Nakabaon nang ala-ala..

7.4K 253 7
                                    

Ang kabanatang ito ay para kay zyndileiferrer.

Lotie's POV-
Ang buhay ni Lotie.

Five years old ako ng mamatay ang daddy ko. Mula noon si mama na lang ang kasama namin sa buhay. Nagkasakit ang daddy ko bigla sa di malamang dahilan,at dahil sa masyadong malayo ang bahay namin sa ospital ay sa bahay na lamang sya ginagamot,ngunit parang habang ginagamot sya ay lalong lumalala ang mga karamdaman nya. Hanggang sa binawian na lang sya ng buhay dun mismo sa aming bahay.

***

"Wow! Ang ganda!" sigaw ni mama nung makita nya ang bahay pagbaba ng sasakyan.

Nagandahan kami ni Lance nung nakita din namin. Ang ganda ng bahay kahit medyo luma na ang itsura,may malawak na bakuran na napapaligiran ng berdeng mga damo at iba't ibang klase ng bulaklak.

Nagtatakbo kami ni Lance papasok dito. Umikot ikot kami sa sobrang tuwa dahil sa wakas ay may bahay na kami. Nilibot namin ang buong bahay na tila mga batang palaboy kami na sabik sa matitirhan.

"Mula ngayon,dito na tayo titira." masayang bulong ng daddy.

Napayakap kami ni Lance sa sobrang tuwa. Sabay nagtatakbo kame para pumunta na at mamili ng aming magiging kwarto.

At si mama at daddy ay nakita naming nagykap din at masayang masaya.

Ako ang unang pumili ng kwarto,dun ako pumasok sa unang silid na tila ba talagang para sa akin dahil sa dami ng laruan na pangbabae ang nandun. At ang gaganda lahat. Nagustuhan ko ang mga iyon lalo na yung manikang may kulot na buhok at nakadamit ng pantulog. Inumpisahan ko agad silang laruin. At si Lance naman naririnig ko sa kabilang kwarto na sumisigaw sa tuwa dahil ang kwarto nya punung puno din ng laruang panlalake. Napakasaya ng mga sandaling iyon dahil dun lang kame nakaranas ng ganung karaming laruan. At masayang masaya kami dahil makakasama na namin ang daddy madalas sa iisang bahay.

Madalas kasi ay wala sya sa tabi namin eh. Madalas syang abala sa negosyo nya. Si mama lang ang laging naiiwan sa amin at madalas din kaming lumipat ng bahay. Nakakainis ang ganun dahil minsan ay di pa kami nagtatagal at lilipat din agad,kahit na maayos naman kami dun. Di namin alam kung bakit ngunit wala naman kami alam sa mga nanyayari.

***

Ang sarap ng tulog ko. Ngayon lang ako nakatulog sa sariling kwarto. Halos lahat ng mga manika ay itinabi ko dahil sa malaki ang kama at kasya kaming lahat.

Paglabas namin ay nakahanda na ang almusal at naroon na rin si mama at daddy na naghihintay sa'ming paggising. Totoo nga at nandun sya,totoo nga ang sinabi nya at madalas na namin syang makakasama. Niyaya na nila kame at umupo na kami sa harapan ng mesa para kumain. Di pa man kami nag uumpisa ay biglang sumakit ang ulo ni daddy at napayuko pa ito.

"Hon bakit? Ayos ka lang ba?" nag aalalang tanong ni mama.

"Sumakit lang bigla yung ulo ko..ang sakit..aahh.." sagot naman ni daddy habang hawak ang kanyang ulo.

Natigilan kami ni Lance na kakain na sana. At tumakbo agad ang mama para kumuha ng gamot. Saglit pa at..

"Aaahhh!!!" sigaw ng daddy,namimilipit na sya sa sobrang sakit.

Natakot kami dahil nakasubsob na sya sa lamesa.

"Maaaa!!" sigaw ko.

Natataranta pa ang mama pabalik ngunit wala sya dalang gamot.

"Di ko makita yung mga gamot natin! Dun ko lang naman nilagay sa bag yun eh!" sabi ni mama na natataranta na.

Tingin ko ay mas tumitindi pa ang sakit na nararamdaman ni daddy. Hanggang sa bumagsak na sya sa sahig at nawalan ng malay.

***

Pinagtulungan namin syang buhatin para maihiga sa kanilang kama sa kwarto. Umiiyak si mama dahil sa di nya alam ang gagawin nya dahil sa bukod sa malayo ang lugar namin sa ospital ay di rin sya marunong magmaneho ng sasakyan,para man lang sana madala si daddy sa pagamutan o kaya nama'y para makatawag ng doktor. At wala rin naman kaming magawa para makatulong.

Wala pa ring malay ang daddy.

***

Umabot ang kinabukasan at di pa rin sya nagigising. Doon kami lahat sa tabi nya natulog. Binantayan lang namin sya. Naawa kami ni Lance kay mama dahil sa magdamag 'tong umiiyak,pilit nyang pinaiinom ng gamot ang daddy ngunit di nya naman ito magising.

Nagpaalam sa amin ang mama na pupunta sya sa bayan para maghanap ng pagamutan o di nama'y tatawag na lamang sya ng doktor para matingnan si daddy kung ano ang sakit. Iiwan nya daw muna kami at bantayan daw namin mabuti ang daddy. Maglalakad lang daw sya kung kaya't kailangan nyang umalis ng maaga para makabalik din agad pauwi,dahil masyadong malayo ang bahay at mahaba ang daan papalabas. Pumayag naman kame sa gusto ni mama. At humalik na sya sa amin,pati na rin kay daddy na wala pa ring malay.

Pinagmamasdan namin ang daddy habang nakahiga. Tumabi kami sa kanya at hinimas himas ang kanyang mukha. Umiiyak si Lance dahil sa nangako sya sa amin na magpipiknik daw kami dun sa tabing ilog. At di lang dahil dun,ang sabi nya kasi sa amin ay magiging masaya kami doon. Ngunit nasaan ang sinasabi nyang saya? Eto b ang masaya? Ang makita syang nakahiga at walang malay na dapat ay kasama naming naglalaro ngayon? Hindi ko na alam kung anong nangyayari sa pamilyang 'to. Sa edad naming ito ay naiintindihan na namin ang lahat,di nga lang malinaw ang mga ito,pero ramdam namin na may hindi tama.

***

Halos agaw dilim na ng dumating ang mama. May kasama na rin syang doktor. Pumayag ang doktor na doon sa'min magpalipas ng gabi para mas maobserbahan daw ang daddy. Ang sabi ni mama ay nahirapan daw sya maghanap,dahil sa ang lahat ng mapagtanungan nya ay dun daw sya itinuturo sa matandang manggagamot,ngunit para sa kanya ay doktor ang kailangan nya at di kung sinong manghihilot lang. Natawa pa nga daw sya ng sinabi ng isa sa mga tagaroon na baka napaglaruan daw ang daddy. Hindi pa namin alam ang ibig sabihin nun,at si mama ay walang paniniwala sa mga ganun. Tanging pinaniniwalaan nya lang ay kung may pera ka ay may lunas ka. Sana nga lang sa pagkakataong ito ay gumana ang kapangyarihan ng pera.

Inumpisahan ng suriin ng doktor ang daddy. Kung ano ano ang ginawa nya dito ngunit sa huli ay sinabi nya na parang mas makabubuti daw na dalhin sya sa pagamutan upang matingnan ng maayos,dahil kahit saang anggulo nya raw tingnan ay wala namang malalang sakit ang aming ama,bukod nga lang daw sa wala syang malay at di masabi ang kanyang kondisyon.

***

Apat na araw na ang nakakalipas,matigas ang ulo ni mama,talagang di nya pinadala si daddy sa pagamutan. Pilit nyang doon lang sa bahay ang daddy at pilit pa rin nyang ipinagagamot sa doktor na wala namang nagagawa. Di lang makatanggi ang doktor at dahil sa binabayad sa kanya kung kaya at panay lang ang sunod nya. Ngunit tila habang ginagamot sya nito ay mas lalo lang lumalala ang lahat hanggang sa isang araw..

"Wala na po sya.." mahinang sabi ng doktor.

Ang akala siguro nila ay di kami nakikinig. Ngunit kahit anong hina ng kanilang mga salita ay narinig naming lahat ni Lance yun. At nagsimula ng pumatak ang aming mga luha,wala na si daddy..paano na ang mga pangako nya sa amin?

Napaluhod na lang si mama sa gilid ng kama kung saan nakahiga si daddy. Ang itsura ni daddy ay parang bangkay na matagal ng binawian ng buhay,nagmukha syang matanda.

Kalungkutan ang namutawi sa aming paligid ng mga oras na yun,bakit ganon? bakit napakabilis ng mga nangyayari,ni hindi man lang tumagal si daddy na makapiling namin,bakit tila ang lupit ng kapalaran sa amin? sa amin na walang alam sa mga nangyayari..ang daming tanong sa isip ko na wala man lang makasagot..

***

Ipinalibing ni mama si daddy sa pinakamalayong sementeryo doon sa lugar na yun. Naging malungkot na rin ang paligid.

Isang araw nagulat na lang kami ni Lance na may mga taong dumating sa bahay,naibenta na pala yun ni mama at babalik na kami sa Maynila upang doon na manirahan.

Ayaw man namin ngunit wala kaming magagawa,at isa pa ay masyado ng malungkot ang bahay na yun para sa aming tatlo.

Nilisan namin ang bahay upang makapagsimula ng bagong buhay,at hanggang sa huli ay wala kaming natanggap ni isang paliwanag kung bakit kami ganoon.

Itutuloy...

June_Thirteen

Bahay Bakasyunan(Ang Kasunod Na Yugto Ng Buhay Ni Andrea)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon