Lotie's POV-
Ang sakit sobra ng ulo ko paggising ko. Pagtingin ko sa salamin ng bintana ay nasilaw pa ang mga mata ko ng araw..umaga na pala..
Napansin ko rin na medyo malamig ang mga paa ko..
"Ha? Anu 'to? Bakit basa ang mga paa ko pati ang dulo ng pajama na suot ko?"
Tanong ko sa sarili ko. Tumayo ako sa pwesto na pinagkakaupuan ko. Nanginginig ang mga tuhod ko at..at may nakapa ako na may hawak hawak ako sa kanang kamay ko..anu to?
"Buhok?? Bakit ang daming buhok ng kamay ko?"
Dali dali kong ipinagpag yun,ang mga buhok na nasa kamay ko ay kulay ginto,sigurado ako na di sa akin ang mga buhok na'to..pero kanino 'to? at bakit meron ako nito?
Si Miki!
Sya lang ang gold ang buhok sa amin! Pero?? Nag away ba kame at 'sang damakmak ang buhok nya sa kamay ko??
Wala akong matandaan.
Tumayo ako ng diretso kahit pa umiikot ang paningin ko at nanginginig ang mga tuhod ko. Ang pakiramdam ko ay parang nakipaglaban ako sa kung ano,dahil sa sobrang bigat ng katawan ko.Agad ko hinanap ang aming higaan para makapagpahinga muna ngunit..nagulat ako ng makitang wala ako sa aming silid na tinutulugan. Asan ako?
Inilibot ko ang mga mata ko,sa dilim at dahil na rin sa nahihilo ako ay di ko masyado mamukhaan ang paligid ngunit nakasisiguro ako na wala ako roon. Konti pa at,nakalapit ako at kumapit sa isang tukador. Ito ay tukador na may lamang mga lumang gamit,at sa kabilang banda naman ay may mga cabinet pa rin na puro libro ang laman. At paglingon ko sa aking pinagtayuan kanina ay puro laruan naman ang naroon. Iba ibang klaseng laruan na parang matagal ng pinabayaan ng may ari nito. Tumitig ako sa mga ito at..
Palingon na sana ako ng mapansin ko ang isang manikang nakatambak sa bandang gilid nito,katabi ang isang laruang robot.
Nagkasalubong ang dalawang kilay ko ng matitigan ko yun. Dahan dahan akong lumapit pabalik sa pwesto na yun at dinampot ko ang manikang nakatambak at..
"Akin 'to ah..laruan ko 'to.."
Ang tanging nasabi ko at sa sobrang pagkalito ko ay natataranta kong hinalungkat lahat ng mga laruang nakatambak at ng makita ko ang iba ay nakilala ko pa sila. At ang robot..ang robot ay ang laruan ni Lance. Hindi ako maaring magkamali na akin ang manikang kulot ang buhok na ito at nakadamit pangtulog. At ang isa naman ay ang laruang robot na gustong gusto ni Lance. Napayakap ako sa mga laruang natagpuan ko..ngunit umatake din ang pagtataka sa akin dahil..
"Bakit nandito sila? At bakit ang lahat ay nandito?"
Naitanong kong muli sa sarili ko at saglit pa at iniikot ko ang paningin ko sa buong kwarto at napansin ko rin ang mga ilan pang pamilyar na gamit sa akin at ang kwarto..ito ay ang silid aralan sa aming bahay na nilipatan..yung bahay na ibinigay ni daddy sa amin ngunit bakit??
Bakit hindi ko matandaan lahat? Ang paligid,ang lugar at ang bahay?
Muli akong umikot at sinuri ang buong kwarto. Nagawi ang mga mata ko sa pintuang nakabukas at..
Ang kwarto pala kung nasaan ako ngayon ay ang kwartong nakakandado. Paglabas ko ay nakita ko pa si Miguel na nakatayo sa tabi ng aming sasakyan.
