Chapter One

5.3K 142 1
                                    

***

Nakarinig ako ng katok sa aking kwarto dahilan para mapabalikwas ako. Bumangon ako sa higaan at binuksan ko ang pinto ng kwarto.

Bumungad sa pinto ang aking yaya. Bata palang ako katulong na namin sya. At the same time sya na rin ang nagpalaki sakin dahil laging nasa business trip ang parents ko.

"Ipinatatawag ka ng Mommy at Daddy mo. Nandiyan kasi si Lola Natasha."

"Ha? Okay, Yaya. I'll be there in a minute. Magbibihis lang ako."- sabi ko.

Tanghali na kasi ako nagigising kapag rest day ko. Dumiretso agad ako sa CR at nagshower. Nagbihis ako at bumaba na.

Nagulat ako sa hitsura ni Lola pagkakita ko sakanya. Nakaupo sya sa isang wheel chair. Nagkasakit kasi ito last month. Two weeks syang naconfine sa hospital dahil sa ayaw tumigil ang pag-ubo nya. Namayat sya ng husto, yung tipong kapag hinawakan mo sya eh parang makakapa mo na yung buto. Wala rin syang ganang kumain. Ngayon ko nalang ulit nakita si Lola after ko syang bisitahin sa hospital.

"How are you, Maine, apo?"- nakangiti sya pero ramdam ko ang bigat ng hininga nya. Nahihirapan syang magsalita.

"Mabuti naman po."

"Are you ready to marry my bestfriend's grandson?"

"What? Anong kasal?"- napasigaw ako sa gulat.

"Maine, don't shout."- Mommy said.

I deeply sighed. Noong unang beses na dumating sya dito hindi sya ganyan kahinhin magsalita. Halos palagi syang nakasigaw. Istrikto kasi si Lola eh. Mapamahiin at maraming bawal ang dapat mong sundin kapag sya ang nagsabi pero ngayon parang isa na syang maamong Lola. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o hindi dahil sa nangyari sakanya.

It's hard for me to decide na biguin si Lola sa gusto nya. Matagal ng nabanggit sakin ni Mommy at Daddy ang tungkol sa bagay na ito pero hindi ko pinag-ukulan ng pansin. Akala ko kasi biro lang yon. Pero hindi ko pa rin matatanggap na mag-aasawa na ako. Ayoko pa! Hindi ko pa kaya!

Biglang nagsalita si Lola. "Apo... inaasahan ko na tutupad ka sa usapan bago man lang pumikit ang aking mga mata at magpantay ang aking mga paa---."

"Lola! Wag nga kayong magsalita ng ganyan!"

Napalunok ako. Napatingin ako kay Mommy pagkatapos naman ay kay Daddy. Nakikita ko sa mga mata nila na nahihirapan din sila para sakin. Sasabihin ko nalang ang gusto nilang marinig ng matapos na ang usapang ito.

"Lola, pumapayag na po ako kaya please lang wag na po kayong mag-isip ng kung anupaman. Magpahinga na po kayo."

Matipid syang ngumiti.

"Thank you, apo. I'm sure that Nimfa would be glad to hear that."

Napabuntong-hininga nalang ako.

Naaawa ako sa sitwasyon ngayon ni Lola. Matamlay na sya hindi katulad dati na nakakasama pa sya sakin magshopping at manood ng movie. Hanggang ngayon nagdadalawang isip pa rin ako kung susundin ko ba ang gusto nya kaya lang nag-aalala ako sa pwedeng mangyari sakanya. Naiisip ko na talagang kausapin sa Lola na wala akong balak magpakasal sa kahit na kanino sa ganitong edad pero magmumukha naman akong masamang apo at walang utang na loob. For pete sake. I'm just 20. Kahit strict sya ay mahal na mahal ko sya.

"Kailan po ba kami magkakaharap ng apo ng bestfriend nyo?"

"Sa tamang panahon apo. Malapit na yon."- nakangiti nya pang sagot.

--

Alastres na ng umaga. Tulog pa ang lahat at tanging ako pa lamang ang gising. Nakaimpake na rin ang mga damit ko. Tinignan ko ang mga pictures sa table ko. Mom, Dad, alam kong naiintindihan nyo kung bakit ko gagawin ito, patawarin nyo po ako. Mahal na mahal ko kayo. Hinawakan ko naman ang frame kung saan si Lola Natasha ang kasama ko. Lola, alam kong nangako ako at tutuparin ko naman talaga yon pero hindi ngayon, sorry po. Mahal na mahal rin kita. Pinunasan ko ang luhang dumaloy sa aking mga mata. Marahan akong lumabas ng aking kwarto. Madilim ang paligid. Nakatiptoe ako habang nababa sa may hagdan bitbit ang maleta ko at isang bagpack na nakasabit sa may likod ko. Nang malapit na ko sa may main door ay napatago ako sa may likod ng vase dahil nakita ko si Lola sa sala at naulinigan kong may kausap sya. Bakit gising na sya ng ganitong oras? Hindi ba dapat nagpapahinga pa sya?

"Pumayag na sya."

"Matutuloy na ang kasal na matagal nating pinangarap."

"Ako pa ba? Sariling diskarte lang."

"Napaniwala ko syang may sakit ako."

Tuluyan ng tumulo ang luha na kanina pa nagbabadya na bumagsak sa aking mga mata. Napatutop ako sa bibig ko. All this time? Niloloko nya lang pala ako? Puro kasinungalingan lang pala ang lahat? So, tama pala ang desisyon ko na umalis na dito dahil kinokontrol nya lang ang buhay ko.

Nakita kong inoff na ni Lola yung phone nya bago umakyat sa taas.

Mabilis akong umalis sa bahay namin. Nakalabas na rin ako sa village. Saan na ba ako pupunta? Sumakay ako ng taxi pagkatapos ay bumaba pagkatapos ay sumakay ako ng bus and then bumaba ulit. Tinignan ko yung wallet ko at nakita kong 500php nalang ang laman. What the heck? Ako lang yata yung taong maglalayas na nakalimutan magdala ng sapat na pera. Nag-umpisa na kong maglakad dahil sa nagliliwanag na rin naman. Lakad lang ako ng lakad hanggang sa napagod ako. Mauupo na sana ako ng mapansin ko ang karatulang nakasabit sa isang malaking bahay.

"Wanted, Maid."

Napa-isip ako. Mamamasukan ako dito. Pero dahil na rin sa sobrang antok ay nakatulog ulit ako.

***

VOTE.FOLLOW.COMMENT.SHARE

FB: marimarbelenario@yahoo.com

IG: @marimaraaww

TWITTER: @marimaraaww

"Ang Boss Kong Artista"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon