Pinagtagpo at pinaglalayo..

6.6K 236 7
                                    

Nag umpisa ng maglakad ang dayo at ang manggagamot. Binabaybay nila ang nakalubog sa putik na daanan,katabi ng madadawag na puno at damo. Hanggang sa..

"May naikwento po sa amin yung matanda dun sa bayan..totoo po ba yung mga yun? Yung pamilyang pinatay daw po ng kanilang ama?" usisa ni Yuki kay Andrea.

Natawa si Andrea. At..

"Tinatakot lang kayo ng mga yun..mula nung andito na ako eh wala pa ako inabutang nagtungo sa bahay na yun bukod lang sa mga kwentong narinig ko na isang mama daw ang nakakita ng batang babae dun..haha! talaga naman ang mga tagarito sa amin oh!"

Sagot ni Andrea na natatawa pa.

Biglang naputol ang pag uusap nila ng huminto si Andrea sa paglalakad.

"Diba..galing na tayo dito? Dapat medyo malayo na tayo eh..pero.."

Nagtatakang napansin ni Andrea.

"Oo nga noh! Dapat matatanaw na natin yung bahay dahil parang matagal na tayo naglalakad ah!" taka ding sabi ni Yuki.

Nagkatinginan lang ang dalawa.

***

Samantalang sa bahay bakasyunan naman ay-

Galit na galit pa rin si Miguel kay Miki. Iniwanan na nga lang sya muna ng dalawa pang babaeng kasama nya dahil sa panay ang mura nya. At..

Palakad lakad ito sa loob ng bahay habang panay ang mura at hinahanap ang toolbox nya.

"Leche talaga 'tong mga 'to eh! Nakakairita! Saan ko ba nilagay yung screw?? Dito lang nama.."

Natigil sya sa pagsasalita ng makita nya si Lotie. Nagulat sya dahil nakita nya ito sa kwartong nakakandado at bukas na ang pinto ng kwarto. Sa galit nya ay di nya na napansin yun at agad nyang nilapitan si Lotie at..

"Isa ka pa eh! San ka ba galing??"

Ang sabi ni Miguel sabay hablot kay Lotie. Paghablot nya kay Lotie ay sya namang biglang bagsak ng pinto. Sumarado ito.

Naiwan silang dalawa sa loob ng nakakandadong kwarto at..

"Um! Um! Punyeta!" utas ni Miguel habang panay ang kabig sa pinto pabukas.

Nakatingin lamang sa kanya si Lotie ng..

"Wag ka ng lumabas..dito muna tayo.."

"Kanina mo pa hinahanap 'tong mga 'to diba?"

Nakangiting sabi ni Lotie habang hawak hawak ang mga screw na hinahanap ni Miguel. At..

"Akina nga yan!" hinablot nya ang isa sa mga screw sa kamay ni Lotie,dahilan upang masugatan ito.

"Ayan! Maarte ka kasi!" angil nito kay Lotie.

Saglit tumalikod si Miguel upang baklasin ang hawakan ng nakasaradong pinto.

Binabaklas nya ito habang patuloy sya sa pagmumura.

"Taena! Anu ba nangyari dito! Bwisit talaga!!"

Patuloy pa rin ang pagbaklas nya dito habang minumura ang mga kaibigan.

Hindi nya namamalayang palapit sa kanya si Lotie at..

Tsik! at isa pa uling..Tsik!

"Agh!"

Itinarak ni Lotie ng sabay sa magkabilang tagiliran ni Miguel ang dalawang mahahabang screw na hawak hawak nito at..

"Wag kang maingay..nagpapahinga ang mama ko eh.."

Gulat si Miguel sa sinabi ni Lotie at isa pang ulit ng..

Bahay Bakasyunan(Ang Kasunod Na Yugto Ng Buhay Ni Andrea)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon