Kabanata 5

16 0 0
                                    


"Babe, gising na." Malanding tono ang pagkakasabi ng taong humihimas sa likuran ni Enzo.

Masakit ang ulo ni Enzo ng umagang iyon dahil sa pag-iisip kagabi. Kumukunot-kunot pa ang noo niya sa pag-iwas sa taong dumidikit sa kanya. Ilang sandali pa ay bumangon na din si Enzo at sinapak sa braso ang nangtitrip sa kanya na si Erik.

"Practice na!" Sabay hila ni Alex sa braso ni Enzo dahil bumalik ulit ito sa kama.

"Nag-aantay na sila Janine at Geraldine sa baba." sabi ni Bryan habang naglalaro ng darts.

Mabilis na napatayo si Enzo at nagtanong. "Sinabay niyo sila dito?"

"Oo, sabi kahapon maaga diba?"

Pagpapaalala ni Erik.

"Pero--" Lalong nanlaki ang mata ni Enzo ng mapatingin siya sa orasan at alas-nuwebe na pala sa umaga.

"Sige na! Mag-ayos ka na at antayin ka nalang namin sa baba." Alok ni Bryan na nakabull's eye sa dart at kumindat pa para magyabang.

Madaling naligo at nagbihis si Enzo saka sumunod na sa baba. Naabutan niya na nag-uusap usap sa sala ang mga kagrupo. Binati siya kaagad ni Janine at Geraldine na inasar pa siyang tulog mantika. Tahimik lang si Enzo na matipid na ngumingiti sa kanila. Lihim na pinagmamasdan si Geraldine na hindi niya alam bakit bumibilis ang takbo ng pintig ng puso sa tuwing malapit sila sa isa't isa. Patuloy lang silang nagplano at kanya-kanyang ambag sa ginagawang kanta.

Pasado alas-onse ay biglaang bumalik si Mang Rodrigo at si Gerald na buhat niya dahil inapoy ito ng lagnat. Galing silang ospital at pinayuhan na magpahinga na lang si Gerald ng ilang araw.

Nagpaalam si Enzo saglit para puntahan si Gerald sa kuwarto niya.

"Pa, ano sabi ng doktor?" Tanong ni Enzo na nakasandal sa pintuan ng kwarto.

"Pahinga lang daw at gamot. Siguro dahil to sa paglalaro niya sa ulan noong isang araw." Sagot ng ama niyang nagpupunas ng noo ng nakababatang kapatid.

"Enzo" Pabulong na sabi ni Geraldine sa likod ni Enzo.

Napataas ng kilay naman si Enzo at tinanong kung bakit siya sumunod. Napansin naman kaagad ni mang Rodrigo si Geraldine. "Enzo, hindi mo ba ipapakilala ang kaibigan mo?"

Inunahan na ni Geraldine ang nag-aalangang si Enzo. "Geraldine nga po pala." Sinamahan pa niya ng ngiti ang maikising pagpapakilala.

Tumango naman si mang Rodrigo na hinimas ang dibdib ng anak dahil naubo ito at nagising na. Dahan-dahang namulat ang mga mata at pinilit ngumiti ng makita ang kuya.

"O! Enzo, Ikaw muna dito. Palitan ko lang yung tuwalya."

"Ako nalang po. Mas kailangan ata si Enzo sa baba eh." Alok ni Geraldine sabay naglakad na agad papunta sa tabi ni Gerald.

"Sige. Ikaw na bahala sa kapatid ko ah." Nagkunwaring bababa na si Enzo pero ang totoo ay sumandal lang ito sa pader sa labas ng kuwarto.

"Hi Gerald. Si ate Geraldine muna ang sasama sa'yo ah?" Mahinahon at malambing ang tono ng pananalita ni Geraldine para magustuhan siya ng bata.

"Girlfriend ka po ba ni kuya?" Tanong ni Gerald na nakangiti pero kumukurap kurap dahil sa pag-ubo.

"Hindi, friend niya lang ako at may love ang kuya mo di ba?" Simpleng sagot at tanong lang ang ibinibigay ni Geraldine habang hinihimas ang dibdib nito at pinapainom ng tubig para maibsan ang pag-ubo ng bata.

"Oo nga po ate Geraldine pero wala na po si ate Danica eh. Alam mo po kasing ganda mo po siya." Napapagaan na ang loob ni Gerald sa kausap na hindi naman alintana dahil mabilis mapalagay ang loob ng bata sa mga nakakausap.

Tadhana't MusikaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon