***
Alden POV.
Isang mataray at walang kangiti-ngiting Lola ang humarap sakin.
Nagmano ako sakanya.
"When did you arrived? Hindi ba't may shooting ka pa sa Singapore? Bakit wala man lang sinabi sakin ang ama mo na nandirito ka na?"- imbis na yakapin ay sinermunan nya ko.
"Chill ka lang Lola. Wala namang masama sa ginawa ko at isa pa gusto ko lang talaga makapag-isip."
"Talaga? Gusto mong mag-isip? Eh kung hindi pa kita napanood sa balita hindi ko pa malalaman na nakauwi ka na! At may kasama ka pang babae."
I deeply sighed. Napatingin ako sa ibang direksyon. Ayokong salubungin ang galit ni Lola dahil bukod kay Daddy ay kay Lola ako pinakatakot.
Masungit, Mayabang at Suplado. Badboy ako oo pero may galang pa rin ako sakanila. Ayoko lang ipakita. Hindi ako showy.
"Paano nalang kung matukso ka? Alam mo namang..."
"Natukso na nga po eh. At mahal ko pa."- sabi ko sa isip ko.
"Lola I know my limitations. Tutupad ako sa pangako. Alam nyo yan."
"Kahit na. Ang alam ko ay P.A mo sya. Sinabi ko na nga sa Daddy mo na wag mag-hire ng mag-hire ng kung sino-sinong babae eh. Nasaan ba sya? I want to talk to her!"
"Kausap pa sya ni Daddy sa office."
"Bueno! Puntahan mo."
Kahit tinatamad ay sinunod ko sya. Malapit na ko sa may pinto ng makita kong hindi nakasara ang pinto. Papasok na sana ako ng marinig ko ang kanilang pag-uusap.
"Good Job, Iha."
"Thank you po Tito Albert.
"At dahil napagbago mo ang anak ko ay dadagdagan ko pa ang sweldo mo. Is 70 thousand per month is enough to you?"
Hindi ko na kaya ang mga naririnig ko kaya naman mabilis akong umalis at bumalik kay Lola.
"Where is she?"
"Hintayin nalang natin sya dito."
Maya-maya pa ay natanaw ko na syang naglalakad papunta samin.
"Magandang Umaga po, Lola"- bati nya kay Lola. Napatingin sakanya si Lola na parang patdang patda na namatanda ng makita sya. Kinuha nya naman ang kamay nito at nagmano sya.
"Kaawaan ka ng Diyos, Iha."
I'll wait for more than 2 minutes pero hindi man lang sya nagalit. What the heck? Ang calmed ng awra ni Lola.
"Now I know kung bakit ka hi-nire ni Albert. Ang swerte talaga namin."- sabi ni Lola pero hindi ko sya masyadong naintindihan sa ibig nyang ipahiwatig.
"D-dito ka nakatira?"
"Yes po. P.A po ako ni Alden."
"Anong buo mong pangalan?"
"Nicomaine Mendoza po."
Lumawak ang ngiti ni Lola. Anong ibig sabihin nun? Akala ko ba galit sya? Haaays. Ang hirap talagang sundan ang mood ng mga matatanda.
"Kailan ka pa rito?"
"More than a month na po."
"Alam ba sainyo na nandito ka?"
"A-ano pong ibig nyong sabihin?"
"W-wala. Nevermind that."- bahagyang napangiti si Lola. "Natutuwa ako na naririto ka at ikaw ang naging P.A ng apo ko."
"Wala pong anuman, Lola."
"Bueno. Dito na rin muna ako mag-sstay."- namilog ang mata ko sa sinabi ni Lola. "Is that okay with you, Alden?"
"Y-yes, La."
Lola looked at Maine na parang tinitingnan kung ano ang magiging reaction nya.
Ngumiti lang ito sakanya.
Pero yung ngiti nya parang malungkot. Teka! Hoy! Alden gising! May kasalanan yan sayo!
"Bakit bigla kang lumungkot, Iha? May dinaramdam ka ba?"
"Bigla ko lang pong namiss ang Lola ko pagkakita ko sainyo."
"Mukha kang Lola's girl just liked Alden Lola's boy naman."
"Opo. At love na love ko po ang lola ko."
"Dapat talagang mahalin ang mga Lola."
"Tama po kayo."
--
Dinner na at nakaupo na kaming lahat. Masaya silang nagkukwentuhan habang ako naman ay tahimik lang.
Ngayon ko lang napansin na marunong gumamit ng kubyertos si Maine. May proper manner rin sya sa pagkain. Halatang inaral talaga. Tapos yung kutis nya pa ang ganda at ang kinis. Mukhang alagang alaga. Napansin ko rin na may pagka-inglesera sya. Kung hindi ko lang sya P.A iisipin ko na mayaman sya at nakatapos na ng pag-aaral.
"Sana magtagal ka rito, Maine."- sabi ni Lola.
"No!"
"Bakit Alden?"- tanong ni Lola sakin
"Dahil hindi ko kayang makasama ng matagal ang isang taong pera lang ang habol sakin."
Pagkatapos nun ay nagwalk out agad ako. Nasasaktan ako sa mga nalaman ko pero mas nasasaktan ako sa mga binitawan kong salita. Nasasaktan ako na nasaktan ko sya.
***
VOTE.FOLLOW.COMMENT.SHARE
FB: marimarbelenario@yahoo.com
IG: @marimaraaww
TWITTER: @marimaraaww
BINABASA MO ANG
"Ang Boss Kong Artista"
RandomHi and Hello po sa lahat ng ALDUB Fans. This is just a short story lang for them dahil sobrang SUPER FAN ako ng loveteam nila. Likha lamang po ito ng malikot kong imagination kaya sana po kung may free time kayo ay basahin nyo po and sana suportahan...