Huling kirot ng pagkaka-ibigan..

6.2K 218 7
                                    

Lumakad si Chess papunta sa ilog. Medyo nagdahan dahan sya dahil sa matubig ang mga damo ngunit walang gaanong putik,natuwa sya rito at medyo tinatampisaw tampisaw pa nya,dahilan upang matagalan nyang marating ang ilog.

"Ang tagal naman ni Maya,may kukunin lang daw..malamang nagtalo na naman sila ni Miguel!" bulong nito sa sarili.

Katatampisaw nya ay tumalsik ang maruming tubig sa damit nya pati na rin sa mukha nya.

"Shet! Boba!" ang sabi nya habang ipinapagpag ang nabasa nyang damit.

Sandali pa at dahil sa inis nya ay..

"Teka nga! Dun na nga lang ako sa bahay maliligo!" ang sabi ni Chess sabay lakad na pabalik.

Malapit na sya sa bahay ng makita nya si Lotie na pumasok sa imbakan.

"Lotie!! Lotie!!" sigaw nya rito.

Tuloy lang sa paglakad si Lotie hanggang sa makapasok na ito sa loob ng imbakan. Sinundan naman sya ni Chess papasok sa loob.

Pagpasok sa loob ay madilim dahil saradong sarado ang imbakan at nasa gitna pa ito ng malalaking puno kung kayat at walang sumisinag na araw dun.

"Lotie? Lotie? Ang dilim naman pala dito! Asan ka ba?" binubulong nya habang dahan dahang naglalakad.

Plang!

Tunog ng tumamang nakasabit na timba sa ulo ni Chess.

"Aray! Punyeta! Asan ka ba kasi?? Nakakatakot dito!" ang sambit nya habang kinakamot pa ang noong tinamaan.

Sige pa rin sya ng lakad. Kapa dito kapa doon ang ginagawa nya dahil sa wala syang makita at madilim. Saglit pa at nakarating na sya sa bandang gitna.

Nagulat sya ng may biglang tumunog. Ang cellphone ni Maya. Sinilip nya ito at nakita nyang nasa lapag lang ito.Madali syang nakalapit dito dahil sa konting liwanag na dala ng cellphone.

"Bakit nandito 'to? Lotie ikaw ba may..."

Naputol ang pagsasalita nya ng pagdampot nya ng cellphone at pagtingin sa kanyang likuran ay nakita nya si Lotie na nakaupo sa sulok at nakayuko,nakalaylay ang kanyang mahabang buhok dahilan para matakpan ang kanyang mukha.

"Taena girl! Nakakagulat ka naman! Bakit ka nakasalampak dyan?" gulat na tanong nito kay Lotie.

Walang kibo ang kaibigan. Nanatili itong nakayuko at..

Pagtingin ni Chess sa kanyang likuran ay parang nakaaninag sya ng anino. Itinapat nya ang cellphone upang magkaroon ng liwanag at makita nya kung sino ito. Nagimbal sya sa kanyang nakita pag tapat ng cellphone at..

"Eeeeeee!! Eeeeeeee!!"

Malakas na tili ni Chess dahil sa nailawan ng cellphone ang isang babaeng nakatayo at nakatitig ng masama sa kanya. Takot na takot sya ngunit di nya binitiwan ang cellphone dahil ginamit nya itong pang ilaw.

"Lotie!!! Nakikita mo ba yung nakikita ko?? Lotie!!" nanginginig ang boses nya sa takot.

Takot na takot na si Chess ngunit di nya nagawang humarap kung nasaan si Lotie,atras sya ng atras hanggang sa..

"Lotie!! Lo..lotie?"

Bumangga sya kay Lotie at laking gulat nya ng nakita nyang puro dugo ang mukha ng kaibigan. Saglit pa at magsasalita sana sya ngunit..

Shaaakkk! Shaaakkk!

Dalawang magkasunod na gilit sa leeg ang inabot nya kay Lotie. Nagawa pang hawakan ni Chess ang kanyang laslas na lalamunan at nakalakad pa sya unti unti,ngunit di nya rin kinaya at bumagsak din sya sa lapag. Panay ang sirit ng dugo sa kanyang laslas na lalamunan ngunit pinipilit nya itong pigilan gamit ang mga kamay nya. Sinubukan nyang gumapang patungo sa pinto palabas ngunit..

Chag! Chag!

Ihinampas ni Lotie ang pala sa likuran ni Chess.

"Agh! Agh!"

Sa kabila ng malakas na pagkakahampas na yun ay nagawa nya pa ring gumapang dahan dahan ngunit ng malapit nya ng maabot ang pinto ay..

Tsak!

Tinaga ni Lotie sa ulo nya ang karet na sya ring pinangtaga nya kay Maya.

"Agh!"

Natuluyan nang malagutan ng hininga si Chess. At muli ay tinitigan lamang sya ni Lotie habang nakangiti pa ito.

At sa huli ay isang halakhak muli na tinig ng batang babae ang pinakawalan ni Lotie.

At pang pinale sa lahat ay..ang paghila nya sa katawan ng kanyang tinagang kaibigan.

Hinatak nya dahan dahan ang katawan ni Chess. Hinatak nya ito at dinala sa isang madilim na sulok.

At dun sa madilim na sulok na iyon ay nakatambak ang tatlo pa nyang pinaslang na kaibigan.

Sina Miki,Maya at Miguel.

At pagkatapos nyang isama si Chess doon ay muli nyang tinitigan ang mga ito. Binaling baling nya ang kanyang ulo na tila ba may sinusukat sya.

At bigla na lang..

"Hihihihahaha!!"

Isang nakakangilong hagikgik ang ginawa nya at..

"Tingnan mo Lotie..ang ganda nilang tingnan!"

Ang sabi ni Lotie sa kanyang sarili at muli ay humalakhak lang ito ng malakas.

"Ahahaha! Wahahaha! Ahahaha!!"

Itutuloy..

June_Thirteen

Bahay Bakasyunan(Ang Kasunod Na Yugto Ng Buhay Ni Andrea)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon