Darren's P.O.V.
Nandito na kami ngayon sa kwarto naming dalawa ni Denise. Ayaw ko naman kasi ng walang katabi kasi natatakot ako. Hahah. Kung si Jk naman katabi ko pagti-tripan lang ako nun. Edi si Denise na lang katabi ko, girlfriend ko naman siya diba? ;) Hahaha.
"Bakit kase iisang kama lang yung pinareserve mo." Sabi niya.
"Ayoko ko kase ng walang katabi, tsaka ang lamig lamig dito oh, sino yayakap sakin?" Sabi ko tapos nilapitan at kinorner siya sa pader. Hahah.
"Y-yakapin mo s-sarili mo mag-isa." Sabi niya tapos umalis na. Halatang namula e. Hahahaha.
"Bakit ka namula? Hahahaha." Panga-asar ko sa kanya.
"Ewan ko sa'yo. Che! Matulog ka na nga!" Sabi niya sabay bato ng unan sakin at tumalikod.
Denise' P.O.V.
Namula ako dun sheytt. Kahiya. Putakte naman to kasi si Darren ang daming alam e. Ngayon ay naka-higa na ako sa kama. Jusmeee! Naalala ko tuloy yung nangy---- Aish! Nako. Erase erase! Kakalimutan ko na yun, tutal nagka-amnesia naman siya malamang nakalimutan na niya yun!
"Psst. Tulog kana ba?" Tanong niya.
Ayoko sumagot kase baka kulitin lang ako ne'to.
"Uyy, sorry na. Hindi na kita ulit aasarin, promise" sabi niya.
Humarap naman ako sa kanya.
"Sure ka?" Tanong ko.
"Oo sure ako." Sabi niya.
"Okay sige. Hahaha. Hindi naman talaga ako galit actually. Hahahaha." Sabi ko.
Tapos ayun, nakatulog na lang ako bigla habang naguusap kami.
======================
Nagising ako ng alas kwatro ng madaling araw. Parang gusto kong lumabas at mag-kape. Yaas. Hahahah. Sabi ni Jk kagabi na 2 weeks daw kami dito para naman daw ma-enjoy din niya yung bakasyon niya.
"Good morning Den." Sabi ni Darren tapos ngumiti sakin.
"Good morning din." Sabi ko.
"Pede samahan mo ako mamaya? Makikipagkita ako kay Andrea." Sabi niya.
Sino nanamang Andrea yon?! Yun yata yung crush ni Jk dati. Pftt. Ano naman kaya dahilan ne'to bakit siya makikipagkita dun? Tapos balita ko naging mag- M.U. sila. Paano kung magustuhan ni Darren ulit yun? Paano ako? Ako na lang palagi nagdudusa. -.- Ka-asar.
"Bakit kaya hindi ikaw na lang mag-isa." Sabi ko tapos pumasok ng cr para maghilamos at maka-alis na dito. Ang aga aga pinipeste ako ni Darren.
Nang matapos kong maghilamos ay nagbihis ako at lumabas ng kwarto ng hindi siya pinapansin.
Lumabas na din ako ng hotel at maglalakad lakad na lang ako dito.
Bigla naman akong may naka-bangga na lalake.
"Ayy sorry miss hindi ko sinasadya." Sabi nung lalaki tsaka tumango. Ayy ang gwapoo! Hahaha. Jusko Denise, maghunos tili ka nga!
"Ahh hindi sige okay lang." Sabi ko.
"Parang familiar ka sakin, ikaw yung girlfriend ni Darren diba?" Tanong niya.
"Ahh oo, tapos ikaw yata yung boyfriend ni Andrea? Ikaw yung Zack diba?" Tanong ko.
"Oo ako nga yun. Nandun si Andrea kasama ng boyfriend mo. Nagseselos nga ako e, binigyan pa ng oras kesa sakin si Darren." Sabi niya.
"Nako, pareho tayo. Gusto mo sumama?" Tanong ko.
"Saan?" Tanong niya.
"Gusto ko kase magkape, may alam ka bang coffee shop dito?" Tanong ko.
"Dun na lang sa hotel namin." Sabi niya. Tapos sumama na ako sa kanya papuntang hotel nila.
Nakarating nadin kami dun sa loob ng Hotel room nila. Tsaka umorder siya sa baba ng hotel ng brewed coffee.
"Zack, Gaano na kayo katagal ni Andy?" Tanong ko habang nagaayos ng gamit niya.
"Ahh, 5 months nadin." Sabi niya.
"Ahh ganun ba?" Sabi ko.
"Balita ko nagka-amnesia si Darren ah, hindi ka ba nahirapan na ipaalala sa kanya yung mga nakalimutan niyang alaala?"
"Hindi naman kase hindi naman ganun kalala yung pagkatama nung ulo niya e."
Dumating nadin yung kape tsaka ininom namin yun. Pagkatapos kong inumin yun naramdaman ko na dinalaw ako ulit ng antok.
"Zack, pede ba makitulog? Ayoko kase muna bumalik sa hotel namin e."
"Sige matulog ka lang dyan."
Tapos nakatulog nadin ako.
=====================
Nagising ako 9:40 na ng umaga at tumambad naman sa mukha ko yung mukha ni Espanto.
"Bakit dito ka nakitulog kela Zack? Bat di ka dun matulog sa kwarto natin." Sabi niya na medyo naiinis.
"Eh diba sabi mo na makikipagkita ka kay Andrea? E di dito na lang ako may kasama pa ako." Sabi ko.
"Edi dun ka kela Jk."
"Umalis nga sila pumunta ng Mines View Park."
"Paano kung may mangyari sainyo ni Zack? Kayong dalawa lang nandito oh."
"Bat ba andami mong tanong? Eh ano naman kung may mangyari samin? Mamatay kaba?"
"Kase nga nagaalala ako sa'yo kase mahal kita!"
=========================