EPILOGUE

4.7K 171 29
                                    

***

Nandito na kami ngayon sa loob ng resto. Hindi ako makagalaw sa kinauupuan ko. Para akong sinampal ng isang daang katotohanan.

"Ibig sabihin sainyo pala napunta ang anak ko, Pareng Albert?"- tanong ni Daddy.

"Oo, Pareng Niccolo. Nang makita ko ang biodata nya ay wala na akong pag-aalinlangan na tinanggap sya. Tinawagan ko rin agad si Mama para ipaalam sakanya ang nangyari."

"At tinawagan ko naman agad itong si Natasha para ipaalam sakanya."- sabi naman ni Lola Nimfa.

"Pasensya ka na, anak. Alam kong nagtaka ka na hindi ka namin hinanap. Sinabi naman kasi samin ni Mama na wag ng mag-alala sayo dahil nasa safe na lugar ka."- sabi naman ni Mommy.

Kaya pala hindi nga nila ako hinanap nung lumayas ako. Ganun pala ang nangyari. Pero bakit parang planado? Haaay. Bahala na nga.

"Alam po ba ni Alden na ako si Mingming?"

"Hindi. Nawalan rin kasi sya ng alaala kaya dinala namin sya America para doon ipagamot."- sagot ni Lola Nimfa. "Pero noong araw na umalis ka, ipinaliwanag namin sakanya ang lahat pagkatapos nun ay naalala ka na nya... Gusto ka nyang hanapin pero pinigilan ko sya... Dahil alam ko naman na mangyayari ang araw na ito. Ang muli nyong pagkikita. Ang hindi nya lang alam ay ikaw ang mapapangasawa nya."

Napatingin kaming lahat sa bagong pasok. Si Alden at Dorris na magkasama. Teka nga? Hindi ba ako ang future wife nya? Bakit nya ba kasama ang Dorris na yan? Nandito na yung mapapangasawa nya oh! Kapal talaga ng mga mukha! Nang makalapit na sila ay sumimangot ako. Halos hindi na maipinta ang mukha ko sa nakikita ko. Nakahawak ba naman ang bruhang si Dorris sa braso ni Alden.

"Hello, Lola Nimfa."- sabi nya sabay halik sa pisngi. Aba't talaga naman...

"Maine? Bakit ka nandito?"- tanong nya ng makalapit samin at makita ako. Hindi ako sumagot, instead inirapan ko sya.

"Dahil si Maine, si Mingming na kababata mo at ang mapapangasawa mo ay iisa."- nakangiting sabi ni Lola Nimfa.

Halata namang nabigla si Alden pero si Dorris natatawa lang. Yung totoo? Baliw na sya.

Hindi ko na kaya ito. Tumataas yata ang presyon. Pero wag naman sana dahil bata pa ako. Tatayo na sana ako para magCR pero napatigil ako sa narinig ko kay Lola Nimfa.

"Dorris doon ka sa tabi ng Tito Albert mo. Hayaan mo na dito ang Kuya Alden mo."

"K-kuya Alden?"- react ko.

"Tsk. Pinsan ko si Dorris."

"P-pinsan mo sya?"

"Yes, kaya wag ka ng magselos Mingming."

"Teka? Sinong nagseselos? Asa ka naman! Kapal mo ah!"

Nagsalita naman si Dorris. "Pasensya ka na Maine kung pinahiya kita dati sa set at nagpanggap ako na Girlfriend ni Kuya. Alam ko kasi na ikaw si Mingming kaya galit ako sayo. Akala ko kasi kinalimutan mo na si Kuya Alden yun pala nagka-amnesia ka rin. Kung alam mo lang kung gaanong sermon ang natanggap ko mula sakanya at kay Lola. Hehe. Sorry talaga."- sabi nya sabay peace sign.

"Okay na sakin yon."- ngumiti rin ako.

