Nang makita ni Yuki na naroon na sila malapit sa bahay ay mabilis itong nagtatakbo. Sumisigaw ito habang tumatakbo,tinatawag nya isa isa ang kanyang mga kaibigan. Ngunit wala man lang ni isang sumasagot.
Tahimik lang si Andrea habang lumalakad papunta sa bahay. Alam nya na alanganin sya sa pakiramdam nya ngunit kailangang masagip nya si Lotie mula rito. Kahit na sila man lang dalawa sa huli. At alam nya na di pa naman huli ang lahat para dito.
Sumunod sya kay Yuki papasok ng bahay. Nakita nyang napaluhod ang binata sa nakitang dugong nagkalat,at may bakas pa ito palabas sa pintuan palikod. Nakita nya kung paano tumangis ang binata sa kanyang nakita. Alam ni Andrea na alam ni Yuki na wala na ang mga ito. Iyak ng iyak si Yuki.
"Wala man lang ako nagawa!" tanging nasabi nito.
Maging si Andrea ay nanlambot,dahil sa alam nya na ang lahat ngunit wala syang nagawa man lang para maisalba ang kahit isa lang sa apat. Nagpatalo sya sa mga nakapaligid sa kanya. Dinaig ng takot ang kanyang mga pangitain.
Pagdating nya sa loob ng bahay ay ipinikit nya ang kanyang mga mata at..
"Narito lang sila sa loob.." ang bulong nya kay Yuki.
Nagpunas si Yuki ng luha at tumayo sa pagkakaluhod.
Nanatiling nakapikit ang mga mata ni Andrea.
"Ang kwartong yan.. ( itinuro nya ang kwartong dati ay nakakandado ) dyan mo makikita lahat ng mga ala ala nyo..ang mga ala ala nyong magkakapatid.."
At idinilat nya ang kanyang mga mata. Lumakad sya papasok sa kwarto at..
"Natatandaan mo pa ba ang lahat ng mga ito Yuki? Ang inyong mga laruan at mga gamit.."
"Ngunit di lamang kayo ang umaari nito.."
Banggit ni Andrea.
"Anung ibig mong sabihin?" nagtatakang tanong ni Yuki.
"Halika..ipapakikita ko sa'yo lahat,para maintindihan mo kung bakit nagkaganito.."
Lumapit si Yuki kay Andrea at hinawakan ni Andrea ang ulo nito,at walang kaanu ano ay..
Yuki's POV-
"Ha? Nasaan ako? Ang bahay namin dati!"
Pumasok ako sa loob ng bahay namin,ngunit bakit wala ang mga magulang ko at kapatid dun. Saglit pa lumakad pa ako papasok,narito pa rin ang mga dati naming gamit. Lumakad pa ako at,may nakita akong mga bata na nakaupo sa kwarto nila mommy at daddy.
"Hoy!! Sino kayo?? Anung ginagawa nyo dyan sa kwarto ng mommy at daddy ko??"
Sinigawan ko sila pero tumingin lang sila sa akin na parang di nila ako narinig. At isa pa..
"At ikaw? Bakit hawak mo yang robot ko?? At sino ang babaeng katabi ng daddy ko..at..si daddy?? Bakit parang may sakit sya?? Hoy sagutin nyo ako!"
Muli akong sumigaw ngunit tuloy pa rin sila sa di pagpansin sa akin. At bakit nakahiga ang daddy ko na parang may sakit sya? At may ibang babae sa tabi nya..at hindi ang mommy ko..sino sya?
"Lotie! Bilisan mo nga at ikuha mo ako ng tubig para makainom ang daddy mo."
Utos ng babaeng nakatabi kay daddy sa kama at..Lotie,tinawag nyang Lotie ang batang babae. Hindi kaya ito ang pamilya na ipinagpalit ng daddy sa amin? At nang mamatay ang mommy at ate ay iniuwi sila dito ng daddy?
"Lotie? Hindi kaya si Lotie nga yung bata kaya din nangyayari sa kanya ito dahil..natatandaan ko pa ang mga binitiwang salita ng ate ko na..gagantihan nya ang lahat ng may gawa sa amin nito??"
![](https://img.wattpad.com/cover/47709010-288-k701798.jpg)
BINABASA MO ANG
Bahay Bakasyunan(Ang Kasunod Na Yugto Ng Buhay Ni Andrea)
ÜbernatürlichesPaano kung ang dapat na masayang bakasyon ay mauwi sa isang nakakakilabot at malagim na trahedya? Ang kwento na ito ay istorya ng anim na dayo sa isang probinsya na makaka-engkwentro ng di nila pinaniniwalaan. At ang tanging pag-asa lamang nila upan...