Kabanata 9

19 0 0
                                    


Lumipas ang isang linggo na inilihim nila ang nabuong relasyon nila sa lahat. Ngunit di naman lahat ng sikreto ay naitatago ng matagal kaya ipinaalam din nila ito sa lahat na ikinatuwa naman nilang lahat.

Sabado ng hapon nanood sila ng finals kung saan nakapasok ang eskwela nila sa pamumuno ng kaibigan ni Enzo na si Valerie. Maingay ang buong court dahil puno ito ng manonood galing sa dalawang eskwela at idagdag pa dito ang malakas na mga drums ng mga cheering squads ng magkabilang panig.

Courtside ang nakuha nilang ticket dahil na din sa pamimilit ni Alex na doon sila manood para mas malapit niya makita at masuportahan si Valerie. Laking tuwa din naman ni Valerie sa suporta nilang magkakaibigan na kumindat pa kay Alex bago magsimula ang unang set ng laro. Pangatlong laro na nila sa finals dahil naitabla ito ng kalaban nila noong pangalawang laro nila. Umabot sila sa panlimang set pero nanaig pa din sila Valerie dahil sa dami ng palpak na tira ng kalaban.

Tuwang-tuwa si Alex dahil hindi lang mismo nanalo ang eskwela nila kundi maski siya ay nanalo dahil may pusta pala siya sa laban na iyon. Hinalikan siya ni Valerie sa pisngi na nagsilbing premyo na pinag-usapan nila pag nanalo ang koponan nila.

"Pwede ka na mamatay pre!" Buyo ni Bryan na hinahampas-hampas pa ang kinikilig na kaibigan.

"Di pa. Hindi pa ngayon." Abot tenga ang ngiti ni Alex na nakisabay na din sa tawanan ng barkada.

Nagyaya si Erik na pumunta sila sa amusement park dahil sa susunod na dalawang linggo ay finals week na nila kaya hindi na sila makakagala. Sumang-ayon naman ang lahat at sumakay sila sa iba't ibang rides.

Nasolo ni Enzo si Geraldine sa ferris wheel. "Okay ka lang ba? parang pansin ko may malalim ka na iniisip."

Ngumiti naman kaagad si Geraldine para sumagot mabilis itinago ang totoong nararamdaman. "Oo, napagod lang siguro ako kakacheer kanina."

"I love you." Sambit ni Enzo sabay halik sa pisngi ng nobya.

"I love you too." Sagot naman ng dalaga na ipinatong ang ulo sa balikat ng nobyo.

Lumipas ang mga araw ay naging abala sila sa paghahanda para sa mga pagsusulit nila at mga proyektong dapat maipasa bago ang deadline.

Pagtapos ng finals nila ay mayroon silang tinatawag na closing party. Sa okasyon na iyon ay may iba't ibang pwedeng puntahan. Pwede sa party, o sa concert sa eskwelahan o adventure trip kasama ang buong klase.

Sila Enzo ay pupunta sa concert dahil may contest din doon na songwriting na mismong songwriter ang kakanta. Sumali si Geraldine kaya kailangan nila manood at sumuporta.

Mahigit sa bente din ang sumali na makakalaban ni Geraldine at hanggang sa oras na iyon ay wala silang ideya nila Enzo kung ano'ng klaseng kanta ang isinulat ni Geraldine. Inilihim sa kanila ang awitin na kakantahin niya at isasali sa patimpalak.

Pang trese sa numero si Geraldine na ipinakilala na ng emcee sa patimpalak. Inanyayahan din niya ang mga manonood na pumalakpak. "Nandito na and susunod nating kalahok. Geraldine T. Osmeña. Ang awit niya ay pinamagatang TADHANA."

Nag-alala sila lalo na si Enzo nang makita si Geraldine na may bakas ng matinding kaba habang lumalakad patungo sa mikropono.

Lumakad ito sa mikropono at nagsimula na mag-gitara pero huminto din agad at nagsalita sa mikropono. "Ang awitin na ito ay nabuo sa pamamagitan ng tatlong tao. Ako at ang dalawang espesyal na tao sa buhay ko. Marahil sa buhay natin na mapaglaro ay may mga bagay na sadyang mangyayari at mga taong nakatadhanang magtagpo. Pero ang tanong ko sa inyo at sa sarili ko... Ang tadhana nga ba ang magdidikta ng katapusan?"

Tadhana't MusikaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon