"Hirap paniwalaan." Nakakunot ang noo ni Enzo habang nakasarado ang kamao sa ibabaw ng lamesa.
"Sabi ko naman sa'yo eh. May mali talaga sa nangyari noong gabi na yun." Sermon ni Geraldine na ipinamumukha kay Enzo na tama ang hinala niya.
"Sabi dito sa sulat patay na din yung tao na yun dahil pagkatapos niya tumakas satin, nabangga naman siya ng truck at nayupi ang harapan ng oto niya." Binabasa pa din ni Bryan ang sulat at pinag-aaralan na para bang may kaso silang dapat iresolba.
"Hindi ko maisip ano nangyari sa gagong yun!" Nandidiri ang mukha ni Alex na hindi lubos maisip ang pagkadurog ng lalaking nabangga nila.
"Kung gusto niyo balikan yung mga nangyari. Kakausapin ko ulit yung pulis na humawak ng imbistigasyon noon. Simula noong nalibing si Danica noon, binalewala na natin yung posibilidad na hindi tayo ang nagkamali at dahil na din siguro sa kanya-kanya nating trauma." Dagdag pa ni Erik na hinahanap ang kontak na pulis.
Naging usap-usapan nila ang sulat na ginawa nila Ernesto. Noong gabi ng aksidente pala ay andoon siya at pauwi galing sa trabaho nang makita niya kung paano sumalpok ang kotse nila Enzo sa kotse ng nabangga. Ayon sa sulat ay hindi agad siya nakalapit dahil bumaba ng kotse ang nabangga nila Enzo na may dugo din sa ulo at pagewang-gewang kung maglakad kaya tingin niya ay lasing din ito. Nasaad din sa sulat na mas nasa tamang linya sila Enzo kaysa sa nabangga na hindi maayos ang pagmamaneho. Pagkatapos sumilip ng lalaki sa kabilang kotse ay nagmadali daw itong umalis at matulin ang pagmamaneho. Si Ernesto naman ang humingi ng tulong ngunit hindi na muling bumalik sa pinangyarihan dahil nag-aantay na ang pamilya niyang hindi pa nakakakain nang gabing iyon. Ipinaubaya na lamang sa mga tauhan ng kalapit baranggay ang pagtulong at pagtawag ng ambulansya. Nalaman na lamang niya na si Enzo iyon noong mabalita sa t.v na may naaksidente at nagflash sa screen ang mga pangalan nilang lima.
Nakipagkita sa kanila ang pulis na humawak sa kaso nila noon at pinapunta nalang ito sa resto nila Geraldine. Kumain muna sila bago pinag-usapan ang nangyari sa saradong kaso.
"Heto! Yan ang mga files at mga photos ng aksidente. Sinara na namin yan dahil wala naman ang nabangga ninyo at wala din naman nag-file ng reklamo." Paliwanag ng pulis na si SPO3 Melvin Fajardo at inabot ang isang brown na envelope.
"Suspect...Deceased... Bryan T. Dela Cruz." Hawak ang isang papel ay nakumpirma ni Erik na tama ang nilalaman ng sulat ni Ernesto.
"Kapangalan mo pa Bry!" Sambit ni Alex na tinitingnan naman ang litrato. "Sabi sa mga litrato, nasa tamang lane kami kaya ibig sabihin--"
"Si Bryan Dela Cruz ang may kasalanan sa aksidente kaya siya ang nilagay naming suspek pero ilang sandali lang din matapos ng aksidente ay namatay din agad siya sa isa uling aksidente. Mas naging usap-usapan yang banggaan nila ng truck dahil sobrang wasak talaga ang harapan ng oto niya kaya hindi siya nakaligtas." Paliwanag ni SPO3 Melvin sabay kuha ng cellphone niya dahil may tumatawag sa kanya.
Nagpaalam na din ang pulis at pinagsama-sama muli sa envelope ang mga dokumento at litrato ng mga nakalap na inpormasyon at ebidensiya ng aksidente. "Matagal na kayong clear dito at tingin ko ito na din ang huli nating magiging pagkikita mga bata."
Sumaludo sila sa pag-alis ni SPO3 Fajardo sabay nagtinginan at nagdesisyon na dapat sila magkaroon ng selebrasyon.
Nag-inuman at umorder sila ng maraming pagkain para pulutan. Si Enzo naman ay pinili na lamang kumain ng madaming pagkain at uminom ng isang bote lamang ng alak. Hinayaan na lang siya ng tatlo dahil paliwanag niya siya ang magmamaneho mamaya pag-uwi. Nasiyahan naman si Geraldine dahil kitang kita na talaga niya na niyakap na ni Enzo ang kapalaran niya at pinakawalan na ang nakalipas na trahedya.
BINABASA MO ANG
Tadhana't Musika
RomanceSa hindi inaasahang pagkakataon ay pagtatagpuin ang dalawang tao. Si Enzo, Isang lalaking may mapait na nakaraan na dala-dala pa din hanggang sa kasalukuyan. At Si Geraldine, Isang babaeng handang tumulong at magpasaya kahit na may tinatagong nakara...