Darren's P.O.V.
2 linggo na ang nakalipas.
(Author's Note: Oh diba ang bilis ng mga pangyayare? Hahaha.)
Wala parin akong alam sa kanya. Ang tanga tanga ko. Bakit ko pa siya sinaktan? Bwiset naman oh. Paano niya pa ako mapapatawad? Gusto kong umiyak ng umiyak na lang. Gustuhin ko man siyang puntahan pero sabi niya nga diba "Give me a break". Ngayon ko lang nalaman na nakita niya pala kami ni Sofia noon. Napaka-sama kong boyfriend sa kanya. Minahal naman niya ako ng sobra sobra eh pero nga ang tanga tanga ko sinaktan ko siya. Nandito lang ako sa playground sa may swing. 5:45 na nang hapon ngayon. Mamaya na ako uuwi mga 9 kahit anong mangyari hindi ako aalis dito.
Lumipas ang 5 minuto,
30 minuto,
Isang oras,
Tatlong oras,
Apat na oras.Umuulan na. Wala parin akong pakielam.
"Sabi nga ng JaDine sa On the wings of love, 'Pag mahal ka, babalikan ka' Eh wala akong magagawa, mahal kita eh." Agad naman akong lumingon sa likuran ko. Si Denise may dala dala siyang payong at pinayung-ngan ako.
"Tsaka sabi nila, everybody deserves a second chance. Kaya, my labs, Darren ko, Forever ko. Pinapatawad na po kita. Hahah." Dagdag pa niya.
Niyakap ko na lang siya ng mahigpit na mahigpit. At bumuhos na yung luha ko.
"Sorry, Sorry, Sorry talaga. Thankyou sa pagbibigay ng second chance. Promise hindi ko sasayangin yun. Hindi mo alam kung gaano ako kasaya ngayon." Sabi ko.
"Promise mo yan ah!" Sabi niya.
"Promise." Sabi ko.
Nilagay ko ang kamay ko sa bewang niya at nilagay naman niya yung kamay niya sa batok ko. Gets? Tsaka ko siya hinalikan. O diba? Da moves. Hahah.
"Tara na uwi na tayo sa bahay." Sabi niya.
"Teka paano si Kyline? Diba nasa bahay pa natin?" Sabi ko
"Wala na pina-alis ko na dun." Sabi niya.
"Mabuti naman. Hahaha." Umuwi kami ng magka-akbay.
=======================
Okay na? Hahahahah. Mamaya na lang ulit. Hii nga pala dun sa mga Active Supporters ng story ko. Hahaha. Thankyou po! :)