Nagpatuloy na kami sa pag-uusap tungkol sa kasalang magaganap. Nakakatuwa lang dahil parang destiny na nga ang gumawa ng way para magkatagpo ulit kaming dalawa.

"Sabi naman sayo, Apo. Magkakakilala rin kayo sa tamang panahon ni Alden eh. Pero sadyang mapaglaro ang tadhana."- natatawang sabi ni Lola Natasha.

Nagtawanan naman ang lahat.

"Sorry. I'm late."

"Dr.Love?"

"Anong Dr.Love? Uncle anong ibig sabihin nun?"- tanong ni Alden.

"Mahabang salaysayin pero ang importante nagkita na kayo."

"Daddy dito kayo maupo."- sabi naman ni Dorris.

"D-daddy?"- nauutal na sabi ko.

"Yeah. Daddy ko sya. Kapatid sya ni Tito Albert. Sya si Dr. Alfred Richards."

"Eh bakit Bayola ang surname mo?"

"Screen name lang yon. Dorris Richards talaga ang true name ko."

Halos mapuno ng tawanan ang buong resto dahil samin. Napagpasyahan nila Lola na magcoffee para mabawasan ang bigat ng mga tiyan nila pero hindi na kami sumama pa ni Alden. Hapon na rin yon.

Nagpunta kami sa isang park. Ang park kung saan madalas kaming naglalaro noong mga bata pa kami.

"Naalala mo pa 'toh?"- tanong nya.

"Syempre naman. Palagi kaya tayo dito."

Bigla namang umulan. Hihilain sana ako ni Alden para sumilong pero sya ang hinila ko palapit sakin. I hugged him tightly. Wala akong pakialam kung pinagtitinginan na kami ng mga taong naglalakad sa kalsada. Ang mahalaga yakap ko na ang pag-ibig ko.

"Malaki ang parte ng ulan sa buhay natin. Kaya kailangan natin syang pasalamatan kung hindi habang buhay na akong matotorpe sayo."- sabi nya.

"Oo nga eh. Imagine, ikaw pala ang itinakdang ipakasal sakin ni Lola. Noong una nya talagang sinabi sakin yon ay sobrang labag sa loob ko pero ngayon na nasa harap ko na sya, wala na akong mahihiling pa."- I smiled at him.

"Tama nga sila. Mabait si Lord. Super blessed tayo sakanya."

"Oo nga. Kaya will you marry me Mr.Alden Richards?"

"Teka, bakit ikaw ang nagpopropose? Ako dapat yan eh."

"Ang tagal mo kasi eh."

May inilabas syang box na galing sa bulsa nya. Lumuhod naman sya sa harap ko. "Will you marry me, Ms.Nicomaine Mendoza?"

Naiyak naman ako sa sinabi nya. Pero dahil sa ulan ay hindi ito mahahalata. Ang saya ko. Sobrang saya ko.

"Yes, I will marry you."

Sinuot nya sakin ang singsing at tumayo sya. Then our lips met.

Bigla namang may mga nagpalakpakan. Napatingin ako sa paligid at nakita kong napakaraming tao, marami ring spotlights and camera ang nakatutok samin. Nakita ko rin sa kabilang gilid ang family namin. Tumila na rin ang ulan.

Ngayon masasabi ko na LOVE WILL ALWAYS FIND A WAY. Kahit gaano karaming pagsubok ang dumating. Laban lang at wag mawawalan ng pag-asa.

"I love you, Mingming."

"I love you, too, Dingding.

Forever."- at muling naglapat ang aming mga labi.

--

ANG BOSS KONG ARTISTA THE END. :)

***

THANK YOU po sa lahat ng nagbasa !!! Very appreciated po !!! Thumbs up sating lahat dahil para sainyo toh !!! XD

Keep supporting. Thank you sooooo much. ALDUByouALL. :)

--

VOTE.FOLLOW.COMMENT.SHARE

FB: marimarbelenario@yahoo.com

IG: @marimaraaww

TWITTER: @marimaraaww

"Ang Boss Kong Artista"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon