Chapter Two

3.5K 142 0
                                    

***

Naramdaman kong may tumatapik sa mukha ko. Napamulat naman ako ng mata. Nasilaw ako sa sinag ng araw.

"Iha, bakit dyan ka natutulog?"

"Pasensya na po kayo. Gusto ko po kasing mag-apply bilang maid."

"Talaga? Mukha ka namang mayaman ah."

"Naku, hindi po. Eh di sana hindi nyo ko nakitang natutulog dito."

"Sabagay. May dala ka bang biodata?"

"Meron po."- sagot ko. Ewan ko ba pero pag-alis ko sa bahay ay nagdala talaga ako ng biodata. Ito pala ang purpose nun.

"Halika sa loob. Ipapakilala kita kay Senior."

Sumunod ako sakanya. Pagpasok palang ay kita mo na ang karangyaan sa loob ng bahay. Marmol ang sahig. May naglalakihang mga vase. Makikinang na chandelier na nakasabit sa taas. May mga antique na kagamitan. But wait... ganito rin naman sa bahay namin ah! Nagmumukha tuloy akong inosente. Nahinto naman kami sa harap ng isang kwarto. I guess office nya ito.

"Maiwan muna kita dito. Kakausapin ko lang si Senior."

Ilang minuto ang lumipas bago muling bumukas ang pinto.

"Pwede ka ng pumasok."

"Salamat po."

Pumasok ako sa loob at nabungaran ko ang isang lalake na sa tingin ko ay nasa mid-40's. Nakasalamin sya at mukhang seryoso.

"Good day po, Sir."

"Good day din, Iha."- bati nya pabalik. "Anong pangalan mo?"

"Nicomaine Mendoza po but you can call me Maine, Sir."

"Nice to meet you, Maine. I'm Albert Richards."

"It's so nice to meet you din po, Sir Richards."

"Masyado kang pormal, Iha, Tito Albert nalang."

"Aah. Sige po. Sir... I mean... Tito Albert."

Ngumiti naman sya.

"Nag-aapply ka bilang maid?"- tanong nya habang hawak yung biodata ko. Kinuha kasi kanina yun ni ate. Basta si ate yung nagpapasok sakin dito.

"Yes po."

"Graduate ka ng Culinary Arts sa DeLaSalle-College of St.Benilde at sa The Sagamore Resort in Bolton Landing, NewYork ka nagOJT. Are you sure na maid talaga ang pinapasukan mo?"

Patay! Parang mabubuking pa yata ako.

"Sir, ang totoo nyan..."

"Wait. I have an idea."- napatitig ako sa mukha nya.

"Ano po yun?"

"Gagawin nalang kitang Personal Assistant ng anak ko. Okay lang ba sayo?"

"Opo naman."- nakangiti kong sabi. Yun lang naman pala. Ang dali-dali eh!

"Papatinuin mo lang sya."

Napatayo ako sa sinabi nya. "Ano pong sinabi nyo? Pwede pong pakiulit?"

"Papatinuin mo lang ang anak ko. Masyado kasing matigas ang ulo nya. Hindi sya marunong makinig sakin kaya palagi kaming nag-aaway."- then huminga sya ng malalim. "Don't worry. Suswelduhan naman kita. Dito ka rin titira at libre ang food. Enough na ba ang 50 thousand o kulang pa?"

Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya. "Sir... I mean Tito Albert. Kayo po dapat ang tanungin ko kung sure kayo? Kung ako po ang tatanungin ay sobra sobra na po yun pero 50 thousand pesos a month para lang patinuin ang anak nyo?"

"Sa nakikita ko ay agree ka na. It's settled then. Maaari ka ng lumabas at si Manang na ang maghahatid sayo sa kwarto mo. GoodLuck, Maine."- sabi nya pa bago inikot ang swivel chair nya patalikod sakin.

Wala na akong nagawa kundi ang lumabas. Naabutan ko naman si Manang na hinihintay ako.

"Tanggap ka na?"- nakangiti nyang tanong.

"Opo. Pero bakit po ganon? Maid ang inaplayan ko pero sa pagiging personal assistant ng anak nya ko napunta?"

"Yun naman talaga ang gusto ni Senior."

"What do you mean po?"

"Maid lang ang nilalagay namin sa labas pero personal assistant talaga yon. Hindi naman na nila kailangan ng maid kasi matagal na akong naninilbihan sakanila."- sabi nya. "Sana naman ikaw na ang huling makapagpatino sa anak ni Senior."

"Bakit po? Marami na po bang nauna sakin?"

"Pangdalawang daan ka na siguro."

"Ano po? Pang 200 na ko?"- sigaw ko.

"Wala kasing nakakatagal kay Senyorito. Kaya isa lang ang masasabi ko sayo. GoodLuck."

Dalawa na ang nagsabi sakin ng GOODLUCK. Kailangan ko ba talagang mapatino ang kung sino man yon? Ano ba naman itong napasok ko.

Hinatid na ko ni Manang Tess sa magiging kwarto ko. Expected ko na sa Maid's Quarter ako mag-sstay pero dinala nya ko sa isang magarang kwarto. Ilan pa kayang bonggang room ang meron sa loob ng mansion na ito?

"Dito ka matutulog para magkalapit lang ang kwarto nyo. Itong katapat na kwarto ay kay Senyorito."- sabi nya. "Sige, Maine, maiwan na kita at maghahanda pa ko sa baba ng lunch."

"Teka po. I will help you, Manang."

"Naku, wag na. Hindi ka katulong dito, okay? Magpahinga ka muna. Tatawagin nalang kita kapag ready na ang mesa."

Naiwan akong mag-isa dito sa kwarto. Naligo muna ako bago ko inayos ang mga damit ko sa closet. Inilapat ko ang likuran ko sa malambot na kama.

Bigla kong naisip si Mommy at Daddy pati si Lola. Ano na kayang nangyayari sakanila ngayon? Hinahanap na kaya nila ako? Tumulo ang luha sa gilid ng aking mata. Pinahid ko ito at iwinaksi na sila saking isip. Kailangan kong panindigan ang desisyon ko. At unti-unti ko ng ipinikit ang aking mga mata. Nakatulog na ko.

***

VOTE.FOLLOW.COMMENT.SHARE

FB: marimarbelenario@yahoo.com

IG: @marimaraaww

TWITTER: @marimaraaww

"Ang Boss Kong Artista"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon