Enzo simula pa lamang ng sabihin ng manager niya na baka makapagbakasyon siya sa Pinas. Iniisip niya kung tama bang gumawa siya ng paraan para Makita ulit ang taong mahal niya pero naisip niya din na kailangan niya magmatigas para mapatunayang mayroong tadhana. Sa likod ng positibo na pag-iisip na pagtatagpuing muli sila ng tadhana ni Enzo ay ang posibilidad sa kanyang isipan na baka mayroon na itong bago.

Tadhana't MusikaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon