Fast Forward: 5 months later
George's P.O.V.
Few months ago inutusan ako ni Sofia na paibigin si Darren. Oo, tama ang nabasa niyo si Sofia ang nag-utos sakin nun. Pero hindi ko siya sinunod. Ayaw kong saktan si Darren kasi naging mabait na kaibigan siya sakin nung na-coma pa si Denise. Ngayon ay flight ko na papunta sa France. Dun nako magsisimula ng bagong buhay. Hindi ko pala talaga naging tunay na kaibigan si Sofia. Haay. Bye na guys. Hahah. Magkikita pa tayo! :D
Darren's P.O.V.
5 months na din ang nakaka-lipas magmula nung nabaril si Denise at nalaman namin na na-coma siya. Eto ako ngayon, hindi ko alam kung may saysay pa yung buhay ko. Kahit nandito si Kyline lagi sa tabi ko. Iba kasi talaga si Denise kahit na si Kyline lagi yung nasa tabi ko.Halos hindi nako kumakain araw araw noon, Nagkukulong lang ako sa kwarto. Pero nung nakilala ko siya parang nag-iba. Ngayon ay nandito ako sa bahay.
*Knock knock*
Ako:"Bukas po yan!"
Si Mommy pala.
Mommy:"Nak, gusto mo ba nang kausap?"
Ako:"Sige po. Mommy bakit ganon, mahal na mahal ko si Denise pero parang nagugustuhan ko na din po si Kyline?"
Mommy:"Alam mo anak eto lang ang mapapayo ko sa'yo, piliin mo kung sino mas mahal mo at mas importante sayo."
Ako:"Si Denise po talaga yung mas mahal ko. Susubukan ko pong kausapin si Kyline. Pupunta muna po ako ng hospital."
Mommy:"Magiingat ka nak ha? Susunod na lang ako dun"
Ako:"Sige po mommy. Thankyou po."
Naligo na ako at nag-ayos ng 30 minutes. Tapos nagpahatid nako sa Driver namin.
------------------------------------------------
Driver:"Sir, andito na po tayo."
Ako:"Sige po salamat."
Tumakbo na ako papunta sa kwarto niya. Pagbukas ko nang pintuan ng kwarto niya nakakita ako ng isang babae.
Ako:"Anong ginagawa mo dito?!"
Sofia:"Gusto ko lang naman makita yung babaeng mahal na mahal mo. Infairness, mas maganda ako sa kanya."
Ako:"Maganda ka nga, mayaman, nabibili mo lahat ng gusto mo pero yang kalooban mo ano?"
Sofia:"Siguro kaylangan ko na ngang sabihin sayo to, ako nagpa-baril dito sa babaeng nakaratay sa kamang ito."
Tapos papalapit siya saken pero umaatras ako. Tapos sa kaka-atras ko nabung-go ko na yung isang kama dito na hinihigaan ng mga nagbabantay kay Denise.
Sofia:"Wrong move Darren. Haha."
Tapos nag-smirk siya tsaka tinulak niya ako sa kama na yun tsaka bigla niya na lang akong hinalikan.
Ako:"Sofia! Tama na! Kahit kelan hindi kita magugustuhan! Mahal na mahal ko si Denise!"
Tinulak ko na siya papalayo sakin.
Denise:"Nasaan ako? Sino kayo?"
Gising na siya. Pano na to?
-------------------------------------------------