Ang babala.

6.9K 259 5
                                    

Pagbalik nila sa bahay bakasyunan ay walang may gustong magsalita kahit isa,inisip nilang mabuti ang kinwento ng matandang lalake sa tindahan. Nakaupo lang sila sa labas ng bahay at..

"Hoy anu ba kayo? Para naman kayong mga tanga! Paapekto daw ba sa kwento?? Eh halos ilang araw na rin tayo dito?!"

Matatas na sabi ni Miguel.

Tumingin lang sa kanya ang lahat. At isa isa ng nagsipasok sa loob. Naiwang nakaupo si Yuki at Lotie dun. Hanggang sa..

"Weird talaga,natatandaan mo yung pinakita ko sa inyong picture? Eto.." banggit ni Lotie habang kinukuha ang camera.

"Me naramdaman ka na ba dito?" mahinang tanong ni Yuki.

Tumingin lang si Lotie,di sya nagsalita. At tumayo na rin sya para pumasok sa loob.

Pagpasok nila sa loob ay naroon at nagluluto na ng pagkain sina Miguel at Miki. Tahimik na nakaupo lang si Maya at saglit pa ay..

Napatingin si Maya sa nakakandadong kwarto. Mukhang may naglalaro sa isip nito.

"Guys buksan kaya natin yang kwarto? Kasi nacurious talaga ako sa sinabi ng mama eh,check lang natin baka may mga pictures pa dyan!" sabi nito na may mapaglarong ngiti pa.

"Loka! Maya dyan magalit yung may ari nito tapos pabayaran pa sa'tin yung mga damages! Baliw! Di ka talaga nag iisip!" inis na sagot ni Miki.

Ngumiwi lang ang Maya at umirap.

***

Andrea's POV-

Bakit di ko na nakitang bumalik ang sasakyan ng mga dayo? Saan sila dumaan,eh wala naman silang ibang madadaanan eh kundi dito lang. Di kaya..

Talagang iniiwas lang sa'ken ang mga yun. Halos dalawang araw na rin ako nagmamasid dun ngunit wala ako matyempuhan ni isa sa kanila,ang tanging pag asa ko lang sana ay yung nakita kong dumaan sila ngunit tulad nga ng sinabi ko siguradong di nila ako papansinin.

Nagugulo ang isip ko sa di ko naman talaga dapat laban pero di ako pinatatahimik ng mga nakapaligid sa'kin.

Paano kaya ito?

***

Kinagabihan sa bahay bakasyunan-

Masayang nagkukwentuhan ang mga dayo sabay ng kanilang pagkain. Kinalimutan na talaga nila ang mga kwento ng matanda dahil ayaw nilang masira ang kanilang pagbabakasyon. Ngunit hindi para kay Lotie at Yuki na nag iisip pa rin.

Malakas ang mga tawanan nila ng biglang kumurap kurap ang ilaw. Isa,dalawa hanggang sa pangatlo ay namatay na ng tuluyan.

"Yan na nga ba ang sinasabi ko eh,may nakalimutan tayong bilen!"

Sigaw ni Miguel.

Kasalukuyan pa ring madilim ang paligid. Walang maaaninag kundi mga ilaw ng cellphone dahil walang may gustong kumilos para maghanap ng flashlight. Hanggang sa..

Sa likuran ni Lotie ay may nakatayong isang babaeng mahaba ang buhok at nakangiti pa. Nakatayo ito mismo sa likod nya habang sya ay nakaupo sa harapan ng mesa. Nanlaki ang mga mata ni Yuki ng makita yun,dahil sya ang nakaupo sa tapat ni Lotie,at bukod tanging sya lang ang nakakakita.

Pagharap naman din ni Lotie kay Yuki ay sya ring gulat nito na may nakitang nakatayong lalake sa likod ni Yuki. Napasinghap sya sa takot dahil sa sobrang dilim ng paligid. Nagkatinginan silang dalawa at sabay pa sila sa pagturo sa mga nilalang na nakatayo sa parehong likuran nila. Tumingin sila sa mga kasama nila ngunit tila ba sila lang ang naroon at kahit na anu pang tawag nila ay di sila marinig.

Bukod tanging sila lang dalawa ang nagkakaintindihan. Sa sobra nilang takot ay tila nakain nila ang mga dila nila dahilan upang di na sila makapagsalita. Senyas na lamang ng mga nagtuturong kamay ang naiintindihan nila.

Saglit pa at nakikita nilang unti unti ng yumayakap ang mga nakakatakot na nilalang sa kanila. Konti pa at..

"Great!" sigaw ni Miguel.

Dahil sa biglang bumukas ang ilaw. Nakita ng mga kasama nila ang kanilang itsura at..

"Lotie? Yuki? Ayos lang kayo?" tanong ni Maya.

Di makapagsalita ang dalawa. Namumutla at pawis na pawis. Halos maiyak na si Lotie sa takot.

"Taena! Ano bang ginawa nyo at ganyan itsura nyo! Ahaha! Naudlot ang quickie noh?!" asar ni Miguel habang tumatawa pa ng malakas.

Nagkatinginan lang ang dalawa,tila nag uusap ang mga mata kung isisiwalat ba nila ang naganap o tanging sila lang muna ang makakaalam. Hanggang sa..

"Sandali lang..nasira yata ang tyan ko.."

Ang sabi ni Lotie sabay tayo sa kinauupuan.

"Sandali,Lotie!" syang habol ni Yuki.

"Yan! Tama yan! Dyan na lang kayo sa cr!" nang aasar na sigaw ni Miguel.

Napatingin sa kanya ang mga babae.

"What??"

"Bakit kaya ganun ang itsura nila?" tanong ni Maya na parang may nahahalata na rin.

***

Andrea's POV-

Shik!Shik!Shik! Shhhiiiiikkkk!!

Nagulat na lang ako sa mga gamit na nagbagsakan,kasabay ng pag ihip ng galit na hangin,at mga kaluluwang sumisigaw.

Ito na ang oras. Ito na ang babala ng paligid sa akin.

Nag uumpisa na sila..

Itutuloy...

June_Thirteen

Bahay Bakasyunan(Ang Kasunod Na Yugto Ng Buhay Ni Andrea)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon