Salubong.

12.6K 351 12
                                    

Ang kabanatang ito ay para kay akhocnhess..

Isang pulang van ang halos isang oras na ring binabaybay ang daan papunta sa kanilang pupuntahan.

Ang bahay bakasyunan.

Ilang oras mula sa Maynila at pati na rin sa pagtunton sa masukal at tila kinalimutan ng lugar,kung saan nakatayo ang bahay na tutuluyan sa kanilang pagbabakasyon.

Habang daan ay may nakita silang isang bahay na luma na rin. Huminto sila rito dahil inakala na yun na nga ang kanilang pupuntahan.

"Guys sa tingin ko ito na nga yun! Sabi kase luma daw saka medyo dulo eh." sabi ng isang babae. Si Maya.

Apat na babae at dalawang lalake ang mga dayo.

Lumapit na sila sa bakuran at tumingin tingin. At napansin nila ang isang babae na nasa loob ng bahay. Tumawag sila habang nakadungaw sa kawayang bakod.

"Ayun Chess! May tao..tao po!" sigaw ng isa pang babae. Si Miki.

Paulit ulit silang tumawag hanggang sa mapansin na sila ng babae na nasa loob ng bahay. Napatingin ang babae at lumabas ito upang kausapin sila.

"Ano pong kailangan nyo?" tanong ng babae. Si Andrea.

"Eto na po ba yung,Guererro? Iyan po ba yung bahay bakasyunan na pinauupahan?" tanong muli ng Maya.

Napakunot noo ang babaeng pinagtatanungan nila. Tila sinusuri nya ang mga dayo.

"Ate..nagtatanong lang po." sabi ni Maya na natatawa pa sa itsura ng babaeng nakatitig sa kanila.

"Weird." bulong ng Chess.

Pinagmasdan ni Andrea ang mga dayo. Sa ngayon ay wala sya nakikitang kakaiba. Bukod sa isang dalaga na nakaupo lang sa loob ng van. Si Lotie.

Halos di nya na inintindi ang nagtatanong dahil sa sobrang silip nya sa dalaga. Malungkot ito at nakatingin sa malayo.

"Guys it's getting dark na..tara na.." sabi ng lalaki na may hawak ng manibela. Si Miguel.

Parang nainis ang mga dayo sa ikinilos ni Andrea,at dahil sa mga taga Maynila ay may mga kapilosopohan.

"Awright!! Thanks Ate,nakatulong ka talaga!" pilosopong sabi ni Maya.

At isa isa na silang pumasok sa sasakyan. Si Andrea ay nasa likuran lamang nila at panay pa rin ang silip. Hanggang sa isasara na sana nila ang pinto ng sasakyan ng bigla na lang..

"Bakit kayo pupunta dun? Mauubos kayo dun..ikaw?" turo ni Andrea kay Lotie.

"Ikaw ang uubos sa kanila." pahabol nito.

Nagtinginan sabay sabay ang mga dayo.

"Hindi kayo dapat tumuloy dun.." sambit muli ni Andrea.

Natakot ang mga dayo,ang isa ay nagalit pa.

"Ah sige na po Ate! Salamat sa pananakot!" sabi ni Maya sabay bagsak ng pintuan.

Napaatras na lang si Andrea.

"Weird ni Ate ah!" sabi ni Miguel,sabay sa pagstart ng sasakyan.

"Ganyan talaga ang mga tao sa probinsya..saka,tingnan nyo naman itsura nun! Mukhang mangkukulam!" sabi ng Maya sabay tingin kay Andrea na nakatanaw pa rin sa kanila.

Pinagmamasdan ni Andrea ang sasakyan ng mga dayo habang papalayo. Hanggang sa unti unti na'tong nawala sa paningin nya.

***

Habang daan,nag uusap sila sa loob ng sasakyan at nagkakabiruan pa.

"Lotie! Narinig mo naman ang sinabi ng babae,ikaw daw uubos sa'men ha! Basta chow chow lang ang saksak sa'ken kung kutsilyo gagamitin mo ha?! Ahaha!" biro ni Miguel habang tumatawa pa ng malakas.

Umirap lang si Lotie.

"Gago! As if naman me dala tayong baril!" sabat naman ni Maya.

Nanatiling tahimik ang dalaga,sa likurang banda ng sasakyan nakaupo ang isa pa nilang kasama,tahimik rin at nakikinig lang sa mga kalokohan nila. Si Yuki.

"Pero in fairness,ang ganda ni Ateng weird ah! Pwede pa syang ligawan." birong muli ni Miguel.

At nagkatawanan lang sila.

Nasa kasalukuyang masarap na biruan ang mga dayo ng mapansin na nila ang bahay na sadya nila.

"Yes! Ito na yun sure ako!" sigaw ng Maya.

"Bakit naman kasi dito pa napiling pumunta..pwede naman sa mas syudad!" bulong ni Lotie.

"Girl! Maka experience man lang ng kakaibang ambiance diba?!" sabat ng Chess.

"Kakaiba talaga! Dun pa lang sa babae ibang iba na eh! Haha!" biro ni Miguel.

Natawa na lamang sila ulit.

Hindi pa man sila nakakababa ng sasakyan ay ramdam na nila ang nakakabinging katahimikan. Masukal na ang lugar kung saan nakatirik ang bahay. Ngunit napakaganda ng paligid nito,may malawak na bakuran at malalaking punong kahoy. May kakahuyan dito na may kalapit na maliit na ilog.

Hindi na ganun kaluma ang bahay na inaasahan nila. Malaki na ito at maganda na rin ang pintura,talagang matatawag itong isang paraiso sa ganung klaseng lugar.

Medyo madilim na rin ng dumating sila doon.

"Sigurado ba kayong ito na yun? Bakit yung nakita ko sa picture eh luma na!" nagtatakang sabi ni Lotie.

"Hello?? Negosyo nga diba? Syempre nakarenovate na yan! Saka ito talaga yung nakita ko sa net..kaya ito yun,pati address oh!" sabi ni Maya habang ipinakikita pa ang picture sa cellphone nya.

Tumango tango na lang si Lotie.

"Hoy bilisan nyo madilim na!" sabat ni Yuki.

At inisa isa na nila ang kanilang mga gamit na ipasok sa bahay. Tuwang tuwa sila dahil napakaganda ng lugar,at sigurado silang magiging masaya ang pagbabakasyon nila dito,bukod sa tahimik ay masarap ang hangin at maganda ang paligid.

Pumunta sa likod bahay si Miguel upang hanapin kung saan naroon ang generator. Nakita nya ang isang maliit na imbakan ng gamit. Pumasok sya at naroon nga ito. Habang iniaayos nya ang generator ay may napansin sya sa imbakan. Punung puno pa ng gamit ito,ngunit medyo may kalumaan na rin.

"Hoy!"

Napalingon si Miguel ng marinig nya yun. Ngunit wala namang tao. Napangiti na lang sya at di ito pinansin. Maya maya pa at napagana nya na ang generator at lumabas na sa imbakan. Paglabas nya ay lumingon pa sya ulit,baka sakaling naroon lang ang naringgan nya ng tinig.

Ngunit wala namang tao dun. Lumakad na lang sya unti unti pabalik sa mga kaibigan.

Bago pa sila makapasok ay gumana na ang mga ilaw. Sabay sabay itong nagbukasan,kitang kita mo tuloy ang ganda ng bahay bakasyunan.

"Wow..ang ganda pala nito." sambit ni Chess habang naglalakad papasok sa loob.

Namangha sila sa ganda ng bahay,maayos ang pagkakaretoke nito at di na mahahalata ang pagkaluma,ngunit may mga ibang bahagi pa rin dito na siguro'y pinanatili na lang sa ganoong kalagayan.

Tulad na lang ng isang kwarto kung saan naroon pa ang mga lumang gamit ng mga dating nakatira dun. At yun ay nakakandado.

"Tingnan mo,may kwartong nakalock..anu kayang meron dyan?" usisa ni Maya.

Lingid sa kaalaman nila na may nagmamasid na pala sa kanila mula pa lang pagdating nila.

At nakangisi lang habang pinapanood sila sa mga kaharutan nila.

Walang iba kundi,ang pamilyang dating nagmamay ari ng kanilang bahay bakasyunan.

June_Thirteen

Bahay Bakasyunan(Ang Kasunod Na Yugto Ng Buhay Ni Andrea)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon