Ang kabanatang ito ay para kay verronica14.
Yuki's POV-
Ang buhay ni Yuki.Half japanese,half pinoy ako. Ang mom ko ay japs at ang dad ko ang pinoy. Isa ang pamilya ng mom ko sa may pinakamalagong business sa Japan noon. At dun daw nagkakilala ang mommy at daddy ko..nang mapunta ang mommy sa Pilipinas for business.
Hindi na bumalik ang mommy sa Japan nung napangasawa ang daddy. Wala ako masyadong matandaan sa buhay ko dahil sa bata pa ako nun,ang aking Ate lang ang madalas magkwento sa'ken ng mga nagaganap sa aming pamilya...Ilang taon din ang tanda ni Ate sa'ken. Ako ang bunso.
Madalas daw ako magkasakit nun,halos di ako tumatagal na di dinadala at ikinoconfine sa ospital. Ang sabi pa sa'ken ay mayroon daw akong sakit sa puso ngunit naiayos din ang lahat bago ako magtatlong taon.
Iyun lamang ang natatandaan ko.
Hindi malinaw sa'kin ang lahat bukod lamang sa isang pangyayaring di ko malilimutan habang buhay.
***
Si Yuki at ang kanyang Ate.
"Dito lang tayo ha? Maingay na naman sila daddy eh.." ang sabi ng ate ni Yuki.
Para sa tatlong taong gulang na bata ay di pa malinaw ang mga nangyayari sa kanyang paligid.
"Napapadalas ang away nila mommy at daddy..narinig ko may babae daw ang daddy.."
"Di ko alam kung totoo yun pero wag na lang natin pansinin ha?"
Tanging mga kwento lang ng kanyang ate ang madalas nyang pakinggan,dahil ayaw nya ng ingay,paulit ulit na ingay na nagmumula sa kanyang mga nag aaway na mga magulang.
Bigla na lamang kasi nagbago ang kanyang ama. Madalas ay di na umuuwi ng kanilang bahay,mula ng lumipat sila sa bahay na ipinamana sa kanilang ina ng mga magulang nito. Isang lumang bahay na sinasabing panahon pa ng mga hapon nang itayo sa lugar na iyon.
Naging maayos naman ang kanilang paninirahan dun bukod nga lang sa mga minsan ingay na di nila maipaliwanag.
Hanggang sa isang araw ay..
"Dad wag po,wag nyo po kaming iwan..mahal na mahal po namin kayo..hu hu.."
Ang iyak ng isang batang babae na tila inagawan ng kendi. Umiiyak sya dahil sa ang kanilang ama ay lilisanin na ang kanilang bahay at tatalikuran na ang kanyang pamilya..at ang kanyang pagiging ama.
Nag iiyakan ang dalawang bata. Ang isa ay umiiyak dahil sa alam nya ang lahat ngunit ang isa ay umiiyak dahil sa wala syang maintindihan. At isang asawang parang sasabog ang damdamin dahil sa sya iiwan ng pinakamamahal nyang asawa sa di nya malamang dahilan. Para sa kanya ay wala syang pagkukulang,ngunit ang para sa asawa nya ay di sapat lahat.
Hindi nila napigil ang nagpupumiglas na damdamin ng isang lalaki na tila ibon na gustong lumipad papunta sa kanyang gustong pugad. At sya ay lumisan na nga.
"Dadddddyyyyy!!"
Sigaw ng ate ni Yuki. At si Yuki naman ay napayakap na lang sa kanyang ate.
At ang kanilang ina naman ay halos maglupasay sa sahig dahil sa sobrang pigil sa kanilang lilisan na ama.
***
Simula noong araw na umalis ang kanilang ama ay di na nila nakausap ang ina. Bukod tanging ang kanyag ate na lamang ang nag aasikaso ng lahat,ang kanilang nag iisang tagapangalaga ay nilisan na rin sila.
Hanggang sa isang araw ay makita na lang nila ang kanilang mahal na inang nakabitin at nakabigti sa kanilang silid aklatan. Tumakbo ang ate nya upang pilit pa itong alisin sa pagkakabitin ngunit anong magagawa ng syam na taong gulang na bata para dito.
"Maamaaaaaa!!!! Maamaaaaaaa!!! Baakeeettt!!! Ahu hu...Waaaaaaa!!! Maamaaaaa koooo!!"
Bukod tanging iyak ng kanyang Ate ang maririnig sa apat na sulok ng bahay.
Si Yuki ay napa upo na lang sa sahig,yakap yakap ang kanyang laruang robot. Tahimik syang umiiyak. Ayaw nya ng nakikita nya ngunit tila ang mga mata nya ay ayaw rin kumurap.
Nakikita nya ang kangyang ina na nakabigti habang ang kanyang nag iisang kapatid ay tumatangis sa pagkawala nito.
Nanginginig ang buo nyang katawan.
At unti unti ay nawalan sya ng malay.
"Yuki!! Yuukkkiiiii!!!!"
***
Nakarating sa kanilang ama ang balita. At dahil sa wala naman ibang mag aasikaso ay napilitan itong bumalik sa kanila upang ayusin ang lahat.
Ang buong akala nila ay naroon na ang kanilang ama para sa kanila,ngunit ng tapos na sya sa lahat ay muli na silang iniwan,kasama lamang ang isang tagapag alaga.
Dalawang araw makalipas pagtapos ng mga nangyari ay niyaya ng Ate nya si Yuki na magpunta sa tabing ilog at maglaro dun. Ngunit..
"Yuki,wag ka sanang magagalit sa ate ha,pero...di ko na talaga kaya eh..patawarin mo ako..mahal kong kapatid..mahal na mahal kita.."
"Wag kang mag alala..pinapangako ko..gagantihan natin sila.."
Ang sabi ng kanyang ate habang itinatali ang lubid sa sanga ng isang malaking puno,ang buong akala ni Yuki ay kung ano lang ang gagawin dahil nga sa niyaya sya nito maglaro sa ilog. Ang akala nya ay para sa duyan lang ngunit..
"Aarrkk!! Aarrkk!!"
Nanlaki ang mga mata ni Yuki ng makitang nyang isinuot sa leeg ng kanyang ate ang lubid at sabay tumalon,dahilan upang sya ay mabigti at mabitin.
Nagsisigaw si Yuki. Takot na takot sya sa kanyang nakita. Tila inulit lang ang eksena sa kanyang ina na nagbigti rin.
"Aaaattteeeee!!!"
***
Wala na syang ina,wala na rin ang kanyang ate na tanging kasangga nya,at ang kanyang ama? Saan nya kaya makikita?
Isinama si Yuki ng kanyang tagapag alaga at iniwan na lang sa bahay ampunan. Tila nagkaroon sya ng diprensya sa pag iisip dahil sa mga nangyari,at tanging sagot nya lamang sa mga tanong sa kanya ay "hindi ko alam" .
Naroon sya hanggang sa mag anim na taong gulang,dalawang taon nyang hinintay hanapin sya ng ama ngunit,di sya dumating para sa kanya.
Itutuloy..
June-Thirteen

BINABASA MO ANG
Bahay Bakasyunan(Ang Kasunod Na Yugto Ng Buhay Ni Andrea)
ParanormalPaano kung ang dapat na masayang bakasyon ay mauwi sa isang nakakakilabot at malagim na trahedya? Ang kwento na ito ay istorya ng anim na dayo sa isang probinsya na makaka-engkwentro ng di nila pinaniniwalaan. At ang tanging pag-asa lamang nila upan...