Kinaumagahan hanggang sa matapos ang unang klase nila sa araw na nakatakda para sa proyekto nila ay kinokontak na nila si Enzo dahil hindi pa din ito sumasagot sa kanila simula kahapon. Nag-aalala na si Bryan at si Geraldine naman ay sising sisi sa pagkumpronta kay Enzo.
"Kahapon, hindi siya pumasok tapos ngayon wala pa ding reply." Napakamot nalang sa ulo si Erik na pinakamaraming naipadala na text kay Enzo.
"Sorry talaga guys!" Nakasimangot si Geraldine na nawawalan na ng pag-asa.
"Pag no choice na kailangan na natin kontakin si tito." nagbigay ng alternatibo si Alex na sinang-ayunan naman nilang lahat dahil huling alas na nila iyon.
"Hayy, swerte ng girlfriend niya noh?" Bigla nalang naitanong ni Geraldine para maiba ang usapan at para mabawasan na ang pag-aalala ng tatlo.
"Sinabi mo pa. Tapat yan ska talagang seryoso di tulad ng ibang nagbabanda na kasabayan namin dati." Kwento ni Bryan.
Ngumiti si Alex at sa ngiting iyon ay alam na nila na may paparating na panunukso. "Din, huwag mo sabihing nagugustuhan mo na siya?"
Lahat ng mga mata ay nakay Geraldine na hinihintay nila sumagot pero mabilis naman nakaisip ng palusot. "Hindi ko sasabihin kasi sabi mo eh."
Nagtawanan naman sila dahil naisahan sila ni Geraldine pero ilang sandali pa ay umamin din naman ito at nagkwento. "Sa totoo lang, hindi siya mahirap gustuhin at kahit saglit lang kami nagkakausap o nagkakasama para bang may koneksyon saming dalawa. Hmmm! siguro ako lang nakakaramdam ng ganun noh? kasi para sa kanya si Danica pa din yung hinahanap-hanap ng puso't isipan niya."
"Siguro nga pero magkaiba kayo Din! May pagkakaparehas man kayo, hindi yun sadya at lahat naman ng tao may kaparehas di ba? Sa ugali, pananamit at iba pa pero hanggat sa totoo ka e hindi malabo na magustuhan ka niya hindi dahil may pagkakatulad kayo ni Danica kundi may gusto siyang nakikita sa'yo na nagkataon lang na katulad ng kay Danica." Paliwanag ni Erik na palakad-lakad pa sa harap ni Geraldine.
Napangiti na lang si Geraldine at muling nagtanong. "Ano pala yung parehas sa amin ni Danica o yung kilos na ikinagalit ni Enzo?"
"Hindi namin alam kung ano, hindi naman nabanggit ni Enzo at hindi niya yun sasabihin." Tawanan sila sa sinabi ni Bryan.
Lumipas ang mga oras pero wala pa ding sagot si Enzo. Kinontak na nila si mang Rodrigo pero sa kasamaang palad ay hindi sila nito sinasagot. Ilang minuto nalang ay klase na nila at oras na din para magtanghal sila ng nabuong kanta.
Ang tanging problema nalang ay wala silang tiwala sa nabuong kanta dahil hindi nila ito masyadong napaganda dahil wala si Enzo na magaling magsulat ng kanta. Nag-alala na din sila lalo na ang kagrupong dean's lister dahil by rank ang magiging grades nila at kung last ka mas mababa ang grade o pasang-awa.
"Guys, wala pa ba yung kasama ninyo?!" Malungkot at nag-aalalang tanong ni Janine.
"Hayyy! wala talagang sagot eh." Dismayadong pinakita ni Erik ang texts niya kay Enzo na walang reply.
Alas-kuwatro na at ilang saglit nalang darating na din ang propesor nila pero mas gusto nila makita si Enzo na pumasok sa loob ng klase nila.
Dumating na ang propesor nila at sinabihan silang maghanda na. Nagbunutan at pangatlo sila sa magpepresenta sa klase. Natapos na ang una at kasunod na ang pangalawa pero wala pa din si Enzo.
Nawalan na sila ng pag-asa dahil tingin nila hindi na talaga papasok si Enzo. Kalagitnaan ng presentasyon ng pangalawang grupo ay dumating si Enzo na labis nilang ikinatuwa at nabuhayan ng pag-asa dahil may dala itong gitara. Bago papuntahin sa mga kagrupo ay pinaulanan muna siya ng propesor ng sermon.
BINABASA MO ANG
Tadhana't Musika
RomanceSa hindi inaasahang pagkakataon ay pagtatagpuin ang dalawang tao. Si Enzo, Isang lalaking may mapait na nakaraan na dala-dala pa din hanggang sa kasalukuyan. At Si Geraldine, Isang babaeng handang tumulong at magpasaya kahit na may tinatagong nakara...