Kabanata 4

15 0 0
                                    

Tatlong linggo na ang lumipas at unti-unti ng gumagana ang ginagawa nila Geraldine na ibalik ang saya ni Enzo. Halos napapalapit na din sila sa isa't isa lalo na sa mga panahong nauuna silang dalawa sa klase, naiiwan kapag umaalis ang tatlo at sa mga hindi maawat na pangungulit sa kanya ni Geraldine na hindi niya puwedeng balewalain. Lingid sa kaalaman nila na ginagawa ito ni Enzo para sa sarili niya at sa ama niyang nasasaktan din sa tuwing nakikita siyang nasasaktan.

Galing sa klase sila Enzo nang bigla silang harangin ni Geraldine na hinihingal-hingal pa dahil sa pagtakbo. "Guys! Guys! Nood kayo mamaya ah--" Hinabol muna niya ang hininga niya bago nagpatuloy. "Tutugtog ako sa field."

Umoo naman sila pero si Enzo ay may alinlangan dahil sa mga nakaraang linggo ay may mga bagay siyang naalala kay Danica na nakikita niya kay Geraldine. Ayaw man niyang aminin pero sa mga bagay na iyon ay mas gusto niya pang mapalapit kay Geraldine ngunit pinipigilan niya ang sarili niya dahil para sa kanya... ayaw niyang mapalapit kay Geraldine kung dahil lang naman ito sa nakikita niyang pagkakaparehas nito sa namayapang nobya.

Nang matapos ang klase ay dumiretso muna sila sa banyo at lalong lumakas ang pagtatalo sa isip ni Enzo kung manonood ba siya o hindi nalang para umiwas sa hindi maipaliwanag na nararamdaman.

"Pre, ok ka lang? tara na." Anyaya ni Bryan na sabik na mapanood si Geraldine na tumugtog.

Sumama naman si Enzo pero nang malapit na sila ay nagpaalam ito na susunod nalang at may pupuntahan pa daw kuno. Pumunta lang siya sa pangatlong palapag at sumandal sa likod ng pader sabay sumilip sa field. Nakita niyang nag-aayos na si Geraldine ng gagamiting drums. May mga ibang estudyante din na nag-aayos ng mga props, speakers at kung anu-ano pa para maging maayos ang pagbubukas ng Music Festival Week.

Nag-announce na sa buong paaralan na may tutugtog sa susunod na limang minuto at ito ay simbolo ng pagbubukas ng music festival week. Nagpasya na din si Enzo na bumaba pero pinili na lang niya na huwag manood.

Pagbaba niya ay unti-unti na ding kumapal ang tao sa field na kahit sila Bryan ay hindi na niya matanaw kung nasaan. Mabagal lamang ang paglalakad niya kaya hindi nagtagal ay tumugtog na si Geraldine ng isang kantang usong-uso at kuhang kuha niya talaga. Sa sobrang galing niya ay nagsihiyawan ang mga tao at napatalon pa ang iba.

Sumulyap si Enzo ng ilang sandali at tanaw niya si Geraldine sa malayo na hinahataw ang mga sticks sa drums. Para bang sinadya ng pagkakataon na sa isang sulyap na iyon ay umiwas lahat ng nakaharang para makita ni Enzo si Geraldine. Hindi na siya tumuloy sa labas ng paaralan bagkus umakyat siya sa pangalawang palapag at nanood sa sulok ng mga taong hile-hilerang nanonood sa pagtugtog ni Geraldine.

Sa obserbasyon ni Enzo ay may naalala nanaman siya at naitanong na lang niya sa isip. "Bakit ba may naaalala ako sa tuwing nakikita ko siya? nakakasama o nakakausap. Ayaw kong mag-isip ng kung anu-ano pero pilit namang nag-iisip ang isip ko."

"Bakit ba nabubuhay si Danica sa katauhan niya?"

"Hindi, Hindi, Nagkataon lang iyon iba si Danica sa kanya!"

Napapikit na lang siya at muling nag-isip. "Ano ba ang nangyayari sa akin? bakit ako nag-iisip ng kung anu-ano?"

"Uy! Mas okay ba makinig ng nakapikit?" Tanong ng kaklase niya sa isang subject na katabi pala niya manood.

"Hindi ah!"

"Haha! Parang feel na feel mo nga eh! Para kang maestro."

"Napuwing lang."

"Sabi mo eh."

Umalis na si Enzo dahil napikon sa kaklase niyang madaldal at sobrang nakakasawang maging kaklase dahil bawat semestre lagi nila ito nagiging kaklase, swerte ng matuturing kung isang subject lang.

Tadhana't MusikaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon