Chapter 27

340 12 2
                                    

Darren's P.O.V.

It's the big day! Shempre hindi ko muna sasabihin sainyo 'to kase wala nang thrill pag sasabihin ko na. This is our last night here at Baguio. Kaya gagawin ko ito sa pinaka memorable na lugar para sa kanya.

==========================

Denise' P.O.V.

Pag gising ko kaninang umaga wala na si Darren. Pero nandito pa mga gamit niya sinubukan ko naman siyang kontakin e hindi naman siya sumasagot sa mga text at tawag ko. Ganun din si Jk at Jackielyn. Nagaalala na talaga ako. Maga-alas kwatro na ng hapon e wala parin akong nakikitang gwapong pagmumukha. Sobrang nagaalala na talaga ako. Hindi ko alam kung saan ko siya unang hahanapin. Naligo muna ako at nag-suot ng simpleng sweater na may print na "Queen" black at white siya tapos black legging at yung plain black ko na Nike. Pagka-labas ko ng hotel ay naglakad ako sa gilid ng daanan dahil medyo busy ako kakatingin sa cellphone ko e hindi ko namamalayan na may puting van na huminto sa gilid ko at sinakay ako dun may pinaamoy saakin at biglang nag-black out ang lahat.

=========================

Pagka-gising ko ay naka-upo ako sa upuan pero hindi ako nakatali or anything. Aba! Ibang klaseng kidnapper yun ah. Hindi man lang ako ginapos. Aba matinde! Hahaha.

Nakita ko naman yung mga picture namin ni Darren sa dingding lahat ng picture namin magmula nung mga bata pa kami at nung nagfa-fangirl pa ako sa kanya. Linibot ko ang mga mata ko sa kwarto na yun at puro litrato namin ang makikita mo. Hindi ko napigilang umiyak dahil ang tagal tagal na pala naming lumalaban ni Darren para sa isa't isa. Doon ko na-realize na sobrang mahal na mahal ko siya kahit hindi na niya ako maalala ng lubusan.

Nakakita ako ng isa pang pintuan tapos binuksan ko yun at nakita ko yung mga fans namin ni Darren.

"Hi Ate Denise" sabi nung isang fan tapos inabutan niya ako ng pink roses. Tapos sunod sunod na yun mga 40+ yata sila. Tapos nakita ko na si Jk. Hanggang ngayon wala parin akong ka-alam alam sa mga nangyayari. Kanina lang kinidnap ako tapos ngayon binibigyan ako ng mga rose. Tsaka yung mga supporters namin.

"Nays naman Denden." Sabi ni Jk. Tapos binigyan ko na lang siya ng "Anong-nangyayare-look" tapos nag-smirk lang siya.

"Nays naman Bestie. Hahah" sabi nila Jackie, Andrea, Pauline, Angela at nagulat ako ng nasa dulo si Kyline. Then she mouthed me "Magpapaliwanag ako mamaya. Go bestie!". Tapos niyakap ko siya ng napakahigpit.

"I'm so sorry sa lahat bestie." Sabi ni Kai.

"Okay lang yun bestie. Past is Past."

"Pinapatawad mo na ako?"

"Naman! Hahahaha. Sige mamaya na lang. Loveyou."

"Ayiee Ate Denise! Say yes okay?" Sabi ni Lynelle. Btw, 15 years old na siya.

"What do you mean Lynelle?"

"Secreett! Hahahaha. Malalaman mo po mamaya." Sabi niya tsaka niyakap ako.

"Anak, napakaganda mo. Sana um-oo ka." Sabi ni Mommy Nel.

"Sige po."

At namatay lahat ng ilaw at may spotlight na biglang tumutok sa gitna ng stage. Nakita ko ang lalaking pinakamamahal ko. May dala dala siyang boquet of pink roses. At may hawak hawak siyang microphone. Tapos umakyat ako sa stage.