Naguguluhan ako sa aking mga nakikita,kahit saan ko tingnan ay wala ako makitang pagkakakilanlan na ito ang dati namin tinirhang bahay,at dito rin sa bahay na ito binawian ng buhay ang aking ama.
Bigla akong nanlambot ng pumasok ang lahat ng mga dati kong ala ala sa akin..
Muli kong binalingan ang kwartong dati ay nakakandado.
Ang aming dating silid aralan.
Pumasok muli ako dito at..
"Dito kami dapat titira..bakit andito ako sa dati naming bahay pero bakit di ko na sya matandaan.."
Napaupo na lang ako sa isang sulok kung saan yakap ko pa rin ng mahigpit ang aking mga lumang laruan.
Kasalukuyan akong nakatulala ng may mapansin akong isang bagay,isang pamilyar na bagay rin sa akin.
Tumayo ako at nilapitan ito. Pinagmasdan ko ito at..
"Kay mama 'to ah!"
Sambit ko. Isang dating karet ang nakita ko katabi ng toolbox ni Miguel,at natatandaan ko din na ang karet na yun ay gamit ni mama. At ang toolbox ni Miguel? bakit nakatago dito?
"Itong karet na ito yung madalas gamitin ni mama sa paghawi nya ng mga damo dyan sa likod bahay! Oo! Amin din ito!"
Gulat na bulalas ko. Natatandaan ko pa na madalas itago ni mama sa tambakan ang karet na yun dahil sa sobrang matalas yun.
Ngunit nagtaka rin ako dahil sa dapat ay luma at di na masyadong matalas ito.
Bigla ko naalala na ginamit nga pala ni Miguel ito nung nakaraan at sya rin nga pala ang naghasa nito dun sa tambakan.
Medyo naguguluhan na talaga ako sa lahat..
"Sandali..kailangan ko makausap ang mama at si Lance! Asan na ba ang cellphone ko!"
Natataranta kong binitawan ang karet dahilan upang kumalat lang ito sa sahig. Saglit kong tiningnan ang mga yakap yakap kong laruan at tatakbo na sana ako palabas ng kwarto ng..
Biglang sumarado ang pinto at..
Bumulaga sa akin ang isang batang babae na nakatitig ng matalim sa akin at ang sabi nya ay..
"Saan mo dadalin ang mga laruan namin anak sa labas???!!!"
Nanlaki ang mga mata ko ng marinig ko syang nagsalita,at tinawag nya akong anak sa labas. At muli syang nagsalita..
"Dito ka lang!! Hindi pa tapos ang obligasyon mo sa amin!! Uubusin natin ang mga kaibigan mo at ang sarili mong kamay ang gagamitin natin!! Hahaha!! Hahahaha!"
Ang kasunod na sabi nya sa akin. Nanginginig ang buo kong katawan sa takot. Ni di ko magawang kumilos ngunit nanatiling yakap ko ang mga lumang laruan namin ni Lance. At unti unti pa ay lumalapit sya sa akin,unti unti rin akong napapa atras sa sobrang takot.
At di ko inaasahang may isa pa palang galit na kaluluwa sa aking likuran. Isang may edad ng babae ang unti unti ring lumalapit sa akin..
"Sino ang mga 'to??" tanging nasambit ko..
At konti pa at maaabot na nila ako..
At konti pa ay..
Eeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeee!!!!!!!!!!!
Wala na akong matandaan pa.
Itutuloy...
June_Thirteen

BINABASA MO ANG
Bahay Bakasyunan(Ang Kasunod Na Yugto Ng Buhay Ni Andrea)
ParanormalPaano kung ang dapat na masayang bakasyon ay mauwi sa isang nakakakilabot at malagim na trahedya? Ang kwento na ito ay istorya ng anim na dayo sa isang probinsya na makaka-engkwentro ng di nila pinaniniwalaan. At ang tanging pag-asa lamang nila upan...