(Play "Ewan ko" by Darren sa background)

"Grabe, it's been 11 years. 11 years na na-adik ako sa isang babae. Dati fan ko lang siya, umaasa lang siya dati sa isang followback galing sakin. Pero wala e, ang gwapo ng idol niya." Bigla naman nagtawanan yung mga tao.

"Napaka-rami naming napagdaanan na pagsubok pero kahit kelan hindi namin naisipang sumuko o bumitaw dahil may pananalig kami sa Diyos at sa isa't isa. Pinakamahirap na pagsubok na natahak namin yung nagka-Amenesia ako pero ngayon naalala ko na lahat. Salamat sa babaeng nasa tabi ko ngayon at hindi siya nagsawa sa pagpa-paalala sa nakaraan ko. Dapat nga isang linggo na lang ikakasal na kami nun kaso bumagsak yung eroplano na sinasakyan ko kaya naudlot lahat. At nagdadagan pa ng napakalaking problema. Kaya," sabi niya tapos may kinuha siya sa bulsa niya sa may likod sabay luhod.

"Denise Michaela Ocampo, hindi na ako makapaghintay na mapalitan yung apilido mo ng apilido ko. Will you marry me?" Sabi niya tapos binuksan niya yung kahon na may laman na singsing.

"Makakatanggi paba ako? Hahahaha. Dejoke. Yes na yes! Sa lahat ng language. Oo ang sagot ko." Sabi ko tapos sinuot na niya saakin yung singsing. Tapos hinakawakan niya ako sa bewang tapos nilapit niya yung katawan niya sa katawan ko kaya nilagay ko na lang yung kamay ko sa batok niya. Tsaka niya ako hinalikan, mabilis lang naman! Mga 6 seconds lang. Hahaha. Pagbigyan niyo na. Tapos nagpalakpakan yung mga tao.

"Baka naman po pede i-advance yung honeymoon. Hahahaha. De joke lang po." Sabi ni Darren. Aba loko talaga to ah. Hahahah.

Tapos nun ay bumaba na kami sa stage may konting party lang.

"Mommy baka naman po may required kayong gender ng baby namin. Hahah." Sabi ni Darren.

"Wala naman anak pero bilisan niyo lang ang pagbibigay ng apo samin ng Daddy mo." Sabi ni Mommy Nel.

"Grabe naman kayo Mommy! Nakaka-pressure kayo. Hahaha." Sabi ko.

"Sige mag-enjoy muna kayo diyan." Sabi ni Mommy.

Pumunta naman kami sa barkada.

"Woohhh! Congrats guyss!" Sabi nila.

"Thankyou! Hahaha."

"Oyy Ninong at Ninang kaming lahat sa anak niyo ah!" Sabi ni Jk.

"Hoy Karlos! Ikakasal pa lang kami anak agad inaatupag mo! Hahaha." Sabi ko.

"Hahahaha. Okay." Sabi niya.

"Sa tingin ko babae magiging anak naten." Sabi ni Darren.

"Aba nape-predict mo agad ah! Hahahaha. Paano mo naman nalaman?" Sabi ko.

"Sabi kasi nila kung sino daw mas nag-enjoy sa paggawa e yun daw yun gender nung baby at dun din daw mama-mana nung baby yung ugali. Hahaha"
Aba baby alam kong pa dating ka palang. Sana maging lalaki ka tapos seloso para hindi halatang nag-enjoy si Mommy. Hahahahaha. Dejk.

"Baka ganun yun. Sana lalaking seloso yung magiging anak naten." Sabi ko.

"Sana babaeng topakin na lang. Hahahahaha."

"Baliw talaga to e! Hahahah. Ayaw mo ba ng Lalaking selosong topakin? Hahahah." Sabi ko.

Pagkatapos nun ay umuwi nadin yung mga bisita at umuwi na din kami at nagpahinga. Hahahaha

======================









The Unexpected Relationship (IASWAIT Book 2) // d.eTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon